“IT’S NOT MINE!” galit niyang sigaw sa mga pulis.
Nasa presinto siya ng mga sandaling iyon. Dinala siya doon pagkatapos siyang tanungin ng mga security personnel ng airport. He denies their allegation to him. Hindi naman kasi talaga sa kanya ang drugs na nakita ng mga ito. He didn’t take anything. Sa buong buhay niya hindi niya naisipan na tumikhim noon kahit anong pilit sa kanya ng iba. Other artist said it’s good for me. Para daw maging active pa rin siya kahit puyat sa mga shows niya. Pero hindi niya ginawa.
Alam niyang hindi iyon makakabuti sa kanya at kahit sa kalusugan niya. Kailan pa naging tama ang magtake ng drugs. Kaya nagtataka talaga siya kung paano iyon napunta sa bag niya. Pero kahit anong paliwanang niya sa mga pulis ay ayaw maniwala ng mga ito. Tinawagan na niya ang kanyang abogado pero hanggang ng mga sandaling iyon ay hindi pa rin dumarating.
“Sir, nasaan na ba kasi ang abogado mo?” tanong ng pulis sa kanya.
He gritted his teeth. Punyeta naman kasi, hindi sinasagot ni Manager Kho ang tawag niya. Nagulat na lang siya kanina ng mawala ito pagkatapos siyang dalhin ng mga security personnel sa opisina ng mga ito. Pati ang personal na abogado niya ay wala pa rin.
“Can I borrow my phone?” sabi niya sa pulis.
“Sir, ilang beses ka na namin pina---“
“I need my fuxking phone. Kailangan ko kausapin ang lawyer ko.” Galit niyang sigaw.
Nakita niyang nandilim ang mukha ng pulis at balak sana siyang suntukin ng may nagsalita mula sa likuran niya.
“Don’t ever try to lay your hands to my client.”
Lahat sila ay napatingin sa nagsalita. Seryuso ang mukha ng bagong dating. Nagsalubong ang kilay niya dahil hindi niya kalala ang lalaking ngayon ay nakatayo sa harapan nila.
“Sino ka naman?” tanong ng pulis.
Naglakad papalapit sa kanila ang lalaki. Inilahad nito ang isang maliit na papel. “Attorney Leo John Dela Costa.” Tumingin ito sa kanya bago hinarap muli ang mga pulis. “Ako ang attorney niya.”
Nagulat siya sa sinabi nito. Tinanggap ng mga pulis ang tarheta ng lalaki. Nakita niyang nagulat ang mga ito.
“Ah! Ikaw pala ang sikat na Attorney ng DL Law Firm. Ako nga pala ang hepe ng ---“
“I want to talk to my client alone. Is that okay?” putol ni Attorney Dela Costa sa iba pang sasabihin ng pulis.
Walang emosyon sa mukha nito. Hindi naman nito inaalis ang tingin sa mga pulis na naroroon. Nakita niyang tumungo ang hepe ng kapulisan ng station na iyon. Agad silang iniwan ng mga ito. Agad na naupo sa isang bakanteng upuan si Attorney Dela Costa.
“You’re not my lawyer.” Panimula niya.
“Yes! Mrs. Ivylyn Cortez-Saavadra called me. Ask me for a help.”
“Paano nalaman ni Tita na nasa kulungan ako?” gulat niyang tanong.
“You don’t know. You are all over the news. Kumalat ang video ng pagkahuli mo sa airport.”
Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig. Everyone knows what happen to him. Anong magyayari ngayon sa career niya? Siguradong iba ang iisipin ng mga tao patungkol sa kanya.
“Can I talk to Tita Ivy?” tanong niya.
Kinuha ni Attorney Dela Costa ang phone nito at ibinigay sa kanya pagkatapos mag dial. Nakadalawang ring palang ay may sumagot agad.
“Attorney, how’s Timothy? Did you settle everything?” agad na tanong ni Tita Ivy ng sagutin nito ang tawag.
“Tita, it’s me.”
“Oh My Gosh! Timmy, are you okay?”
“I’m okay, Tita. Salamat sa pagpapadala kay Attorney Dela Costa.”
“Anything for you, hijo. Gagawin ko ang lahat para makalaya ka.”
“Thank you, Tita. May pabor lang po sana akong hihingin sa iyo.”
“What is it?”
“Don’t tell, Lincoln.”
Hindi agad nakasagot si Tita. Narinig niyang huminga ito ng malalim. “Okay. Is there more, Tim?”
