Hindi akalain ng dalagang si Axine Alonzo na darating ang araw na ipagpapalit siya sa ibang babae ng lalaking lubos at tunay niyang minahal.Nangyari iyon sa araw ng birthday party niya.Sa araw na dapat nakangiti ang mga labi at hindi pagluha sa sakit na pinaramdam sa kanya.
Isang buwan lang ang lumipas pagkatapos ng pangyayari ay siya namang pagtatapat ni Bryle na syang laging gumugulo sa isip nya.Ang lalaking matagal na palang may pagtingin sa kanya ngunit nagugulohan lang sa nararamdaman niya sa dalaga.
Hindi rin naman nahirapang manligaw si Bryle kay Axine dahil habang tumatagal unti-unti rin namang nahuhulog ang loob ng dalaga sa kanya.At doon nagsimula ang kwento ng kanilang pagmamahalan.