“HINDI pa rin ba sumasagot si Rowena?” tanong ni Benjamin sa kanya.
Napatingin siya sa kanyang kaibigan. Benjamin Salazar is his friend. Ito ang tanging kaibigan niya sa showbiz. Una silang nagkakilala sa isang singing contest kung saan ito ang nanalo at siya ang pumapangalawa. Masaya siya sa narating ng kaibigan ngunit maraming nagsabi na mas sumikat siya kaysa dito. Marahil ay dahil sa marunong siyang gumawa ng kanta at mabilis siya magkaroon ng comeback. Hindi na lang niya pinapakinggan ang mga sinasabi ng mga tao at ganoon din ang ginagawa ng kaibigan. Ang importante naman ay ang pagkakaibigan nilang dalawa.
“Hindi. Baka busy sa taping.” Sagot niya at ibinaba ang cellphone.
“Baka nga.”
“Kamusta na pala kayo ni Seina? Ang balita ay magkakaroon kayo ng bagong teleserya.”
Naramdaman niya ang pagtingin sa kanya ng kaibigan. “Hindi na matutuloy ang teleserya namin.”
Gulat siyang napatingin sa kaibigan. “Bakit? Anong nangyari?”
Isang ngiti lang ang ibinigay ni Benji at tumayo na para magpractice. Napailing na lang siya. Ganoon naman lagi si Benji kapag may masamang balita ito ay hindi sasabihin sa kanya ang dahilan. Malalaman na lang niya sa ibang tao o sa news. Natigilan siya ng tumunog ang phone niya. Agad niya iyong tiningnan at napangiti siya ng makita ang pangalan ng kanyang nakakabatang kapatid. Tumayo siya at lumabas ng practice room. Sa may exit area siya pumunta.
“Hello, Cole.” Sinagot niya ang tawag nito ng masiguradong walang taong makakarinig sa kanya.
“Hello, Kuya Tim. Busy ka ba?”
“Hindi naman. Katatapos lang ng album promotion ko kaya ngayon ay mga regular show lang meron ako. Bakit? May kailangan ka ba?” tumingin siya sa labas ng building.
“Mommy needs your help at the office.”
Natigilan siya. “Si Tita ba ngayon ang nasa Redwave? Hindi ka pa ba nakakabalik?”
“Baka matagalan ako dito dahil magsisimula na ang session ng therapy ko. Sa ngayon ay si Mommy ang namamahala ng Redwave.”
Tumungo siya. Noong nakaraang linggo pa bumalik ng U.S si Cole para sa yearly mental check-up nito. Ginagawa nito iyon para masigurado na hindi na ito atakihin ng sakit. Ang alam niya ay madalas pa rin atakehin ang kapatid lalo na pagnanagalit ito kaya kailangan pa rin nitong magpacheck-up. Ginagawa ni Lincoln ang lahat para maging okay ito pero sila naman na mga mahal sa buhay nito ay tanggap na ang kalagayan ng kapatid. Even Tita Ivy accepts everything. Si Lincoln lang yata ang hindi pa tanggap ang sakit nito. Nais nitong maging okay at bumalik sa normal para muling makabalik sa buhay ng babaeng minamahal.
“I will clear my schedule for the next month to help Tita. Si Alex, may balak ba siyang tulungan si Tita Ivy?”
“Alex is busy in Kingstate. Alam mo naman iyon. Marami din iyong responsibilidad sa pamilya nito.” May nahinimigan siyang pagod sa boses ng kapatid.
“Are you okay? Katatapos lang ban g session mo ngayon?”
“I’m fine, Kuya. May sinabi lang ang doctor ko na hindi ko alam kung kaya ko bang gawin.”
“Ano iyon?” sumandal siya sa pader.
Hindi nagsalita sa kabilang linya si Lincoln pero naririnig niya ang paghinga ng kapatid. Mukhang mabigat ang pinapagawa ng doctor nito. Lincoln is a sensitive person but persistence. Kapag may nais ay gagawin nito. Minsan natatakot siya sa mangyayari sa kapatid. May tendency pa rin kasi na manakit ito ng ibang tao ayon sa doctor nito.
“If you don’t want to talk about it, it’s fine with me Cole. Just take care of yourself in there. Wag kang papasok sa kahit anong gulo. Go home after your session and make sure you take your medicine.”
Wala pa rin siyang naririnig na kahit anong salita mula sa kapatid. Napabuntong hininga siya. “Do you want me to come to you? Alex can help Tita Ivy at the company. I can stay---“
“I’m fine, Kuya.” Putol nito sa iba pa niyang sasabihin.