“Wala na po. Salamat ulit, Tita.”
“You are much welcome, Tim. Para na kitang anak kaya hindi ako makakapayag na makulong ka. Just wait, I already called someone to check what really happen.”
Ngumiti siya. “Maraming salamat. I need to go now, Tita.”
“Okay. Take care. Just hang in there. I will get you out.”
“Bye Tita.” Pinatay na niya ang tawag at ibinigay kay Attorney Dela Costa. “Thank you.”
Ngumiti lang ng bahagya ang lalaki at ibinalik sa bulsa nito ang phone. “Now, let’s talk about your case. What really happen?”
Nagsimula siyang ikwento ang nangyari kanina sa airport. Sinabi niya dito ang totoo. Wala naman talaga kasi siyang alam kung bakit may droga sa bag niya. Nakinig naman sa kanya si Attorney Dela Costa.
“Is there someone who fixed your things for you?” tanong nito.
“No one but me.” sagot niya.
“Try to remember if someone touchs your bag before the accident happen.”
Napa-isip naman siya. Siya lang naman ang humawak ng bag niya hanggan sa pumunta sila ng airport. Nanlaki ang kanyang mga mata ng may naalala. Hindi pwede ang taong iyon ang naglagay ng drugs sa bag niya?
“May manager put my bag at the back compartment of my car. Sumabay sa amin ang make up artist ko kaya doon niya nilagay ang bag ko.” Sagot niya.
Bigla siyang nilukob ng kakaibang kaba dahil sa naalala. Maari bang mangyari iyon. Hindi naman siguro siya pagtataksilan ng kanyang manager.
“Your manager? Saan siya ngayon?”
“I don’t know. After the airport accident, hindi ko na siya nakita pa. Silang dalawa ng makeup artist ko.”
Nakita niyang tumigil sa pagsusulat si Attortney Dela Costa. Tumingin ito sa kanya na walang emosyon ang mukha. “Kailan mo pa manager ang sinasabi mo?
“He had been my manager since I start in showbiz. Kaya sigurado akong hindi magagawa iyon ng manager ko.”
Tumungo si Attorney Dela Costa. Nagsimula itong mag-ayos ng gamit. Suminyas ito sa pulis na hindi kalayuan sa kanila. Agad naman lumapit ang pulis sa kanila.
“Did you already run a drug test to him?”
“Opo. Hinihintay na lang po namin ang result.”
“Pwede ko bang maka-usap ang hepe niyo?”
“Sige po. Sumunod po kayo sa akin.”
Tumayo agad si Attorney Dela Costa. Tinapik nito ang balikat niya. “I will get you out here today.”
Sumunod si Attorney Dela Costa sa pulis. Lumapit naman ang isang pulis at ipinasok siya sa silda. Umupo siya sa isang sulok. Hanggang ng mga sandaling iyon ay iniisip niya pa rin kung paano napunta sa kanya ang isang plastic ng drugs na iyon. Hindi naman siya natatakot sa resulta ng kanyang drug test dahil nasisigurado niyang negative iyon. Pumasok sa kanyang isipan si Manager Kho. Maari bang ito ang may kagagawan ng nangyari sa kanya. Bakit nawala na lang ito basta kanina? Hindi ba dapat ay kasama niya ito dahil nandoon ito ng mangyari ang pang-aaresto sa kanya. Something is off.
Natigilan siya ng marinig ang pagtawag sa kanya ng isang pulis. Napaangat siya ng tingin.
“Laya ka na, Navarro.” Sigaw nito.
Nasa tabi nito si Attorney Dela Costa na nakangiti sa kanya. Agad siyang tumayo at lumabas doon. Binigay sa kanya ni Attorney Dela Costa ang kanyang ilang gamit kagaya ng wallet at cellphone. Kina-usap pa muna ito ng hepe bago sila lumabas ng presento na iyon. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang maraming reporter ang nag-aabang sa kanila. Agad siyang hinila ni Attorney Dela Costa sa sasakyan nito. May kasama itong isang lalaki na siyang umalalay din sa kanya. Ito na din ang umupo sa driver seat. Sa front seat naman umupo si Leo John habang siya ay sa passenger seat.
Hindi niya marinig ang mga tanong ng mga reporter dahil nagulat siya ng makita ang mga ito. Kung ganoon ay sobrang kalat na pala ang nangyari sa kanya. Napakuyom siya. Iniisip niya kung anong mangyayari ngayon sa career niya at kung paano niya malilinis ang pangalan. Agad nilang nilisan ang lugar na iyon.
