Tahimik kaming kumain ni Zavian. Panay ang pag-aalaga niya sa akin. Mukhang bumabawi dahil hindi niya ako nagawang mabisita noon sa isla. “Nagpaiwan si Mama sa isla,” sabi ko at tumingin sa kanya. Pinatigil ko na rin siya sa paglalagay ng pagkain dahil masyado na iyong marami. “Oo, mas gusto niyang doon muna ata siya. Okay lang naman sa akin. I can provide the things she needs. Nagpaiwan na rin ako ng ilang tauhan para sa kanya. Hindi siya magugulo ni Dad sa islang iyon.” Tumingin sa akin si Zav at tipid na ngumiti. “I will protect you and your mother.” Kahit na nakangiti si Zav ay pansin ko ang lungkot sa mga mata niya. Na parang ito ata ang unang pagkakataon na nabasa ko nang malinaw ang kanyang tunay na nararamdaman. Hinaplos ko ang pisngi niya at ngumiti rin sa kanya. Pinilit kong

