CHAPTER FIVE

3507 Words
    INIMULAT ni Timothy ang kanyang mga mata. Naririnig sa apat na sulok ang tunog ng kanyang cellphone. Nasapo niya ang kanyang ulo ng sumakit iyon dahil sa biglang pagbangon. Terrible head ache early in the morning. Iniikot niya ang tingin sa paligid. Nagkalat ang mga damit niya at bote ng alak. Muli siyang nahiga. Ayaw niyang bumangon at simulan ang araw na iyon.     Muling tumunog ang phone niya. Kinapa niya iyon sa kanyang kama.  Tiningnan niya kung sino ang tumawag. Nakita niya ang pangalan ng pinsan na si Alex. Agad niyang binitawan ang cellphone niya at inilagay ang braso sa mga mata.      Ayaw niyang kausapin ang kahit na sino. Sa loob ng tatlong linggo ay wala siyang kinakausap. Kahit nga ng pumunta ang dalawa niyang pinsan ay hindi niya hinarap. Hindi niya kayang harapin ang mga ito. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin siya. He can’t clean up his own mess. His name is still tempted because of those jerks. Sila ang may kagagawan ng pagkasira ng pangalan niya. Alam niya kung sino ang may pakana at nais niyang magwala dahil doon.     Benjamin got back from showbiz. Nakapagrelease ito ng album last week at iyon ay ikinasasama ng loob niya. Nakita niya si Manager Kho na kasama nito habang tinatanong ito sa latest album na inilabas. It should be him but everything turns upside down. Nalaman niya din na hindi na siya konekdato sa agency. They void his contract without him knowing. He already files a case but it was wasted. Umatras din ang abogado na kinuha niya. Nakita niya kung gaano kasaya si Benjamin. Hindi lang iyon, tinanggap pa ng buong bayan ang relasyon nito sa dati niyang nobya. They are both planning to get married soon as per Benjamin said.     Ang sakit lang na nawala sa kanya ang lahat. Hindi na nga pinag-uusapan ng mga tao ang tungkol sa kanya pero may iilan pa rin na nagpopost ng masasakit na salita sa kanya. Nababasa niya iyon sa kanyang social media. Ibinalik na kasi sa dati ng management niya ang mga ito. Patay na ang issue dahil patay na din ang career niya. They really play him hard. They make sure he won’t get back even he tried.     Napakuyom siya ng kamao. Gusto niyang bumalik sa showbiz. Gusto niyang bawiin ang inagaw sa kanya ngunit hindi niya alam kung papaano. Alex and Ashley offer a help, even Tita Ivy but I decline. Gusto niyang bawiin ang lahat na wala ang tulong ng mga ito. May pride pa naman siyang natitira. He gets in showbiz without their help. Kaya babalik siya ng wala ang tulong ng mga ito.     ‘Eat your pride and avenge them.’  Sigaw ng utak niya.     Ngunit ayaw pa rin ng pride niya. Natigilan siya ng tumunog ulit ang phone niya. This time it just a text. Kinuha niya ang aparato at binasa ang text.     ‘Answer my call, Kuya Tim. Tita Ivy is worried.’ Mensahe iyon mula kay Alex.     Napabuntong hininga siya. He doesn’t want to talk. Agad siyang nagtipa ng mensahe.     ‘I’m okay, so don’t call me. Tell Tita na wag siyang mag-alala.’     Ilang sandali pagkataos niyang masend ang mensahe na iyon ay tumawag muli si Alex. Hindi niya iyon sinagot. Hinayaan niya lang tumunog ang kanyang phone. Bumangon siya at naglakad palabas ng kwarto niya. Naglakad siya papunta sa refrigerator at kumuha ng isang can beer. Inisang inum niya iyon. Wala siyang paki-alam kung masyadong maaga pa para uminum. Iyon naman lagi ang ginagawa niya. Beer in morning until he passes out.     