“Paano mo nagawan ng paraan na makalabas agad ako?” tanong niya kay Attorney Leo John Dela Costa.
Nakita niyang tumingin ito sa kanya sa salamin na nasa unahan.
“Alam mo kung gaano ka makapangyarihan ang mga Saavadra. Hahayaan ba nilang makulong ang isa sa tagapagmana.” May bahid ng sarkastiko na sabi ni LJ o Leo John.
Napatingin siya dito. Kung ganoon ay may alam ito sa kanyang totoong katao.
“Saavadra trust our firm. So don’t worry, your real identity is safe.”
Hindi na siya umimik pa. Of course, hindi ito kukunin ni Tita Ivy kung hindi nito pinagkakatiwalaan ang tao. Tumingin siya sa labas ng kotse. Hanggang ng mga sandaling iyon ay hindi niya pa rin alam kung paano nangyari ang lahat. Isa lang ang nasisigurado niya, may tao sa likod ng lahat ng ito. At kung sinuman ang taong iyon, nais nitong pabagsakin siya.
Hinatid siya ni LJ at ang lalaking nangangalang Jacob sa kanyang condo. Buti na lang at walang media doon. Nalaman niya kay LJ na isang agent si Jacob at maari siya nitong matulungan. Nagpasalamat siya dito. Alam niyang kinuha ni Tita Ivy ang serbisyo ni Jacob kaya hahayaan na lang niya. Nais din naman niyang malaman kung sino ang tao sa likod ng lahat.
Pagpasok niya sa condo niya ay nagtaka siya ng mapansin na bukas ang ilaw. Ma-ingat siyang humakbang. Lumapit siya sa isang drawer kung saan naruruon ang baril niya. Doon niya iyon iniwan bago siya umalis kaninang umaga. Agad niyang kinasa ang baril niya ng mahawakan iyon. Nakarinig siya ng kaluskus sa loob ng kwarto niya kaya maingat siyang pumunta doon. Madilim ang kwarto niya ngunit may nakita siyang tao na may hinahalungkat isa sa mga drawer ng study table niya. Tinutok niya ang baril dito.
“Sino ka?” tanong niya.
Nakita niyang nanigas ang lalaki. Humigpit ang pagkakahawak niya sa baril na hawak. Kung sinuman ang lalaking ito ay mukhang hindi nito inaasahan ang pagdating niya.
“Sabihin mo sa akin kung sino ka bago ko pasabugin ang bungo mo. Trespassing ka.” Pasigaw niyang sabi.
Unti-unti naman humarap sa kanya ang taong pangahas.
“Timmy, nakalabas ka na pala.” Ngumiti sa kanya si Manager Kho.
Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa baril na hawak. Hindi naman nakitaan ng takot ang kanyang manager. Akala ba nito ay wala siyang balak na barilin ito. Sa ginawa nitong pang-iiwan sa kanya ay kumukulo ang dugo niya. f**k this man. Ngayon pa lang ay alam niyang may binabalak ito ngunit hindi siya makakapayag na mau-unahan siya ng mga ito.
Ibinaba niya ang baril na hawak. “Someone help me to get out. Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat ay ikaw ang tumulong sa akin na makalabas ng prisento.”
Nakita niyang namutla ito. Gotcha! Sabi na nga ba. Lumapit siya sa kama ng hindi inaalis ang tingin sa manager niya.
“K-kaya nga ako nandito. May h-hinahanap ako para matulungan kang makalabas sa prisento. Dumating ba doon ang Attorney mo. Sinabihan ko agad siyang puntahan ka.”
Nais tumaas ang kilay niya. Hindi makakailang nagpapalusot lang ito. Napansin niya ang panginginig nito. Ang galing talaga ng mga tao sa paligid niya. He can’t trust everyone.
“Hindi dumating si Attorney Salazar. Buti dumating si Attorney Leo John Dela Costa. Siya ang gumawa ng paraan para makalaya ako.” Tumayo niya at umapit kay Manager Kho. “Bakit nawala ka pala kanina sa airport? Magkasama tayo kanina.”
Umatras si Manager Lino Kho. Para ng suka sa putla ang mukha nito. Masyado na itong halata na may tinatago.
“A-ano… T-tumawag si big boss. Pagbalik ko sa loob ay wala ka na. Nalaman ko na lang nasa presinto ka na. Pumunta ako dito para kumuha ng mga papeles na magpapatunay na hindi ka gumagamit ng druga.”
