"Doc, kaunting kembot ko pa dito sa hospital na 'to. Pakiramdam ko masisiraan na rin ako ng bait." Sabi ko habang nakahiga sa sofa ni Dr. Orene na ngayo'y nakaupo sa isang upuan malapit sa akin at nakikinig sa mga walang kwentang pagdaldal ko. "Ano ba 'tong pinasok ko?" Kunot noong tanong ko habang nakatitig sa kisame. "Isang pasyente lang pero daig pa niya 'yong mga pasyenteng hawak ko sa hospital sa lugar namin? Argh." I groaned. Tumahimik ako saglit at tinignan ang gilid ko kung nasaan nakaupo ang kasama ko. "Doc, may discount ba ako dito kapag pumasok ako bilang pasyente niyo?" He amusingly c**k his eyebrow at me. "Are you alright young man? Kaunting nonsense blabbering pa ay kakausapin ko na si Dr. Herman na kung may available na kwarto pa para sa'yo?" I po

