"Gising na ba 'yan?" "Mukhang hindi pa---" "Edi gisingin niyo na! Baka mamaya patay na pala 'yan, lagot tayo kay boss nito." "Sino ba namuro ng ulo niyan? 'Di ba ikaw? Kaya kasalanan mo kung mamatay 'yan bago pa makarating kay boss." Naalimpungatan naman ako sa mga boses na naririnig ko sa paligid. Huminga pa ako nang malalim bago unti unting minulat ang mga mata. Napamura naman ako sa isipan nang makaramdam ang sakit sa ulo. Alam kong malala ang lagay ko ngayon dahil ramdam ko ang natuyong dugo na kumalat sa mukha ko na galing sa sugat ng ulo ko. Mas lalo pang dumagdag sa hilo ko ang amoy ng sarili kong dugo at baho ng lugar. Damn kapag kikidnapin ba talaga kailangan ganito kasangsang? I groaned as I felt my head throb as I move a little. Narinig naman ni

