CHAPTER 75: EXPLANATIONS

2447 Words

Simula nang iwanan ako rito ni Zavian ay tahimik lang ako. Minsan tulala at madalas ay nakatitig sa maganda at nag-aagaw na kulay asul at turkesang kulay ng tubig-dagat. Napakapayapa. Kung sana ay ganito rin kapayapa ang buhay namin ni Zav, hindi namin kailangang parating magkalayo. Umihip ang malamig na simoy ng hangin. Napayakap ako sa aking sarili habang nakaupo sa sun lounger at nakasilong sa isang malaking payong. “Pumasok ka na muna sa loob, Triana. Malamig dito sa labas.” Nilingon ko siya at sinalubong ako ng malamig na titig ng aking ina habang nakatingin sa akin. Kahit papaano ay nakakasanayan ko na ulit ang presensya niya. Noong una talaga ay hindi ako komportableng naririto siya. Nakakapanibago dahil nasanay ata akong wala siya sa tabi ko makalipas ang mahabang panahon magmu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD