“WHAT IS THIS, TIMMY?” Galit na sigaw ng kanyang manager.
Napatingin siya sa papel na tinapon nito sa table niya. Binasa niya iyon at napahigpit ang hawak niya sa newspaper. Nag-isang guhit ang mga labi niya sa nabasa.
“Ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Rowena? Ang sabi mo sa akin ay nakipaghiwalay ka dahil sa hindi mo na siya mahal. Kaya ano itong sinasabi niya na nakipaghiwalay ka dahil nahuli ka niyang nakikipagtalik sa isang bayarang babae.”
Tumingin siya sa manager niya pagkatapos ilapag ang newspaper. “Kilala mo ako Manager Kho, hindi ko magagawa ang pinagsasabi ni Rowena. I won’t sleep around. I’m very loyal to her.”
“Alam ko pero ano itong sinasabi niya. Ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Rowena? Kahapon naka-usap ko si Benjamin. Hindi ka daw niya makontact. He is worried at you. Ano ba talaga---“
Napasuntok niya ang mesa ng marinig ang pangalan ng kaibigan. Worried at him? Nag-aalala ito? What the nerves of that guy? Pagkatapos nitong ikama ang dating nobya niya ay ang lakas ng loob nitong mag-alala sa kanya.
“Wag mo ng mababangkit sa akin ang pangalan ng lalaking iyon.” Madiin na sabi niya bago tumayo at iniwan si manager Kho sa sala ng apartment niya.
Ilang araw na siyang nasa bahay lang. Ayaw niyang makipag-usap kahit kanino. Hindi pa rin niya matanggap na niluko siya ng dalawang taong importante sa buhay niya. Rowena at Benjamin really play him well. Malakas niyang isinara ang pinto ng kanyang kwarto at hinagilap ang kanyang cell phone. Agad niyang hinanap ang number ng kanyang dating nobya.
Nang hindi makita ay saka lang niya naalala na binura niya nga pala ang number nito noong nakaraan. Lumabas siya ng kanyang kwarto at nakita ang kanyang manager na naka-upo sa sofa. Mukhang wala itong balak na umalis. Lumapit siya dito at tumayo sa harap nito na walang emosyon sa mukha.
“I caught Rowena having s*x with Benjamin. I broke up with her after that. Ngayon nasagot ko na ang tanong mo, pwede mo na ba akong iwan mag-isa?”
Nakita niyang nanlaki ang mga mata ng kanyang manager. Gusto niyang matawa sa reaksyon nito. Hindi ba nito inaasahan na lulukuhin siya ng magaling niyang dating kasintahan. Well, he is not the only one. She really perfectly disguises herself as innocent woman. Hindi makikitaan na sobrang hilig nito makipagtalik. What a disgusting b***h she is?
“Ang kapal niyang sabihin sa reporter na ikaw ang nagluko gayong siya pala ang maitim ang pagkatao.” Mukhang nakabawi na ang manager niya sa gulat. Kinuha nito ang cellphone sa bulsa at may tinawagan.
Hinayaan na lang niya ang manager niya. Pumunta siya ng kusina at nagbukas ng beer in can. Wala siya sa mood para makipag-usap kahit kanino. Ano ba talaga kasi ang gusto sa kanya ni Rowena? Hindi na nga siya nagsalita patungkol sa paghihiwalay nila. Wala siyang sinabihan tungkol sa totoong dahilan ng kanilang break-up. Hindi siya ang tipo ng tao na mahilig sa drama. He wants a peaceful life. Isang dahilan din kung bakit ayaw niyang malaman ng lahat na isa siyang Saavadra.
“Stop drinking beer.” Inagaw ng manager niya ang hawak na beer in can.
Galit niya itong tinitigan. Hindi naman natinag ang manager niya. Tinapon nito ang beer in can sa basurahan na naroroon. Nag-iwas na lang siya ng tingin at sumandal sa kitchen counter. Hinarap siya ng kanyang manager. Seryuso ang mukha nito.
“Tumawag na ako sa producer ng isang t.v talk show. Sinabi ko na magsasalita ka tungkol sa issue na binato sa iyo ni Rowena. Kailangan natin linisin ang pangalan mo at magagawa lang natin ito kapag ipinaliwanag mo ang side mo. Tell him the truth. Kailangan mabalik natin ang binibintang sa iyo ni Rowena.”