Tumungo siya. Humakbang siya palayo dito. “Pwede ka ng umalis.”
“Paano ang kaso mo? Naayos na ba? Kailangan natin ito ibalita sa press. Sigura-“
“Attorney Dela Costa settles everything. Hindi ko na kailangan problemahin pa iyon. My drug test comes negative. Kaya nga pina-uwi na ako.”
“Buti naman.” Para itong nakahinga ng maluwag.
Tumaas ang kilay niya. Natutuwa ito na nakalabas na siya ng kulungan. Nais niyang matawa. “Iwan mo muna ako Manager Kho. Gusto ko ng magpahinga.”
“Ah! Okay.” Narinig niya ang mga hakbang nito. “Sige. Pahinga ka na. Bukas na lang natin pag-usapan ang tungkol sa kaso mo at kung anong sasabihin natin sa mga fans mo.”
Tumungo siya.
“Have a good night, Timmy.”
Narinig niya ang pagsara ng pinto ng kanyang kwarto at paglabas nito ng kanyang condo. Galit niyang sinuntok ang mesa na nasa tabi niya. Kung sinuman ang sa likod ng mga ito, sigurado siyang parte noon ang manager niya. Ang malaking katanungan niya ay kung bakit ginagawa nito iyon. Talent siya nito kaya dapat ay inaalagaan nito ang imahe niya. Something is wrong.
STAY quiet until the issue is gone. Iyon ang advice sa kanya ng talent agency. Nais niyang magmura dahil sa sinabi ng mga ito. Wala siyang nagawa. Ang mas ikinagagalit niya ay walang inilalabas na statement ang agency patungkol sa issue niya. Sinubukan niyang magbigay ng statement sa social media ngunit binura at pinalitan ang password ng account niya. Pinagsabihan din siya ng big boss na wag gagawa ng bagay na hindi sinabi dito. Ang mas ikinasasama ng loob niya ay ang mga sinasabi ng tao patungkol sa kanya.
Everyday, things get worse. Kung anu-ano na ang dinidikit ng mga ito sa pangalan niya. Hindi lang basta pangbabash ang sinasabi ng mga ito. Iilan sa mga sinasabi ng mga ito ay masasakit na din. He wants to defend his self but there’s nothing he can’t do.
“I’m sorry, Timmy. I can’t invite you at my program. Baka makasama sa rating namin kapag pinayagan kita. At saka, siguradong hindi papayag ang producer ng show.” Malungkot na wika ni King, isa itong host sa T.V network kung saan regular siyang lumalabas.
Nagdikit ang mga labi niya. Akala niya ay matutulungan siya nito ngunit hindi din pala. Nagpasalamat na lang siya dito at binabaan ng telephone. Tumayo siya mula sa pagkaka-upo sa sofa at pumunta ng kusina. Kumuha siya ng beer in can at ininum iyon. His career is started to crumble. Kung hindi siya gagawa ng paraan ngayon ay baka tuluyan na siyang mawalan ng career. Naiyukom niya ang kamao at nayupi ang latang hawak niya.
“Ahhhh!!!” sigaw niya at tinapon ang hawak.
Anong gagawin niya ngayon? Napatunayan nga na hindi sa kanya ang drugs na nakita sa bag niya dahil wala naman finger print niya ang nasabing plastic. Iyon ang ginawa ni LJ para tuluyan siyang makalaya. Wala ding finger print ng kahit sino, malinis ang pagkakagawa ng krimin. They really play him hard. Hawak nila ang media kaya wala siyang magawa para linisin ang pagkatao niya. Gumawa na din siya ng dummy account para lang masabi ang totoo pero parating may bumubura noon at nirereport ang account. All of this happens, just for two weeks.
Nagparating na din ng mensahe si Ashley at Alex kung kailangan niya ng tulong ngunit tumanggi siya. Kapag tumulong ang mga ito, malalaman ng lahat ang totoo niyang pagkatao at madadamay sa issue niya si Tita Ivy at Lincoln. At iyon ang huling bagay na nais niyang mangyari. Hindi niya hahayaan na masaktan at madamay ang dalawang importanteng tao sa buhay niya.
This should stop. Ngunit paano? Paano niya kakalabanin ang mga ito kung wala siyang hawak sa media? Paano niya lilinisin ang pangalan niya gayong takot siyang may madamay sa mga pinapahalagahan niya?
NAKATINGIN si Angela sa mga display na mga album sa isang music store. May hinahanap siyang album ngunit kanina pa siya naruruon at hindi pa rin niya nahahanap ang nais. Lumapit siya sa isang sales lady.