Tumingala siya pagkatapos itapon sa kung saan ang lata ng beer. Naglakad siya papunta sa sala. Kagaya ng kwarto niya ay magulo din iyon. Wala sa sariling naupo siya sa sofa at binuksan ang T.V pagkatapos ay hinayaan niya lang na nakabukas. Sumandal siya sa sofa at tumingala. Nakakaramdam na naman siya ng kalungkutan. Pakiramdam niya ay mag-isa lang siya at walang gustong damayan siya. Gusto niyang marinig ang malakas na ingay ngunit hindi niya iyon marinig sa apat na sulok ng kanyang condo. Nakabukas nga ang T.V ngunit hindi naman niya naririnig ang sinasabi ng nagsasalita.     Bigla siyang may narinig ng may bumanggit sa isang pangalan. Napatingin siya sa T.V at nakita niya ang pagmumukha ni Benjamin na masayang nakangiti.     Nasa isang eskwelahan ito at may mga batang parang tinuturuan. Napangiti siya ng mapait ng mabasa ang nakasulat patungkol sa lalaki. Napakaplastic ng gago.     ‘Sikat na singer na si Benjamin, pinasaya ang mga bata sa isang public elementary. Ang eskwelahan na ito ang napili ng singer na tulungan ngayong kaarawan niya. Naging masaya naman ang mga bata---“     Tumawa siya ng marinig ang sinabi ng nagbabalita. Hindi ba alam ng mga ito na kaplastikan ang ginagawa ng lalaki. Gusto nitong linisin ang pangalan nito kaya ganoon ang ginagawa. Ang gago naman sobrang saya dahil naluko nito ang mga taong naruroon. Kitang-kita kasi ang paghanga ng mga tao para sa lalaki. Nagsalubong ang kilay niya ng mapansin ang babaeng kasama ni Benjamin na nagtuturo. Hindi kasi ito nakangiti at parang wala itong paki-alam kay Benjamin. The girl seems not enjoying the farade of his ex-friend. Nahagip din ng kamera ang pag-ikot ng mga mata nito ng sinubuan ni Benjamin ang isang bata. Napangiti siya. Hindi naman pala lahat ay maluluko ng gago.     Muli siyang napatingala ng matapos ang balita kay Benjamin. Ipinikit niya ang mga mata at ang mukha ng babae ang nakita niya. Muling gumuhit ang ngiti sa labi niya. Pamilyar sa kanya ang babae ngunit hindi niya alam kung saan niya ito unang nakita. Napamulat siya at napatayo. Bakit ba pumapasok sa isipan niya ang babae? Ang dapat niyang isipin ngayon ay kung paano maibabalik ang dating career niya. Hindi ito pwede. Tumayo siya at naglakad papunta sa kusina. He needs beer to shake her in his mind. Natigilan siya ng makitang wala na pala siyang beer. Napamura siya. Kailangan niyang lumabas.     Wala siyang nagawa. Pumasok siya sa kanyang kwarto at humagilap ng jacket at shades. Hindi na siya naligo at hindi na din nag-abala pang tumingin sa salamin. Kinuha niya ang susi ng kotse niya at lumabas ng bahay. May malapit na grocery store sa condo niya.      Pagpasok niya ay pinahubad sa kanya ang salamin sa mata at ganoon din ang hoddie. Nakita niyang napatingin sa direksyon niya ang ilang naruruon. Binaliwala niya na lang. Agad siyang pumunta sa wine and liquor section. Bibili lang siya ng beer in can at aalis din. He will add a bottle of whisky also. Susubukan niyang uminum ng hard drinks para mas mabilis siya makatulog. Habang nasa liquor section siya ay napansin niyang pinagtitinginan siya ng ilang mamimili. Narinig niya pa ang sinasabi ng mga ito.     “Hindi ba si Timothy Navarro iyon?”     “Oo nga. Totoo nga pala talagang drug addict siya. Tingnan mo naman ang ayos niya.”     Napakuyom ang isa niyang kamay at nag-isang guhit din ang labi. People with their hash judgement.     “Alam mo sayang talaga siya. Ang ganda ng boses, ang gwapo din pero bakit niya sinira ang buhay niya sa drugs? Nakakalungkot naman. Fans pa naman niya ako.”     