Hindi siya umimik. Lincoln always said those words to him and Tita Ivy but we all know that he is not fine. Kung wala lang siya sa tabi nito kapag nagtatagpo ang landas nila ng manager niya ay baka nasuntok na ito ni Lincoln. He had a bad temper and easily provoke. Magugulat ka na lang at nagwawala na ito.
“I need to peace with Clara soon for me to be alright.” Narinig niyang sabi ni Lincoln na nagpaputol sa naglalakbay niyang isipan.
“Clara? Si Marie Clara Alonzo ba ang sinasabi mo?” tumayo siya ng tuwid.
“Yes, Kuya. Kailangan ko ng harapin at makipag-ayos sa dating kaibigan ko. Ang sabi ng doctor ko ay iyon na lang ang kulang ko. Baka nga maging okay na ako kapag nakahingi na ako ng kapatawaran kay Clara.”
Muli siyang napatingin sa labas ng gusali. Napatitig siya sa kalangitan. “Kailangan ba talagang gawin mo iyon? Okay lang ba kay Trixie?”
Hindi nakasagot si Lincoln sa kabilang linya. Napabuntong hininga siya. Ito na nga ang sinasabi niya. Hindi man sabihin ni Lincoln sa kanya, alam niyang nilalaman pa rin ng puso nito ang dating kaibigan nitong si Clara. Kahit dumating sa buhay nito si Trixie ay hindi pa rin nito napalitan ang dating kaibigan. Kaso hindi nakakabuti si Clara kay Lincoln. Nakakagawa ng masama ang kapatid niya kapag nasa malapit lang ito. Kaya nga lagi nila itong sinasabihan na wag lalapit kay Clara kapag nasa Pilipinas ito. Hindi din ito iniiwan ni Trixie para hindi nito mapuntahan ang dating kaibigan.
Clara is the number one reason of Lincoln depression. Ito ang mas nakatrigger ng sakit ng kapatid kaya kung maari ay ayaw niyang palapitin ang kapatid dito. They will protect his brother in any cause.
“Hindi ko kailangan ang pagpayag ni Trixie para puntahan ko ang kaibigan ko, Kuya.”
“Pero girlfriend mo siya at may karapatan siya na malaman na may ba---“
“I don’t love Trixie at alam mo iyan, Kuya. Alam naman ni Trixie kung saan siya lulugar sa buhay ko.” Nag-iba ang tono ng boses ni Lincoln. May nahihimigan siyang galit doon at hindi iyon maganda.
“Okay. Fine.” Pagsuko niya. Wala naman siyang magagawa pa. Lincoln has his own decision.”Anong balak mo ngayon?”
“Paghahandaan ko ang muli namin pagkikita ni Clara. Kailangan ay maging okay ako sa pagkikita namin para hindi siya matakot sa akin.”
Napatingala siya at pinagdikit ang mga labi. Wala na siyang magagawa kapag ganitong nakapagdesisyon na ang kapatid. “Are you really sure about your plan?”
“Makipag-ayos lang naman ako sa kanya, Kuya. Wala akong balak na sirain ang kaligayahan niya pero…” tumigil si Lincoln sa pagsasalita. “…kapag nalaman kong hindi siya masaya sa piling ni Kurt ay aagawin ko siya. Babawiin ko ang dapat ay sa akin.”
Binundol siya ng kakaibang kaba dahil sa sinabi ng kapatid. Bakit ngayon pa lang ay natatakot na siya sa maari nitong gawin? Napayukom siya. Sana ay hindi mapahamak ang kapatid niya sa gagawin nito. Natatakot siya na baka kagaya ng Mommy, Daddy at Tito Saturn niya ay mawala din sa kanya ang kapatid. Hindi niya alam ang gagawin kung sakaling mangyari iyon. Ngayon palang ay iniisip na niya ang Tita Ivy niya.
INAMOY NI Timmy ang bulaklak na hawak niya. Isang ngiti ang sumilay sa labi niya ng makita ang reflection sa salamin ng elevator. Ngayong araw ang monthsary nila ng kanyang nobya na si Rowena. Magdadalawang taon na silang magkasintahan at ngayon nga ay nagbabalak na silang magpakasal. Naghihintay lang siya ng tamang panahon para yayain ito. Masyado kasing busy si Rowena sa trabaho.
