PRINCESS AIDA "WHAT the hell, Ai? Hindi ka ba marunong kumatok?" nagulat na tanong ni Fe nang bigla akong pumasok sa kwarto niya. Hindi ko ito pinansin. Pero lumapit ako rito at sa maid niya nakatutok ang aking paningin. Kasalukuyan nitong tinutulungang bihisan si Fe. Nang nakalapit ako sa kanila ay hinila ni Mona si Fe at hinarang ang sarili rito. Did this maid seriously think I am going to do something not good to my sister? "Nana, ano ba? Bakit ka nakaharang?" narinig kong tanong ni Fe mula sa likod ni Mona. Magkaharap na kami ngayon ng maid at nagsusukatan ng tingin. Ayaw rin nitong patalo. At base sa pagkakatayo nito, mukhang handa itong makipaglaban. Just as I predicted. Hindi lamang basta-bastang katulong si Mona. "Bago mo masaktan si Prinsesa Fe ay dadaan ka muna sa akin. Wala

