Story By Amanda Leigh
author-avatar

Amanda Leigh

bc
THE MAFIA AND THE FAIRY (Completed Version)
Updated at Apr 14, 2023, 02:14
THE MAFIA AND THE FAIRYBuod:“Mahirap aminin sa sarili ko kung totoo nga bang buhay ka. Hindi ko man makita sa pisikal mong kaanyuan si Alfredo ay alam ko... nararamdaman ng puso kong ikaw siya, Juan...”—Sofia Menesse.Si Sofia Menesse ay isang sikat na singer at isang sikat na child star sa pinaka-prestihiyosong TV station ng HDP. Pero dahil sa isang aksidente na ginawa ng kanyang kambal na si Nenita Menesse ay inihulog siya nito sa bangin sa labis na inggit. Nasira ang career ni Sofia bilang singer dahil hindi na siya nakapagsalita at ang mas malala, nawalan siya ng kakayahan na makakita. Tuluyan siyang nabulag.Ipinalabas sa medya na tuluyan na siyang namatay sa pagkahulog sa bangin. Ito ang plano ni Nenita kay Sofia para hindi masira ang reputasyon niya. Plinano ni Nenita na ipalabas na peke ang kanyang pagkamatay at itapon sa malayong lugar. Dahil doon ay nawalan ng kasikatan si Sofia at si Nenita na ang tuluyang kinilala bilang isang napakagaling na singer.Sa isang malayong lugar ng Caloocan itinapon si Sofia. Doon siya namuhay na puno ng misteryo. Mahirap mamuhay ng isang pipi at bulag. Tanging sa sign language na lang siya nakikipag-usap sa mga taong hindi siya iniwan. Dito nakilala ni Sofia si Alfredo Del Mundo. Ang lalaking matagal ng may gusto sa kanya simula nang lumipat sila sa Caloocan. They secretly love each other even if it’s hard. May isang sekreto ring itinatago si Sofia. Nakakakita at nakakapagsalita siya kapag napupunta siya sa mundo ng mga diwata na aksidente niya lang na natagpuan sa mansiyon ng Lola Star niya. Pero pipi at bulag naman siya kapag nasa mundo ng mga tao.Mahirap mang paniwalaan pero may hiwaga ang buhay ni Sofia. Dahil doon ay mas kinilala niya pa kung sino talaga siya at kung bakit tila may nararamdaman siyang kakaiba sa sarili niya.As the time goes by, nagkaaminan sila ng feelings ni Alfredo Del Mundo pero namatay sa isang plane crash ang lalaki nang piliin nitong mag-aral kaysa sa pagmamahalan nila. And then Sofia meet Juan Dela Cruz. Ang lalaking hindi kilala ng mata niya pero kilala ng lubos ng puso niya.Sino ba si Juan Dela Cruz? Isa nga bang diwata si Sofia? At bakit nang makilala ni Sofia si Juan Dela Cruz, nakikita niya rito ang dating lalaking kanyang minahal na si Alfredo? Buhay nga ba si Alfredo o patay?
like