Dumating ang doktor ko at dito na muna rin mamamalagi para sa panganganak ko. Expected ng araw ng panganganak ko ay bukas. Kinausap ako ng isa sa mga tauhan na babae ni Zavian na si Jackie. Ang sabi nito ay uuwi raw si Zavian para sa panganganak ko. Naging excited tuloy ako nang marinig iyon. Baka raw mamayang gabi si Zavian dumating. Kailangan lamang daw nitong makipagkita kay Silas. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa Manila o sa buhay ng magpipinsan dahil ayaw akong balitaan nina Zav. Iniisip siguro nila na baka ma-stress ako. Pinanghahawakan ko na lamang na ligtas sila at walang nangyayaring masama sa kanila. Inihahanda na rin ang isang silid dito kung saan ang gagamiting kwarto para sa panganganak ko. Kinakabahan ako pero excited at the same time. Napatingin ako kay Mama na

