Magmula pa ng mga bata sila, Minahal na ni Mildred si Calyx. Para sa kanya
ito lang ang lalakeng nais niya. Walang makapapantay sa mga katangian
nitong nagustuhan niya.
Kaya naman matagal niyang iningatan sa puso ang pagtangi sa
binata. Sukdulang magmukha siyang tanga at lukaret sa kahahabol. Pero
nang dumating ang takdang oras at inihanda niya ang sarili para rito, nabigo
siya. Matapos siyang makatikim ng rejection rito ng tangkain niyang akitin. To
the rescue naman si Gareth, ang kanyang bestfriend. Ipinaramdam nito sa
kanya ang pagmamahal at self-worth na hinahangad niya.
Ngunit dumating ang panahon na kinailangan niyang iwan at saktan
si Gareth. Para lamang huwag siya maging sagabal sa pangarap nito.