Isang modela at artista ang nobya niyang si Rowena Asuncion. Nakilala niya ito noong nanalo siya sa singing contest dahil isa ito sa special guest. Naging magkaibigan muna silang dalawa bago niya ito niligawan. Kagaya niya ay galing din si Rowena sa isang broken family pero walang alam si Rowena sa totoo niyang nakaraan. Ang alam lang nito ay anak siya sa pagkadalaga ng kanyang ina. Hindi nito alam na isa siyang Saavadra. Balak niyang sabihin sa nobya ang lahat ng tungkol sa kanya bago ang kasal nila. Pagka-uwi ng bansa ni Lincoln ay ipakilala niya ang nobya sa kapatid at kay Tita Ivy. Handa na siyang ipaalam dito ang lahat ng tungkol sa totoo niyang pagkatao.
Natigilan si Timothy ng bumukas ang elevator sa ground floor at may pumasok na isang babae. Nagtagpo ang tingin nila at nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito. Mukhang kilala siya ng babae. Pumasok na ito ng elevator ng hawakan ito ng kasama nito. Naputol naman ang pagtitigan nilang dalawa. Tumayo sa tabi niya ang babae ngunit may ilang metro na distansya. Ang kasama na nito ang pumindot ng floor na babaan ng mga ito.
“Sasakalin ko talaga ang lalaking iyon. Sinabi ko na sa kanya na wag kang iwan pero anong ginawa niya, iniwan ka niya sa restaurant para puntahan ang kaibigan niya na broken hearted sa kaibigan ko.” Narinig niyang sinabi ng kasama nito.
“Okay lang naman ako, Tocila. Wag ka ng magalit kay John Iiko. Sinabi naman niya sa akin na emergency ang pinuntahan nito. Paano na nga talaga kung magpakamatay si John Rey?”
Napalunok siya ng marinig ang boses ng babae. Napakaganda ng boses ng babae. Malambing iyon at masarap sa tainga. Tiningnan niya ang babae sa salamin ng elevator. Simple lang ang babae. Naka-white polo shirt na nakatuck-in sa skinny black jeans nito. Naka-rubber shoes na kulay dark blue. Maputi ang babae at hanggang balikat niya ang tangkad nito. May suot itong salamin sa mata ngunit hindi noon ma-itago ang magandang mga mata nito. Matangos ang ilong at mapupula ang labi ng babae. Walang bahid ng kahit anong make up ang mukha. Maganda din ang tuwid nitong buhok na hanggang balikat. Nakakaakit titigan ang mukha ng babae at hindi iyon nakakasawa.
Nagtagpo ang mga mata nila ng mapatingin ito sa salamin ng elevator. Instead of looking away, he looks at her eyes. Napakaganda ng mga mata nito na kulay kayumanggi. Naakit siyang titigan ang mga mata nito na may iba’t ibang emosyon na pinapakita. Ito ang unang nag-iwas ng tingin sa kanilang dalawa. Napatulala siya ng makitang namula ang mukha ng babae. What a beautiful face he saw. Isang tikhim ang nagpagising sa natulero niyang isipan. Ilang beses siyang napakurap at napatingin sa isa pang babae, iyon yata ang babaeng tinawag nitong Tocila.
“Ikaw si Tim Navarro, di ba?” tanong ng babae.
Ngumiti siya at tumungo. Napatingin siya sa babaeng hindi niya narinig ang pangalan. Nakayuko ito kaya nakadama siya ng paghihinayang ng hindi makita ang maamo nitong mukha at mapang-akit na mga mata.
Tumili ang kasama nito na ikinatingin niya rito. Nakita niyang pasimple nitong siniko ang kasama. “Hi Tim. Ako nga pala si Tocila Abenir at itong kaibigan ko naman ay si Ace Menises. She is a big fan of you.”
Napangiti siya sa sinabi nito. Nakita niyang siniko ni Ace si Tocila. “It’s nice to meet a fan here.” Sabi niya. Hindi niya mailahad ang kamay dahil sa may hawak iyon. Ang bulaklak na para kay Rowena at isang bottle of red wine.
“Ikinagagalak ka din naman makilala. May dadalawin ka ba dito?”
Tumungo siya at muling tumingin kay Aca. Hindi pa rin ito umaangat ng tingin. Magsasalita sana siya para kausapin ito ng tumunog ang elevator. Tumingin siya screen kung anong floor na ba sila ngunit nakadama siya ng kabiguan ng makita ang floor ng condo ng girlfriend niya. Muli niyang hinarap ang dalawa at ngumiti.
“It’s my floor. So, I see you around. Masaya akong makilala kayo.” Muli siyang napatingin kay Aca ngunit hindi talaga nag-angat ng tingin ang babae.