Pa-iling siya bago huminga ng malalim. “Manager Kho, alam mo ba ang mangyayari kapag nagsalita ako? I will be a laughing stuff to two of them. Rowena knows I won’t speak dahil kung magsasalita ako siguradong ako ang lalabas na sinungaling. Benji can easily deny everything. Pwede nila ipalabas na wala silang relasyon, na magkaibigan lang sila. We have the same cycle of friends.”
“Kung ganoon ay hahayaan mo na lang itong issue mo? Hahayaan mo na lang na isipin nila na s*x addict ka at bumibili ng babaeng magpapaligaya sa iyo. You are not like that, Timmy. Galit na sa iyo ang ibang tao dahil sa sinabing kasinungalingan ni Rowena. Marami ng mga fans mo ang nagagalit. Marami na naman ang mga basher mo. Alam mo ba kung anong sinasabi nila patungkol sa iyo? Isa ka---“
“I don’t care.” Putol niya sa iba nitong sasabihin. Tumayo siya. “Wala akong paki-alam sa sasabihin nila. Fans that trust me will stay but those fans who easily waive by this issue is not really fans. Kung talagang kilala ako ng mga fans ko kagaya ng sinasabi nila, they won’t believe the story of Rowena. I don’t need those fans that will be there in my sunshine time.”
Nakita niyang nag-isang linya ang mga labi ng kanyang manager. “This is bullshit. This is not the time for you to trust your fans. Hindi lang fans mo ang pinag-uusapan natin dito kung hindi na rin ang ibang tao. Hindi mo pwedeng ibaliwala ang sinasabi nila dahil masisira ang career mo kapag hinayaan natin na pagsalitaan ka nila ng masama. If you stay quite they will think that Rowena is telling the truth. Kaya pupunta ka mamaya sa interview mo at sasabihin---“
Natigil sa pagsasalita ang manager niya ng tumunog ang phone nito. Napatingin din siya s phone nito. Nakita niya ang pangalan ng CEO ng kumpanyang may hawak sa kanya. Sinagot iyon ng manager niya. Napabuntong hininga siya. Muli siyang kumuha ng beer in can sa refrigerator at pumunta sa sala. Pabagsak siyang umupo sa sofa at uminum ng beer.
Hindi niya alam kung ano ba ang gagawin niya ngayon para maayos ang career niya. Tama si Manager Kho. Dapat nga talaga siyang magsalita at sabihin sa lahat ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Rowena. Bakit ba niya iniisip ang sasabihin ng mga tao patungkol sa dati niyang nobya gayong niluko naman siya nito? Dapat niyang isipin ngayon ay ang career niya na sinisira nito. Muli siyang uminum ng beer. Natigil lang siya ng makitang umilaw ang phone niya na hawak niya pala.
Tiningnan niya ang phone niya. Nakita niya na may mensahi siya mula sa kapatid. Binuksan niya iyon at binasa.
‘Mom told me what happen. Are you okay? I’m going back to the Philippines first thing tomorrow. I used my private plane.’
Napangiti siya ng mabasa ang mensahe ng kapatid. Lincoln is really always there for him.
‘I’m fine, Lincoln. Wag ka ng mag-alala sa akin. I can take care of my own mess. Ituon mo ang sarili mo sa pagpapagaling diyan sa U.S. I see you soon, Lincoln.’
Tumingala siya at pumikit. Kailangan na niyang gumawa ng paraan para maayos niya ang problemang ito. Hindi niya hahayaan na sirain ni Rowena lahat ng pinaghirapan niya. Napamulat siya ng mga mata ng maramdaman ang taong tumayo sa harapan niya. Madilim ang mukha ng manager niya habang nakatingin sa kanya.
“Anong sabi ng big boss?” tanong niya at umayos ng upo.
“We won’t speak.”
“What do you mean?”
“We stay quite. Hahayaan muna natin ang issue habang mainit pa. Hindi ka pwede magsalita sa media, saka na daw kapag hindi na ganoon kainit ang mga tao. Sinabi ko na ang side mo at sabi nila ay mas nakakabuti kung hindi ka muna magpapakita. Stay low for a while. They are giving you a vacation.”