“Yes, Ma’am?” Nakangiti nitong tanong.
“May album po ba kayo ni Timothy Navarro?”
Nakita niyang natigilan ang babae at sumimangot. “Naku, ma’am. Napull-out po lahat ng album niya dito sa store noong nakaraang araw pa.”
“Ha! Bakit naman?” Nakadama siya ng kalungkutan. Gusto pa naman niyang makabili noon. Ngayon lang siya nagkaroon ng oras dahil naging busy siya sa school.
“Ma’am, hindi niyo po ba alam ang issue tungkol sa kanya.”
Nagsalubong ang kilay niya. Dalawang linggo na siyang hindi nagbubukas ng social media. Kailangan niya kasing asikasuhin ang pagtatapos ng mga istudyante niya.
“Nakuhaan po ng drugs sa airport si Timmy. Ang sabi nga po kaya siya nakalaya ay dahil sa pamilya ng ama nito na ayaw sabihin. Balita po pinarehab na siya kaya hindi nagpapakita sa mga tao. Kahit ang agency niya ay binitiwan na siya. Wala na din pong bumibili ng album niya kaya nga po na pull out bigla.”
Bumigat ang puso niya sa narinig. Nagulat siya sa narinig. May nangyayari na pala sa binata ng hindi niya nalalaman. Kung ganoon ay may pinagdadaanan ito. Why he takes drugs? Anong rason nito? May kumurot sa puso niya at nais pumatak ng luha niya. Instead of feeling disappointed because of what she heard, she feels sad. Bigla na lang kasi binasura ang lahat ng pinaghirapan nito.
Ngumiti siya sa sales lady at lumabas ng store. Mas lalong bumigat ang puso niya. Nakakaramdam siya ng sunod-sunod na kirot doon. Napahawak siya at binagalan ang paglalakad. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili. Hindi siya pwedeng malungkot ng sobra dahil nakaka-apekto sa puso niya. May nakita siyang upuan sa gitna. Naupo siya doon at agad na hinanap ang phone niya. Kinuha niya ang headset niya at sinuot iyon.
Isang kanta ang narinig niya. Boses na parang anghel ang kanyang narinig. Pumikit siya at dinama ang boses ng kumakanta. Ilang sandali pa ay nakadama na siya ng kaginhawaan sa kanyang dibdib. Nawala ang kirot at bigat doon. Napalitan ng kasiyahan. Nararamdaman niya ang gustong ipahiwatig ng singer sa kantang inaawit nito.
Isang ngiti ang sumilay sa labi niya. Tanging ito lang ang nagpapakalma sa kanyang puso. Boses lang nito at napupuno ang puso niya ng kasiyahan. Para siyang nililipad sa langit; napapalibutan ng paru-paru at magagandang bulaklak. Timothy’s voice saves her. Ito ang dahilan kung bakit gusto niya pang mabuhay sa mundo. Si Timothy ang naging daan para malaman niya kung ano pa ang nais niyang gawin sa buhay. At nang makita niya ang ngiti nito, mas napatunayan niya na masarap mabuhay sa mundo. Kaya nga nakapagdesisyon siyang ituloy ang buhay na puno ng positibo.
‘I wait for you, Timmy. Hihintayin ko ang pagbabalik mo. Ipapanalangin ko na sana ay magiging maayos na ang lahat sa buhay mo.’
Hindi niya huhusgahan ang binata dahil hindi niya alam ang pinagdadaanan nito. Maaring may mabigat itong rason kaya ginagawa nito nagawa ang bagay na iyon. Tumayo siya at maglilisanan na sana ang lugar na iyon ng may nahagip ang kanyang mga mata. Naglakad siya papunta doon. Agad na sumilay ang ngiti sa labi niya at balak sanang lumapit dito ng may na-una na sa kanya. Natigilan siya ng makilala kung sino ang lumapit dito. Anong ginagawa ni Benjamin dito? Bakit hinalikan nito ang kaibigan niyang si Arlene?
Si Arlene ang asawa ng Vice President ng T.V station na alam niyang pagmamay-ari ng mga Tolentino. Doon din madalas na lumalabas si Timmy. Nanigas siya sa kinatatayuan ng makita kung paano halikan ni Benjamin si Arlene.
May relasyon ba ang dalawa? Niluluko ba ng kaibigan niya ang asawa nito? Napahawak siya sa kanyang puso. Nakadama ulit siya ng paninikip doon.