Nakaramdam siya ng kalungkotan ng marinig ang huling sinabi nito. Fans niya ito pero bakit kay bilis nito siyang hinusgahan. Fans, my ass.      “Pero bakit kaya nandito siya at hindi nakakakulong? Hindi ba dapat ay nakarehab siya?     “Ano ka ba? Hindi mo ba nabalitaan ang tungkol sa totoong ama niya. Mayaman ang daw ang totoong ama ni Tim. Ang sabi pa nga, ang ama nito ang dahilan kung bakit nakalaya ito at hindi natuloy ang kaso niya. Ang ama din nito ang gumawa ng paraan para hindi ito marehab.”     “Sino ba kasi ang totoong ama niya?” hindi maitago ang curiosity sa boses ng babae.     “Ang narinig ko, anak daw siya sa labas ng mga Cortez at kapatid niya si Ashley.”     Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Anong sinasabi ng mga ito na kapatid niya si Ashley? Pinsan niya iyon at nadadamay na ito sa issue niya?     “Si Ashley Samantha Elizabeth Cortez, iyong sikat na fashion designer at tanging taga-pagmana ng Cazza Pilar Corporation?” gulat na gulat na tanong ng babae.     “Oo daw. Sinugod daw ni Ashley si Franzy pagkatapos ng interview nito kay Timmy at pinagbantaan. Doon na komperma na magkapatid sila. Kaya ang lakas ng loob na gumamit ng drugs at manluko ng nobya dahil may sasalo sa kalukuhan niya. Hindi na rin nakakapagtaka na s*x addict din siya. Balita ko ay ganoon ang ibang pinsan ni Ashley.” May bahid ng pandidiri ang boses ng babae.     Napakuyom siya. Nandidilim ang paningin niya ng mga sandaling iyon. Talagang dinamay nila ang kanyang pinsan. Sumusobra na talaga sila. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Hindi siya pwedeng gumawa ng eksena doon. Lalo iyon makakasama sa kanya at sa pinsan.     “Naku! Wala din naman siyang career na babalikan pa kahit malakas ang back up niya. Pangit ang reputasyon ng mga Cortez sa business world. Mga mapang-api ang pamilya niya. Lalo siyang kinamumuhian ng mga tao ng malaman na Cortez siya. Kaya lubog na din ang career niya.” Dagdag na sabi ng babae. Hindi maitanggi na may kasayahan sa huling sinabi nito.     Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa can beer dahilan para mayupi ang lata at umawas ang laman noon. Nakita niyang napatingin sa kanya ang dalawa. Namutla ang isang babae na nagsabing tagahanga daw niya. Iyong kasama naman niya ay inirapan siya.     “Sana mawala na ang mga kagaya niya na salot sa lipunan.” Sabi pa nito habang nakatingin sa kanya bago hinatak ang kasama para lisanin ang section na iyon.     Galit niyang itinapon ang lata sa basket na hawak. Naglagay din siya ng iba pang can in beer sa basket niya. Nang gagala-iti siya ng mga sandaling iyon. Nais niyang habulin ang dalawa at sabihin sa mga ito ang totoo ngunit para saan pa. Masyado ng masama ang tingin ng mga ito sa kanya. Marami ng kasinungalingan ang nahabi at kapag nilinis niya ay siguradong siya lang ang masama sa huli.     Pagkatapos kumuha ng beer ay agad siyang lumapit sa cashier area. Lahat ng mga taong naruroon ay tumitingin sa kanya at nagbubulungan. Nasasaktan ang puso niya sa bawat sinasabi ng mga ito ngunit binaliwala na lang niya. His heart is aching for their judgement. Nais niyang magwala, sabihin sa mga ito na hindi totoo ang kanilang sinasabi. But he zips his mouth. He pays his grocery ang walk there like nothings happen. Kahit pa nga nais niyang magsisigaw ng mga sandalig iyon.     