Pinagdikit niya ang mga labi. Kumukulo ang dugo niya dahil sa narinig. Walang magawa ang kompanyang may hawak sa kanya kung hindi manahimiik. Ganoon na lang lagi kapag may issue ang hawak na artist ng mga ito. Stay low profile until everything will be okay. How bullshit everything is? Na-iyukom niya ang mga kamay. Kapag nais namin magsalita ay pipigilan sila nito. Sasabihin na mas nakakabuti na manahimik na lang sila.
“Sinabi nila na maglalabas sila ng statement mamaya. Sasabihin nila na wala pang alam ang ahensya sa issue at aalamin palang ang tungkol sa aligasyon sa iyo ni Rowena. Sila na muna ang bahala kaya kung maaari daw ay wag ka muna gumamit ng kahit anong social media.”
Tumayo siya. “Wala naman akong magagawa kapag sinabi nila.”
Napabuntong hininga si Manager Kho.
“You can leave now. Balikan mo na lang ako dito kapag may sasabihin na naman si Big boss.” Iniwan niya si manager Kho sa sala at pumasok siya ng kwarto niya.
Nahiga siya sa kama at pumikit. This is all Rowena fault. That b***h will pay hard for what she did. Hidi siya mapagpapatalo dito kung inaakala nito. Akala ba nito ay magpapatalo siya pagkatapos ng ginawa nito. Hindi pa siya kilala ng dating nobya.
ISANG NGITI ANG nakasilay sa mukha ni Timothy habang naglalakad sa T.V station kung saan guest siya. Tatlong buwan na din ang nakalipas mula ng maayos ang gusot mula sa issue niya kay Rowena. May lumabas kasi na larawan patungkol sa totoong dahilan ng paghihiwalay nila. May kumalat na larawan na naghahalikan sa isang party si Rowena at Benjamin tatlong araw bago lumabas ang issue. Meron din kumalay na video kung saan nakitang magkasama ang dalawa sa Boracay at sobrang intimate sa isa’t-isa.
Buong akala niya ay anonymos lang ang nagpadala. Noong nakaraang buwan lang niya nalaman na ang pinsan na si Alexander pala ang nagpalabas ng video. Lincoln asks his help. He was happy to know that he have a cousin and brother to count on.
“Timmy, you are here?” napatigil sa paglalakad si Tim at napalingon sa nagsalita.
Nakita niyang papalapit ang isa sa mga co-singer niya na si Louis Tolentino. Kagaya niya ay sikat din ito. Ang pinagkaiba lang nilang dalawa ay galing ito sa kilalang pamilya.
“Ya! May guesting ako. Ikaw?”
Nakipagbrother handshake siya dito. Isa si Louis sa mababait na artistang nakilala niya. At gaya niya ay may pagkaloner din ito. Hindi sila madalas nagkaka-usap at hindi din sila ganoon ka close. Alam ng lahat na mailap si Louis kahit kanino. Mabibilang lang sa daliri ang kinakausap nito. Tinuturing nila ang isa’t-isa na magkakilala at kapag nagkikita sa loob ng t.v network ay nag-uusap na parang kaibigan.
“I have guessing also. Alam ko magkasama tayo sa guesting ngayon.”
Naglakad kami ng studio na magkasabay. Nakita niyang may hawak itong isang thumber. Pupusta siya na fruit shake iyon. He once offers to him but he decline after he taste how bald it is.
“That’s good to here.” Sabi niya.
After his issue, ito ang unang pagkakataon na magkakaroon siya ng guesting. Madalas kasi ay sa mga program lang siya pumupunta para magperform. Pinapanalangin niya na wag ng maungkat ang issue niya.
Narating nila ang studio kung saan ang talk show. Naruruon ang host ng program at may nakita din silang isa pang singer. Kung hindi siya nagkakamali ay si Drake ang lalaki. Isa ding sikat na singer-composer. Noong nakaraang linggo ay ginulantang nito ang buong showbiz sa pagpapakasal nito sa sikat na Filipino International Photographer na si Sandy Perez.