Muli niyang naramdaman iyong disappointment sa puso niya. Tumingin siya kay Tocila at ngumiti bago lumabas ng elevator.
“Sana magkita ulit tayo, Tim.” Narinig niyang sinabi ni Tocila bago tuluyan sumara ang elevator.
Pinagmasdan naman niya ang pinto ng elevator. Nasa dibdib pa rin niya ang kalungkutan. Bakit ba ayaw siyang titigan ng babaeng iyon? Hindi naman nakakadisappoint ang pagmumukha niya. Napa-iling siya at naglakad na. Bakit niya ba ginugulo ang isipan ng dahil sa babaeng iyon? For Pete’s shake, may nobya na siya at ngayon pa ang monthsary nila. Pagdating niya sa pinto ng condo ng kanyang nobya ay inilapag niya muna ang dalawang wine sa hallway ng condo. Kukunin na sana niya ang susi sa bulsa niya ng mapansin na bukas ang pinto. Nagsalubong ang kilay niya at pumasok sa loob.
Walang kahit anong bakas na may nakapasok sa loob ng condo ng kanyang nobyo. Malinis ang buong paligid. Naglakad siya papunta sa kusina at inilapag doon ang wine na dala pati ang bulaklak. Mukhang wala doon ang nobya. May pinuntahan ba ito? Ang alam niya ang wala itong schedule ng araw na iyon dahil tinanong niya ang manager nito. Kinuha niya ang cellphone niya at sinubukan tawagan ito. Tumunog naman ang phone ng nobya ngunit hindi iyon ang nakakuha ng atensyon niya kung hindi ang kantang narinig sa buong condo. Naglakad siya palabas ng kusina. Nakita niya ang cellphone ng nobya na nakapatong sa coffee table sa living room. Pinatay niya ang tawag.
Bigla siyang nagtaka. Bakit naruruon ang phone ng kanyang nobya kung wala ito sa condo nito? Si Rowena ang tipo ng tao na hindi iiwan ang importanteng bagay dito. At isa sa mga importanting bagay dito ay ang cellphone nito. Ang mas nakakapagtaka ay ang bukas ang pinto ng condo nito na isa din sa hindi gawain ng nobya. Natigilan siya ng marinig ng pagbasag ng kung ano sa loob ng kwarto ng nobya. Naglakad siya doon at binuksan ang pinto. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang dalawang tao sa itaas ng kama.
Pinako siya sa kinatatayuan habang nakatingin sa dalawang taong naging importante sa buhay niya. Dalawang taong pinagkatiwalaan niya. Walang paki-alam ang dalawa na naghahalikan. Parang may sariling mundo ang mga ito habang kinakain ang labi ng isa’t-isa. Ayaw naman gumana ng isip niya ng mga sandaling iyon. Nanginginig ang katawan niya habang nakatingin sa mga ito. Nakita niyang napatingin sa kanya ang lalaki na ngayon ay kahalikan ng kanyang minamahal na nobya. Isang ngiti ang sumilay sa labi nito bago pinagpatuloy ang pakikipaghalikan sa babaeng pag-aalayan niya sana ng pangalan.
Nakita niya kung paano nito hiniga si Rowena at angkinin. Para naman may tumarak sa puso niya ng marinig ang malakas na pag-ungol ng kanyang nobya. Ilang beses na umungol ito habang nakikipagtalik sa tinuturing niyang kaibigan. At ang taksil niyang kaibigan ay patuloy lang na inaangkin si Rowena habang nakatingin sa kanya. Nakatulala naman siya habang nakatingin sa mga ito. Dinadama niya ang unti-unting pagkamanhid ng kanyang puso. Binalot ng galit ang puso niya ng marinig ang pagtawag ng kanyang nobya sa pangalan ng kanyang matalik ng kaibigan.
“Ang sarap mo talaga, Benji. f**k me hard, babe.”
“I will, babe.” Tumingin sa kanya si Benjamin at isang mapang-insultong ngiti ang ibinigay nito sa kanya.
“You f**k so well. Ikaw lang talaga ang nakakadala sa akin sa langit. I love your c**k so much.” Narinig niyang sabi ng kanyang nobya.
Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi niya. Wow! Her b***h girlfriend love his bestfriend p***s that him. What an insult to his ego? Napakuyom siya at inalis ang emosyong nakasulat sa kanyang mukha. Kung inaakala ng mga ito ay iiyak siya sa ginagawa ay nagkakamali sila. Hindi niya iiyakan ang isang babaeng pinaglalaruan lang siya. Naglakad siya papunta sa sofa na naruruon. Umupo siya doon at tumingin sa kanyang kaibigan na nakatingin sa kanya. Hindi pa rin siya napansin ng kanyang kasintahan na sobrang nasasarapan sa ginagawa nito.
