Mistaken For Lorenzo De Luca's WomanUpdated at Oct 22, 2026, 15:15
Bata pa lamang, pinangarap na ni Samantha Reyes na makapunta sa Italya. Mahilig siya sa mga pelikulang Italyano, at para sa kanya, ang mga kwentong mafia ay pawang kathang-isip lamang. Lumaki siyang masipag at responsable, kaya’t agad niyang tinanggap ang pagkakataong magtrabaho sa Milan upang matulungan ang kanyang pamilya.
Ngunit nagbago ang lahat nang hindi sinasadya niyang masaksihan ang isang krimen na ginawa ng kanyang boss na si Lorenzo De Luca. Mula noon, hindi na siya simpleng empleyado—isa na siyang saksi, at sa mundong ginagalawan ni Lorenzo, walang saksi ang pinapauwi nang ligtas. Napilitan siyang manatili sa ilalim ng kanyang pangangalaga, kung saan unti-unti niyang nakikilala ang lalaking likas na mabagsik at misteryoso.
Lalong nagulo ang kanyang damdamin nang dumating si Alessandro De Santis—ang kabaligtaran ni Lorenzo: masayahin, magaan kasama, at tila nagdadala ng ginhawa. Ngunit sa likod ng kanyang ngiti ay may mga bagay din siyang itinatago.
Sa gitna ng takot at kalituhan, kanino siya maniniwala? At sa huli, matutuklasan niyang ang mga kwentong akala niya ay pelikula lamang—ay mas totoo at mapanganib kaysa sa anumang naiisip niya.