Agad niyang nilisan ang lugar. Hindi siya tumuloy sa condo niya. He hates how quite his condo is. Masyado iyong tahimik na dahilan para kainin siya ng lungkot. Pumunta siya ng Riverbank. Itinabi niya ang sasakyan niya. Madilim na ang lugar. Malayo kasi iyon sa condo niya. Nasa BGC ang kanyang condo habang ang lugar na iyon ay nasa Marikina. Malapit ang lugar na iyon sa SM. Maraming dumadaan na sasakyan sa itaas. Kinuha niya ang plastic na puno ng beer in can. Umakyat siya ng hood ng kotse at tumingala sa kalangitan habang umiinum.     Kamusta na kaya ang kanyang mommy at Tito Saturn? Kasama kaya ng mga ito ang Daddy niya? Ngayon ay parang namimiss niya ang ina. Siguro kapag narito ito ay pagsasabihan siya at sasabihing magiging okay din ang lahat. Ganoon din ang gagawin ng Daddy niya pero mas itutulak siya nito na pamahalaan ang negosyo ng pamilya. Sigurado din siyang gagawa ng paraan ang Daddy niya para ayusin ang gusot sa kanyang buhaya. Hindi niya napigilan ang mga luha niya. Nararamdaman niyang muli ang kalungkutan at kadiliman.      Ang kirot ng puso niya ay nangingibabaw ng mga sandaling iyon. Sobrang sakit na lahat ng pinaghirapan niya ay nawala sa isang iglap.     “Dad, what should I do?” bulong niya.     Umayos siya ng upo. Muli siyang uminum. Napatingin siya sa ilog. Madilim iyon at napaghahalataan ang lalim. Umaagos ang tubig doon. Malinis ang tubig at nakakagiya.     “They ruin everything, Mom, Tito Saturn. Pinagkaisahan nila ako.” Parang nagsusumbong niyang sabi.     Pumatak ang mga luha niya at ilang sandali pa ay napahagulhol na siya. Pakiramdan niya ay wala siyang kakampi ng mga sandaling iyon. Muli siyang napatingin sa ilog. Para siyang hinahatak noon. Parang sinasabi nito na lumapit siya. Umalis siya sa pagkakaupo sa kotse. Tinapon niya ang hawak na lata ng beer. Kumuha ulit siya ng isa at tumingala. Maraming nagkikislapang bituin. Napatingin siya sa may tulay. Wala ng dumaraang sasakyan. Malalim na kasi ang gabi. Meron naman kaso iilan lang. Umalis siya sa pagkaka-upo sa hood ng kanyang sasakyan. Nilakad niya pa-akyat sa tulay habang iniinum ang hawak na beer. Wala siyang paki-alam sa mga dumaraan na sasakyan.     Huminto siya sa gitna ng tulay at tumingin sa ilalim. Masyado iyong madilim ang lugar. Sumapa siya sa cliff. Pinakakatitigan niya ang tubig. Parang ina-anyayahan siya na tumalon at samahan ito doon. Para bang kapag tumalong siya ay magiging malaya na siya, na matatapos na din ang lahat ng paghihirap niya. Wala na din madadamay na taong minamahal niya. Everything will be alright.     Sumampa siya sa harang ng tulay. He is ready to die and end everything. Siguradong hindi na din maghihirap ang pinsan niya. Matatapos na din ang issue patungkol sa kanya kapag tinapos na niya ang kanyang buhay. Wala na din naman paraan para maayos niya ang lahat. Kapag nagpatulong siya sa pinsan at kay Tita Ivy ay madadamay lang sila. He will drag them in his mess. Their life will also be ruin.      Muli siyang napatingin sa ibaba ng tulay. Nakaramdam siya ng kapayapaan. Bigla ay sumaya ang puso niya dahil ang tubig na iyon ang huling himlayan niya. Walang pag-alinlangan na idinapa niya ang mga braso. He is ready. He is ready to die tonight to end his misery. Everything will be alright from now on.     Tumingala siya sa langit at hinayaan dumaloy ang mga luha sa kanyang pisngi. Nararamdaman niya ang paglapat ng malamig na hangin sa kanyang mukha. Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa kanyang labi.     “I’ll be at your side soon, Mom, Dad.” Huling salitang sinabi niya bago hinayaan ang sarili na mahulog sa tulay na iyon.     