‘Nakakahiya naman kung iistorbohin kita. Sige magpakasarap at magpakaligaya ka lang. Iiyak ka din sa akin mamaya.’ Galit na galit niyang sabi sa isipan.
Nais niyang sugurin ang mga ito ng mga sandaling iyon ngunit siya lang ang magmumukhang katawa-tawa. Nakikita niya sa mukha ni Benji na nais nitong magalit at magwala siya. Pwes, hindi niya ibibigay ang nais nito. Pinatili niya ang sarili na kalmado at walang emosyon. Nang makita niyang nakaraos na ang dalawa ay malakas na pumalakpak siya.
Itinulak ni Rowena si Benjamin para umalis sa pagkakapatong dito. Mabilis na bumangon ang nobya at napatingin sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito at namutla.
“Tim, anong ginagawa mo dito?” nanginginig na tanong ni Rowena sa kanya.
Isang ngiti ang ibinigay niya dito bago tumayo. “Happy monthsary, baby.” Naglakad siya palapit dito.
Nakita niyang tumayo si Benjamin at nagsuot ng damit nito habang si Rowena ay ipinagtakip ang kumot sa hubad nitong katawan.
“Let me explain, Tim.”
“Explain what?” tumingin siya sa kaibigan. “That you are f*****g my friend behind my back. No need.” Hinawakan niya ito sa baba.
Nakita niyang naging alerto si Benjamin sa ginawa niya ngunit agad niyang inilabas sa likuran ng kanyang pantalun ang baril na lagi niyang dala. He brings it always for safety purpose.
“Tim, nasasaktan ako.” Na-iiyak na sabi ni Rowena. Hinawakan nito ang kamay niya na nakahawak sa baba nito.
Ngumisi siya. “Masarap ba si Benji, Rowena? Masarap ba ang kaibigan ko?”
Umiling si Rowena. Nagsimula nang dumaloy ang mga luha sa mukha nito ngunit wala siyang nadamang awa sa dalaga. Pagkamuhi lang ang laman ng puso niya para dito. Hindi niya akalain na ini-iputan na pala siya nito ng hindi niya nalalaman.
“What a liar.” Binitawan niya ito. “But I’m very thankful, right now.” Tumayo siya ng tuwid at tumingin kay Benji na hindi makagalaw sa kinatatayuan nito. Mukhang hindi nito inaasahan ang baril na hawak niya. “Salamat sa iyo at nakilala ko ang tunay na kayo. Now, I know who should I trust and not.”
Ibinaba niya ang baril at itinago sa likuran ng pantalun niya. Naglakad na siya papalabas ng kwartong iyon. Nasa pinto na siya ng marinig niya ang nakiki-usap na boses ng nobya.
“Tim, please! Let me explain. Wala naman talaga akong nararamdaman kay Benji. Nadala lang ako. Hindi na ito mauulit pa. Please!!! Let me explain. Wag---“
“I heard what you said earlier clearly while him f*****g you, Rowena.” Humarap siya sa dating nobya. “Gustong-gusto mo ang nangyayari sa inyo at ito lang ang nagdadala sa iyo sa langit. I should know better for the first time I claim you. Hindi ka ba nahihiya sa sinasabi mo ngayon. You love to f**k Rowena but I’m not. Alam mong hindi ko mapapantayan si Benji sa larangan na iyan. We are officially over. Wag ka ng magpapakita sa akin.”
Tuluyan na niyang iniwan ang dalawa. Hindi siya lumingon kahit naririnig niya ang malakas na pagtawag ng dating nobya sa pangalan niya. Wala na siyang paki-alam dito. Hindi niya masikmura ang ginawa nitong pagtataksil sa kanya. Buong buhay niya ay inialay niya dito. Hindi siya tumingin sa ibang babae. Siya ang tipo ng lalaki na kapag nagkanobya ay ito lang talaga. He didn’t play around. Ayaw niyang makapanakit ng damdamin ng ibang tao lalo na kung babae iyon.
Rowena and Benji took his kindness for granted. Tama nga ang sinabi ni Lincoln, pagmabait ka at masyadong nagtitiwala sa isang tao ay pagsasamantalahan ka. Pinapangako niya, ito na ang huling beses na may babaeng a-apak sa pagkatao niya. Hindi siya makakapayag na may babae muling magpapabilog sa ulo niya.