Story By Dwendina
author-avatar

Dwendina

ABOUTquote
Hello po 😊 Baka po magustuhan ninyo itong munting stories ko.. Paki-add na lang po sa library ninyo, salamat..
bc
The Boss and His Secretary
Updated at Dec 20, 2025, 15:55
Sa matinding dagok ng buhay, kahit broken family at kapus-palad. Lumaking palaban si Trisha, na ang tanging kahinaan ay ang kaniyang kapatid na may autism. Sa kawalan ng pera para sa operasyon ng kapatid. Matapang siyang nagtungo sa bar at doon sila muling nagkatagpo ni William, ang childhood enemy niya na kasalukuyang CEO ng sariling kompanya. Naging secretary siya nito. Matapos i-black mail para mapapayag sa kontratang kasal, ang lalaki rin ang tumulong sa kaniya para guminhawa ang kanilang buhay. Paano kapag lumalim na ang kanilang ugnayan sa isa't isa? Maitatago pa rin kaya nila ang lihim nilang relasyon kapag bumalik na ng bansa ang fiancée ni William para tuparin ang arrange marriage ng dalawa?
like
bc
Ninong Senator's Contract Marriage
Updated at Oct 3, 2025, 08:59
Nang puntahan ni Francesca Alexandra Barcelona isang 24 years old na matabang dalaga, ang social event para sana sa presensya ng kaniyang may sakit na lolong dating presidente ng bansa at ama niyang nasa States ay nakita niya ang fiancé niyang may kasamang iba. Nang sugurin niya ang mga ito ay ipinahiya siya na isa lamang siyang panget na matabang babae na kahit na kailan ay walang magkakagustong lalaki. Sa kadahilanan ng matinding kahihiyan, hindi niya inaasahan ang biglaang paglapit sa kaniya at pagtulong ng isang kilalang heartthrob ng senado na si Sen. Javier Ricardo Carpio. Nagulat pa siya nang ipakilala siya nitong fiancée sa harap ng lahat. Biglaan itong nag-alok ng isang contract marriage sa kaniya na siya namang tinanggap niya kaagad. Sa kabila niyon ay natakpan naman ang tsismis tungkol sa senator na isa itong bakla. Nangako itong magbibigay ng 10 million bilang kabayaran sa kaniyang pagpayag. Matapos nilang maikasal tumira sila sa mansion ng senator. Habang nasa pagsasama sila ay naisipan ni Francesca na magpa-sexy. Sa hindi inaasahan ay biglang nasira ng senador ang nakasaad sa kontratang kanilang pinirmahan. Masusunod pa ba ang kontrata kung nasimulan na itong sirain ng senador gayung nakalagay roon na isang diborsyo ang magaganap once na masira ang agreement nila. Habang lumalalim naman ang nararamdaman nila sa isa't isa. Biglang aksidenteng nalaman ni Francesca na ang asawa niya sa kontrata na senator ay ang taong naging dahilan ng pagkasawi ng kaniyang ina at kapatid sa aksidente. Lingid rin noon sa kaniyang kaalaman na ninong niya rin pala ito na simula pa lamang ay hindi niya nakita at nakilala. Naging mahirap kay Francesca ang kaniyang naging sitwasyon. Galit at poot ang naghari sa kaniyang puso.
like
bc
SUZETTE with Her Dark Secret
Updated at Sep 7, 2025, 23:39
Suzette was the most beautiful and innocent woman in her hometown bago pa man masira ang kaniyang buhay sa kamay ni Mr. Mauricio Lorenzo, ang pinagkakautangan ng kaniyang mga magulang. Lumuwas siya ng Maynila para makipagsapalaran sa planong paghihiganti sa taong bumaboy sa kaniyang pagkatao. Natanggap siya bilang Personal Assistant ng Presidente ng Lorenzo's company na si Carlos Javier Lorenzo, his rejected suitor in high school na naka one night stand niya bago pa man niya malaman na anak rin ito ng taong gumahasa sa kaniya na kaniya ring gagamitin sa kaniyang mga plano sa ama nito. Magtagumpay kaya siya kung pareho nang nahulog ang loob nila sa isa't-isa? Mas lalo rin kaya siyang magtagumpay sa kaniyang paghihiganti kapag nalaman niya ang buong katotohanan sa pagitan nila ni Mauricio Lorenzo? Paano kapag nalaman ni Carlos ang mga itinatagong bagay sa likod ng kaniyang nakabibighaning kagandahan? Mahalin pa kaya siya nito? Alamin.
like
bc
Moments with Stranger
Updated at Mar 5, 2025, 00:13
Angela went out for 3 days leave when she suddenly saw an Island owned by Madrigal family. Sa isang mala-paraisong isla niya tuluyang nakilala ang katauhan ni Kyle Alexander Madrigal, isang gwapong anak ng mayaman na tagapagmana ng Isla. Dahil sa ipinamalas nitong kakisigan at kabaitan ay nahulog ang loob nya sa binata. Gayunpaman, nang makauwi sya ay nalaman nya mula sa ina ang mga bagay at dahilan kung bakit hindi nya pwedeng mahalin ang lalaki. Magulo ang kanyang isipan. Nang bumalik sya sa isla, doon nya natuklasan ang katotohanan. Hindi alam ni Angie kung dapat pa ba nyang ipagpatuloy ang kaniyang pagmamahal para sa binata.
like