Gulat na gulat akong makita si Mama rito sa isla. Tumingin ako kay Zavian na nakatingin lang din kay Mama. Nang makalapit ito sa amin ay naglakad si Zavian upang salubungin si Mama at batiin ito. “Ms. Savannah Lopez,” pormal na pagbati ni Zavian sa aking ina. Nanatili lamang ang aking titig sa kanilang dalawa, na para bang hindi ko maintindihan kung bakit parang magkakilala na sila ganoong hindi ko matandaan na ipinakilala ko si Zavian kay Mama. Paano ko nga ba naman ipapakilala si Zav, eh, ayaw nga akong nakikita ng mama ko. “Zavian,” pormal ding pagbati ni Mama kay Zavian. May panlalamig at matalim ang paninitig niya kay Zav pero hindi naman iyon masyadong pinapansin ni Zavian. Kung tutuusin, hindi ako makapaniwalang kahit matipid ay nakangiti si Zavian sa kanya. Napatingin ang dala

