"You don’t need to worry anything. The patient is okay, and luckily for him, wala namang balang tumama na magdudulot sa kaniya sa seryosong kalagayan. We already removed the bullets, he’ll be okay after a few weeks." Rinig kong sabi ng doctor habang nanatili ang tingin ko sa nakahilatang Tito Orene. Napahinga na lamang ako nang malalim dahil sa kaginhawaan na naramdaman na maayos na ang kalagayan nito. Matapos itong matumba, agad namang pumasok sila Cypher sa loob ng banyo. Bago niya pa kami malapitan mabilis ko ng sinabi na dalhin na nila si Tito Orene sa hospital tsaka ko na kinuha si Cyrene at sumunod sa kanila. Pero imbes sa hospital ang diretso namin, sa mansion kami napunta at napag-alaman ko ring may hospital na nakatayo sa lupaing nasasakupan nito, para siguro sa mga tauhang nasus