Nagsimula ang program ng nakangiti silang lahat. May ilang personal na tinanong ang host kay Louis pero kagaya ng inaasahan ng lahat. Naging pribado ang sagot nito. Nang siya na ang tanungin ng host tungkol sa private life niya ay binigyan niya ito ng isang ngiti.
“We all know na noong nakaraang tatlong buwan ay nagkaroon ka ng issue, Timmy. How do you cope up?”
Bigla siyang natigilan sa tanong nito ngunit agad din nakabawi. “Well, hindi madali ang pinagdaanan ko pero nagpapasalamat ako na natapos na din ang issue at nalinis ang pangalan ko. Sa ngayon mas itinutuon ko na lang ang sarili ko sa paggawa ng mga kanta.”
Nakita niyang tumaas ng bahagya ang kilay ng host. He has a bad feeling about this. Ngumiti siya para alisin ang discomfort na nararamdaman.
“You know showbiz, Ms. Franzy. Minsan talaga may fake news. Basta ka na lang gagawan ng issue para lumubog ka.” Biglang nagsalita si Drake. Hindi maitago ang iritasyon sa boses nito.
Tumawa naman si Franzy na siyang host ng programa na iyon. Tumingin si Drake sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanya ang galit sa mukha nito.
“Tama ka, Drake.” Tumungo si Franzy bago muling binasa ang papel na hawak nito. “I have another question, Timmy.”
“Fly away.” Sagot niya.
“According to someone, anak ka daw ng mommy mo sa pagkadalaga?”
“Yes! It’s true. Everyone knows it.”
“Kung ganoon ay kilala mo kung sino ang ama mo?”
Natigilan siya sa tanong niya. Hindi agad siya nakasagot. Iyon ang unang pagkakataon na direkta siyang tinanong tungkol sa kanyang ama. Ang alam ng mga tao ay ang Tito Saturn na talaga ang itinuring niyang totoong ama kaya hindi na pinag-uusapan ang kayang ama. At madalas kasi ay hindi iyon tinatanong. Alam naman kasi ng mga ito na ayaw niyang pag-usapan ang totong ama.
Kumuyom siya at nais na ipagdikit ang mga labi ngunit pinigilan niya. Live sila ng mga sandaling iyon at siguradong makikita ang galit niya. Ngumiti siya. He gives his fake smile to everyone.
“Well, everyone knows that my father left me.” sagot niya.
“Yes! Pero hindi mo ba siya nakilala bago manlang namatay ang mommy mo. Hindi man lang ba nito binanggit ang pangalan nito? I’m sure you---“
“My mom is very honest to me. She told me who’s my father is. My father already has a happy family.” Putol niya sa iba pa nitong itatanong. Sumeryuso siya.
May namumuong galit sa puso niya. Ano bang nais ng babaeng ito? Nais ba nitong sabihin niya ang pangalan ng kanyang ama? Pwes, hindi niya ito mapagbibigyan.
“You want to know the truth? Anak ako sa labas ng daddy ko pero kahit ganoon ay buong puso akong tinanggap ng pamilya niya. My step mother is one of the best women I know even my step brother and if you want to know his name. I’m sorry, Franzy but my second family is very private person. Ayoko silang magulo ng dahil lang sa akin.” Ngumiti siya.
Nakita niyang natigilan si Franzy sa kanyang sagot. Ilang sandali itong nawala bago ito kumarap-kurap. Tumawa ito ng na-iilang. He caught her off guard. Akala ba nito ay hindi niya ibibigay dito ang information na iyon. Kung may natutunan man siya sa nakaraang issue niya ay iyon ang pagkatiwalaan ang mga fans niya na hindi siya iiwan sa ere.
“That’s a shocking revelation from you, Timmy.” Sabi ni Franzy. “Okay lang naman kung hindi mo sasabihin sa amin ang pangalan niya. Isang tanong na lang, galing ba sa mayamang pamilya ang ama mo?”
Maikuyom niya ang kamay sa sunod nitong taong. She’s getting in his nerve. Hindi talaga titigil ang babaeng ito. May nais talaga itong ipaalam sa mga tao. Ngayon, sigurado na siya na may alam ito sa pagkatao niya. Kung kanino man nito nalaman ay kailangan niyang alamin.
