Maghihintay Sa 'yoUpdated at Dec 26, 2020, 19:53
Nang dahil sa aksidenteng pagkakayakap niya sa lalaking inakala niyang ang matalik niyang kaibigan ay biglang nabulabog ang nananahimik na puso ni Catherine. Kahit nabubuwesit siya sa lalaki ay mas lamang naman ang mga pagkakataong kinikilig siya sa tuwing nasa malapit ito. Ewan ba niya, masaya na naman siya sa buhay niya pero hindi niya alam na mas may isasaya pa pala iyon simula nang iparamdam ni Marcus ang pag ibig nito.
Pero ang masaya nilang relasyon ay biglang naging kumplikado nang malaman niyang may terminal illness ang lalaki. Doon niya naisip na hindi habang buhay ay kanya ang lalaki. Pero hindi pala kamatayan ang kaagaw niya kay Marcus kundi ang dating kasintahan nitong si Aimee na handang gawin ang lahat bumalik lamang dito ang lalaki. Hanggang kailan nga ba siya maghihintay na maging kanya nang buong-buo si Marcus?