Uncle Brix (SSPG)Updated at Nov 1, 2026, 23:41
Nanatili akong nakatayo sa likod ng dingding, halos hindi humihinga habang hinihintay ang kaniyang sagot.
At nang magsalita siya, pakiramdam ko ay biglang tumigil ang mundo.
“That time, Alvise, she's only my plaything.”
Napatakip ako sa aking bibig.
“Wala akong intensiyong seryosohin siya. She doesn't belong to my world.”
Nanginig ang aking mga tuhod.
Ngunit hindi pa siya tapos.
“And I don't want my children to have Suarez blood. I hate her family!”
Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa aking buong katawan.
Hindi ako makahinga,kung paano ko napigilang mapaluhod sa kinatatayuan ko.
Plaything,laruan.Iyon lang pala ako sa buhay niya.Hindi kailanman minahal.
Isa lamang laruan na maaari niyang paglaruan kapag gusto niya, at itapon kapag nagsawa na siya.
At ang pagiging dugong Suarez ko ay kinamumuhian niya higit pa sa pagkamuhi ng ama niya sa pamilya ko.
Napakuyom ako ng aking mga kamay.
Gusto kong umiyak, ngunit tila natuyo ang aking mga luha.
Gusto kong sumigaw, ngunit walang tinig na lumabas sa aking bibig.
Tinanggap ko ang pagiging sikreto ko sa buhay ni Uncle dahil naniwala akong balang-araw ay magkakaroon din ako ng lugar sa puso niya.
Ngunit wala pala.
Hindi ko alam kung alin ang mas nakapipinsala sa aking puso...ang malaman na hindi niya ako minahal, o ang matuklasang sa loob ng dalawang taon ay hinayaan niya akong maniwalang may kahulugan ako sa buhay niya.
-------
Brix Siaco,isa sa kambal at panganay na anak nina Rex at Nena Siaco (from MANONG REX book) tagapagmana ng makapangyarihang Siaco Empire. Kilala siya bilang isang lalaking walang puso, walang awa, at hindi nagpapadala sa emosyon. Para sa kanya, ang kapangyarihan, impluwensya, at apelyido ng Siaco lamang ang may halaga. Ang sinumang magtangkang sirain ang kanilang pamilya ay hindi kailanman niya mapapatawad.Ngunit magbabago ang lahat nang mamatay ang mag-asawang Gregory Suarez at maiwang ulila ang kanilang labing limang taong gulang na anak na si Sofia Suarez...ang apo ni Henry Suarez, ang lalaking minsang muntik nang wasakin ang pamilya Siaco.Ayaw siyang tanggapin ni Brix.Para sa kanya, ang apelyidong Suarez ay simbolo ng pagkakanulo, kasakiman, at sakit.Ngunit dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari, siya mismo ang napilitang magbantay at mag-alaga sa batang pilit niyang itinataboy.Hanggang saan ang kayang panindigan ng isang pusong nagyelo sa galit?Paano kung ang dalagitang itinuring niyang pabigat ang unti-unting magpabagsak sa lahat ng pader na itinayo niya sa kanyang puso?Matututuhan kaya ni Brix Siaco na minsan, ang pinakamahirap patawarin ay hindi ang taong nagkasala...kundi ang sariling pusong may lihim na pagnanasa...