“Ms. Franzy, if you don’t mind. Timmy said the family of his father is very private person so I guess you understand it very carefully.” Sumingit na si Drake.
“Every artist has the rights to keep their privacy. I hope fans will understand.” Tumingin sa kanya si Louis. “Hindi naman lahat ng tungkol sa amin ay kailangan malaman ng mga fans.”
Napangiti siya sa sinabi ni Louis. He was thankful for them. Alam nito kung paano patahimikin ang host. Nakita niyang suminyas ang producer ng programa kay Franzy. Mukhang napansin naman iyon ni Franzy dahil agad nitong iniba ang usapan.
Natapos ang interview na iyon ng hindi na muling nagtanong si Franzy tungkol sa personal niyang buhay. Agad niyang sinundan ang babae ng pumasok ito sa waiting room. Wala siyang paki-alam kung magalit ito.
“Pwede ba tayong mag-usap?” tanong niya sa babae.
Napatingin sa kanya si Franzy. Mukhang inasahan nito ang pagsunod niya dahil hindi nabakasan ng pagkagulat ang mukha nito. Sininyasan nito ang mga tao doon na lumabas. Agad naman sumunod ang mga ito. Naiwan sila ni Franzy.
“Anong alam mo sa totoo kong ama?” Tanong niya agad dito.
Isang ngiti ang sumilay sa labi nito. Lumapit sa kanya si Franzy at inilagay ang dalawang braso sa balikat niya. “Timmy, iyan talaga ang ipinunta mo dito sa room ko.”
Aalisin sana niya ang braso nito nang inilapit nito ang katawan sa kanya at bumulong. “Kilala mo si Ashley Cortez, hindi ba?”
Nanlaki ang mga mata niya ng banggitin nito ang pangalan ng nag-iisang babaeng pinsan niya. Agad niyang ikinalma ang sarili. Kay Ashley ba nito nalaman ang totoo? Hindi iyon maari. Hindi siya ilalaglag ng pinsan niya kahit pa nga hindi naman talaga siya nito pinsan. Alexander and Ashley both treated him like a real cousin. Kaya nasisigurado niyang hindi siya nito ipagkakamulo.
Tinulak niya si Franzy palayo sa katawan niya. Galit niya itong tiningnan.
“Natural kilala ko si Ashley Cortez. I’m one of her model. Anong kinalaman niya sa pagkatao ko? Kung ---“
“I’m a friend of her and Alexander is one of her cousin, the one who post the photo of Rowena in Boracay and the one who send the video of Rowena and Benjamin in the t.v network. I wonder, why they helping you? I have this assumption that they are your cousin. Ashley once told me that they have a bastard cousin.”
Kumuyom ang kamay niya sa narinig dito. Kung ganoon ay wala talaga itong alam. Naghihinala pa lang ito.
“I don’t have a bastard cousin.”
Sabay silang napatingin sa pinto. Nakita niyang mataray na nakatayo sa pinto ang pinsan niyang si Ashley. Nakataas ang kilay nitong nakatingin kay Franzy. Hindi maipinta ang mukha ng pinsan.
“Ashley…” masayang tawag dito ni Franzy at patakbong lumapit kanyang pinsan. Yayakapin sana nito si Ashley pero agad itong sinampal.
Narinig niyang napasinghap ang mga taong naruruon sa labas. Bukas ang pinto ng waiting room ni Franzy kaya kitang-kita kung paano ito sampalin ni Ashley. Nanatili naman nakatayo si Franzy at hawak ang nasaktang pisngi. Masama man pero nakaramdam siya ng katuwaan sa ginawa ng pinsan. He is done being a good person.
“Anong karapatan mong sabihin na may bastardo ang mga Cortez? Wala kaming pinsan na ganoon.” Tumingin sa kanya si Ashley ngunit agad din umiwas ng tingin. “Stop spreading rumors about my family. I know you, b***h. Baka nakakalimutan mo kung sino ako.” Tumalikod si Ashley.