Naramdaman niya ang pagbagsak ng katawan sa tubig. May tubig din na pumasok sa kanyang ilong dahilan para hindi siya makahinga ng maayos. Nakaramdaman siya ng bigat sa kanyang binti at braso. Inimulat niya ang mga mata at nakita niya ang paligid na puno ng kadiliman. Kadiliman na nagpabaliw sa kanya sa loob ng tatlong buwan pero ngayon nagbigay iyon ng kaginhawan dahil sa kaalaman na matatapos na rin sa wakas lahat ng sakit na nararamdaman. Hinayaan niya ang katawan na lumubog. Unti-unti niyang ipinikit ang mga mata. Isang ngiti ang sumilay muli sa kanyang labi.     This is the end of him.      Ngunit bago siya tuluyan mawalan ng malay tao ay nakita niya ang umiiyak na mukha ni Tita Ivy, ang malungkot na mukha ni Lincoln, ang galit at umiiyak na si Ashley at ang umiiyak na si Alex.      ‘I’m sorry. I’m not strong.’ Tanging nasabi niya.     NAPASINGHAP si Ace ng makita ang isang lalaki na tumalon ng tulay katapad ng SM Marikina.      “Stop the car, Iiko.” Malakas niyang sabi sa pinsan.     Agad naman itinabi ng pinsan ang sasakyan nito.  “Are you okay? May masakit ba sayo?” Natatarantang tanong ni John Iiko sa kanya. Akala siguro nito ay inaataki siya dahil nakahawak siya sa dibdib niya. “Someone jump on the bridge.” Bulong na sabi niya. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili dahil sobrang bilis ng t***k ng puso niya. “What!” gulat na sabi nito. Agad itong bumaba ng kotse. Sumunod siya dito. Tumingin ito sa ilalim ng tulay at ganoon din siya. Wala na silang makita doon kung hindi kadiliman. “s**t!” narinig niyang mura ng pinsan. Bumalik ito ng sasakyan. Sumunod siya dito. Bubukasan na sana niya ang front seat ng magsalita ito.     “Subukan mong tawagan si Tocila. Susubukan kong sagitin ang lalaki.”     Nag-alala siya bigla. “Kaya mo ba? Madilim sa baba.”     “Wag kang mag-alala kaya ko. I’m a soldier, remember.” Agad nitong menaniho ang sasakyan papunta sa pinakagild ng kalsada.     Mabilis na bumaba ng tulay ang pinsan at lumagoy sa gitnang bahagi ng Ilog. Isang resign U.S air force ang pinsan niya bago ito nagdesisyon na maging piloto na lang. Alam niyang may tumalon talaga kanina doon at sana ay maligtas siya ng pinsan. Pinagdarasal niya na hindi pa sila huli sa pagligtas dito. Ilang beses na umahon ang pinsan niya para sumagap ng hangin ngunit wala pa rin ang sinuman na tumalon doon. Sa panglimang sisid ng pinsan niya ay nakita niyang may hawak na itong lalaki. Nanlaki ang mga mata niya at napasinghap siya. Agad niyang tinawagan si Tocila at sinabihan na pumunta sa bahay niya dahil may kasama silang lalaki na kailangan nitong tingnan. Mabilis naman siyang naglakad para makababa ng tulay. Hinatak naman ni John Iiko ang lalaki para ma-i-ahon. Nang marating niya ang kinalalagyan ng dalawa ay binibigyan ng CPR ng kanyang pinsan ang lalaki.     “Tinawagan ko na si Tocila. Buhay pa ba siya?” nag-aalalang tanong niya. Hindi sumagot ang pinsan. Patuloy ito sa pagbigay ng CPR sa lalaki. Hindi niya makita ang mukha nito dahil natatakpan ito ng pinsan. Pumunta siya sa gilid at nanlaki ang mga mata niya ng makita ang mukha ng lalaki. Napahawak siya sa mga labi. Kahit mahaba na ang buhok at natatakpan ng bigoti ang kalahati ng mukha ng lalaki ay alam niya kung sino ito. Anong ginawa nito? Bakit nais magpakamatay ni Timothy?  Kumirot ang puso niya sa nakitang sitwasyon ni Timothy. Pumatak ang mga luha niya. Napahawak siya sa dibdib. Pinilit niyang pakalmahin ang saliri dahil unti-unting naninikip ang puso niya. Kailangan niyang kumalma. Lalo siyang kumalma ng makitang umubo si Timothy at lumabas ang tubig sa bibig nito. Doon na rin nakahinga ng malalim ang pinsan niya. Napa-upo ito at halatang napagod.  “He will be okay.” Para naman siyang nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa sinabi ng pinsan. He is okay. He will be okay. MALALAKI ANG bawat hakbang ni Lincoln Aries Saavadra. Kararating niya lang mula sa U.S. Sa wakas ay natapos na din niya ang kanyang therapy. Ang tanging gagawin lang niya ay ang harapin ang dating kaibigan para mas lalong maging maayos ang kalagayan niya. He needs to be in peace with his past. “Magandang gabi po, Sir Lincoln.” Walang emosyon ang mukhang bati sa kanya ni Mr. Prado. Pinagbuksan siya nito ng kotse. Iniwan niya ang kanyang luggage. Ito na ang bahalang pumasok noon sa kotse. Pagkapasok niya sa kotse ay agad niyang pinadalhan ng mensahe ang ina. Sobrang namiss na niya ito. Gusto na niyang mayakap ang kanyang minamahal na ina. Kalahating taon din niya itong hindi nakasama. Maliban kasi sa therapy niya ay kailangan niya din asikasuhin ang negosyo nila sa U.S.  “How’s the company, Mr. Prado?” tanong niya sa kanyang secretary ng makapasok ito. “The company is doing great. Madam Ivy makes sure everything is fine while you gone.” Tumungo siya. Maasahan talaga ang mommy niya sa kahit anong oras. “Did Kuya Timothy help mom? I told Alex to tell Kuya to help mom while I’m away.”     Hindi sumagot si Mr. Prado na ikinasalubong ng kilay niya. Napatingin siya sa kanyang sekretarya. Nasa daan lang ang tingin nito ngunit napansin niya ang pag-isang guhit ng mga labi at paghigpit ng hawak nito sa manebila.     “Mr. Prado, may nangyari ba sa Kuya?”     Napasulyap sa kanya si Mr. Prado. Nakita niya ang takot at galit sa mga mata nito ngunit nanatili itong tahimik. Nabuhay ang irritasyon sa loob niya. He opens his data ang search for his older brother’s name. Nanlaki ang mga mata niya habang binabasa ang mga article patungkol dito. Humigpit ang pagkakahawak niya sa phone niya. Madilim na madilim ang mukha niya ng mga sandaling iyon. He wants to kill someone.     “Madam Ivy hires someone to investigate. We find out that someone set Sir Timothy up.” Sa wakas ay nagsalita din si Mr. Prado.     “Bakit walang ginawa si Alex?” galit niyang tanong.     “Sir Alex promises to Sir Timothy that he won’t interef on his own problem until he said so. Tinatawagan po araw-araw ni Madam Ivy si Sir Timothy ngunit hindi po ito sumasagot. Pinuntahan po siya ni Madam Ivy kaso hindi kami hinarap. Sobrang nag-aalala na po si Madam at ganoon din si Ma’am Ashley.”     Napakuyom siya. Siguradong masama ngayon ang loob ng kuya niya. Alam niya ang paghihirap nito. “Who did this?”     “Ang bestfriend po ni Sir Timothy na si Benjamin at ang dating nobya nito na si Rowena. Kasabwat po nila ang presidente ng agency na may hawak kay Sir Timothy. Pati na din po ang manager niya.”     Lalong kumulo ang dugo niya. He sees blood. Hndi niya ito palalampasin.     “Do something, Mr. Prado.”     “Sir…” napatingin sa kanya sa review mirror ang kanyang sekretarya.     “I want them to suffer.” Madilim at may diin na sabi niya.     “Pero sir, paano po si Sir Timothy?”     Isang nakakatakot na ngiti ang sumilay sa labi niya. “My brother will be happy.”     Walang pwedeng manakit sa isang Cortez na hindi nakakatikim ng bagsik nila. They will suffer big time. Mali na ginalaw ng mga ito ang kuya niya. Dapat silang matakot sa isang Lincoln Aries Cortez-Saavadra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD