Sabi nila, hindi raw pwedeng maging magkaibigan ang isang babae at isang lalaki dahil malaki ang posibilidad na mahulog sila sa isa't-isa. Pero si Joaquin, ginawa niya ang lahat mapigilan lamang ang sarili niyang mahulog kay Veronica. Pero tunay ngang traydor ang puso at hindi mo kailanman ito maloloko. Hindi mo kailanman ito matuturuan kung sino ang dapat at hindi dapat mahalin. Hindi mo ito mapipigilan sa kung sino talaga ang isinisigaw ni'to.
Pero dapat nga bang palaging pairalin ang puso?