CHAPTER 79: ATTEMPTED

2866 Words

Kita ko ang kilabot sa kanyang mga mata nang mapansin na umaatras ako papalayo sa kanya. Gulong-gulo ako. Iniisip ko pa rin na bakit niya binaril si Hyacinth tapos ay inaalagaan? Ang gulo-gulo nito na hindi na ako makapag-isip nang tuwid. “Triana…” Hinawakan niya ang kamay ko upang pigilan ako sa paglayo. Narinig ko na nag-excuse ang doktor at ang nurse na kasama niya bago pumasok sa isa pang silid nito. Hindi ko na sila mapansin dahil masyadong okupado ang isipan ko. “Makinig ka muna sa akin.” Nanunuyo ang lalamunan ko. Na hindi ko alam kung tama bang makinig sa kanya pero… alam ko rin na mas magandang iyon ang gawin ko. “Sige nga, Zav! Bakit binaril mo si Hyacinth? Bakit ikinalat at pinalabas niyo na patay na siya kung naaandito lang naman siya at inaalagaan mo?!” Hindi ako nagseselos

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD