PRINCESS FE ANO kaya ng iniisip ni Aida bakit gusto niyang maka-sparring si Mona? Ugh! Feeling ko ay dahil 'to sa training niya para sa annual festival. So, naghahanda na talaga ito? Kailangan ko na ring magmadali at mag-isip ng strategy kung ganoon nga ang ginagawa niya. Kasi I am sure ay naghahanda na rin si Lorna. I should have known na they will really take this seriously. Hindi pwede! Hindi maaari! "Prinsesa? Tapos na po ba kayo?" naririnig ko si Mona kaso masyado akong absorb sa aking iniisip. I was doing my makeup at nakamasid lang ito sa aking likuran. Unfortunately, hindi pasado sa taste ko ang skills ni Mona pagdating sa hair ang makeup. Magaling siya sa ibang bagay but when it comes to fashion at pagpapaganda, she has a long way to go. Anyway, tungkol sa mga competitive ko