Bago tuluyan umalis ang pinsan niya ay tumingin ito ng makahulugan sa kanya. Nakita agad na nilapitan ng Manager nito si Franzy. Siya naman ay nilisan ang lugar na iyon. Agad siyang pumunta sa parking lot ng T.V station at hinanap ang particular na kotse. Nakita niya iyon sa dulong bahagi ng parking lot ang pulang Ford Ranger Raptor. Pumasok siya sa front seat.
“I will cut her program soon. Hindi ko palalampasin ang ginawa niya sa iyo kanina.” Bungad agad ni Ashley sa kanya.
“Let her be, Ash.” Sabi niya. Tumingin siya sa pinsan.
Nagtagpo ang tingin nila. Nakita niyang umikot ang mga mata nito. Napa-iling pa ito. “Bakit ba kasi kasing bait mo si Tito Carl at Tita Ivy? Bakit hindi mo nakuha ang ugali ni Lincoln?”
Natawa siya sa sinabi ng pinsan. Inis siyang tiningnan ni Ashley. “Bumama ka ng kotse ko. Ayaw kitang maka-usap.”
Lalo siyang natawa sa pagtataray ng pinsan niya sa kanya. “I’m fine. Ash. Hindi na nila ako mapapabagsak pa. Don’t do anything na ikakapahamak niyo ni Alex. I can take care of myself.”
Tumingin sa kanya si Ashley at itinaas nito ang isang kamay. She shows him her middle finger na ikinatawa niya. This is the Ashley he knows. Matapang talaga ang magpinsang Cortez. Saavadra naman kasi siya kaya hindi niya kaugali ang mga ito. Hindi niya kayang ipakita sa mga tao na galit siya kapag sagad na hanggang boto ang galit at tuluyan ng maputol ang pagtitimpi niya.
“I tell Alex about it. Kung hindi lang talaga kita paboritong pinsan.”
Napangiti siya sa sinabi nito. Alam niyang makikinig sa kanya ang pinsan. Ito kasi ang pinakamalapit sa kanya.
NAGLALAKAD si Timothy sa loob ng airport. May flight siya ng araw na iyon. Pupunta siya ng Cebu ngayong araw. May show sila doon at kasama niya ang ilang artist ng show kung saan regular siyang kumakanta. Agad siyang pumasok ng airport. Nasa scanner area siya kasama si Manager Kho at ang kanyang make-up artist na sinundo nila kanina sa bahay nito. Ginawa niya ang regular routine kapag pumapasok siya ng airport. Security check him. Hinintay niya na lumabas sa scanner ang bag niya. Nakita niyang may binulong ang security sa isa pang security guard. Nagtaka naman siya dahil hinawakan ng security na iyon ang bag niya. Agad siyang lumapit.
“What are you doing to my bag?” galit niyang tanong.
Tiningnan lang siya ng guard at agad na binuksan ang bag niya.
“What the hell are you doing? That’s my bag.” Sigaw niya.
Pipigilan na sana niya ang guard sa gagawin nito sa bag niya ng bigla siyang hawakan ng dalawang guard na naroroon. Nagpumiglas siya ngunit mahigpit ang pagkakahawak ng mga ito. Tuluyan ng pinaki-alaman ng guard ang bag niya. Nakita niyang may hinahanap ang mga ito sa bag niya.
“What do you think your doing? This is not right. I will file a case for…”
Natigil siya sa pagwawala ng makita ang puting bagay na kinuha ng mga ito sa bag niya.
“Ano yan?” tanong niya.
Hindi siya sinagot ng guard. Bugkos ay suminyas ito sa mga kasama. Nagtaka naman siya at napatingin sa mga nakahawak sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang kumuha ng posas ang isa sa mga ito. Pinusasan siya ng mga ito. Gulat na gulat pa rin siya sa nangyayari. Hindi niya pa rin alam kung ano bang nangyayari. Ano ba talaga ang nakita ng mga ito sa bag niya? Hindi niya alam kung ano ang puting bagay na iyon.
“Sir, sumama muna kayo sa opisina namin. Kailangan niyang ipaliwanag kung bakit may drugs sa bag niya.” Sabi ng guard na siyang nagbukas ng bag niya.
Nagulantang naman ang buong pagkatao niya sa sinabi nito. Drugs? May drugs ang bag niya. What the fuxk just happen? Paano nagkaroon ng drugs ang bag niya?