"Tito Orene, ayos na po ba talaga kayo?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya nang bisitahin ko ito sa kwarto niya sa mansion nang makabalik kami sa maikli naming bakasyon. Nalaman ko kasing nagpumilit na itong lumabas sa hospital. Ayos lang naman daw na lumabas labas siya sabi ng doctor huwag lang masyadong bibiglain ang katawan. Pero hindi ko naman maiwasang mag-alala sa kaniya. He snorted at my reaction. "Ayos na ayos iho. Tsaka mas maganda na 'tong naigagalaw galaw ko na ang sarili ko. Baka mas lalo lang lumala ang kalagayan ko kapag nanatili pa ako doon sa hospital." Napabuntong hininga naman ako. "Nag-aalala lang po ako." Natawa naman ito nang mahina tsaka naglakad palapit sa akin. He patted my shoulder. "Why don't you tour me around as we talk about your little vacation with your ne

