Story By aeni lojeu
author-avatar

aeni lojeu

bc
THE TWIN I NEVER WAS
Updated at Sep 21, 2026, 09:54
Magkambal sina Asherie Yun Montreal at Alherie Yun Montreal,magkapareho ng mukha, ngunit magkaiba ng personalidad.Noong labing-pito pa lamang sila, gustong-gusto ni Alherie Yun Montreal si Gabriel Buenafuentez. Kahit ilang beses niya itong kulitin at lapitan, hindi niya kailanman nakuha ang atensyon nito. Ayaw talaga sa kaniya ni Gabriel noon.Ngunit isang trahedya ang biglang kumitil sa buhay ni Alherie.Lumipas ang anim na taon.Dalawampu't tatlo na si Asherie Yun Montreal, at bilang nag-iisang anak na lamang ng pamilya Montreal, nasunod na halos lahat ng kaniyang gusto. Ngunit sa kabila ng lahat, dala pa rin niya ang alaala ng kaniyang kambal.Isang gabi, napadpad si Asherie sa isang bar.At doon, hindi niya inaasahang makikita ang taong matagal na niyang hindi nakaharap.Gabriel Buenafuentez.Nagtagpo ang kanilang mga mata.Ilang segundo siyang tinitigan ni Gabriel bago ito bahagyang ngumiti.“So... You're Alherie?”Agad na umiling si Asherie.“No. You're mistaken. I'm not Alherie.”Ngunit hindi siya pinaniwalaan ni Gabriel.Sa halip, napangiti ito na para bang alam niyang nagbibiro lamang si Asherie.Para kay Gabriel, imposibleng makalimutan niya ang mukha ng babaeng minsang halos araw-araw siyang sinusundan at kinukulit.At habang nakatayo sila sa gitna ng maingay na bar, muling bumalik ang mga alaala ng nakaraan.Ang mga pang-aasar.Ang mga pagtanggi.Ang babaeng minsang desperadong gustong mahalin siya.Ngunit ngayong kaharap niya ang isang babaeng kapareho ng mukha nito, may kakaiba siyang nararamdaman.Isang bagay na hindi niya naramdaman noon.Isang spark.Hindi alam ni Gabriel kung bakit iba ang pakiramdam niya ngayong gabi.At hindi alam ni Asherie kung hanggang saan niya kayang panindigan ang isang pagkakamaling hindi naman niya sinimulan.Dahil ang lalaking kaharap niya ay hindi alam ang katotohanan.At ang babaeng inaakala nitong si Alherie ay si Asherie Yun Montreal.Pero paano kung sa gabing iyon, hindi lang pagkakamali ang nagsimula?Paano kung may isang bagay na matagal nang naghihintay na muling mabunyag?At higit sa lahat...Ano ang mangyayari kapag tuluyang malaman ni Gabriel kung sino talaga ang babaeng kaharap niya?
like
bc
The Billionaire's Unexpected Love
Updated at Sep 11, 2026, 09:20
He was a billionaire. She was just a hotel cleaner.Isang gabi, nagkita ang dalawang taong hindi naman dapat magtagpo.She arrived at the hotel slightly drunk after agreeing to do a favor for her co-worker. Akala niya, simple cleaning job lang ang gagawin niya. What she didn’t know was that the billionaire guest she was supposed to clean for had decided to extend his stay for one more night.Something happened between them that night—something neither of them expected.But before the morning sun could reveal the truth, the girl quietly left.Walang goodbye. Walang pangalan. Walang kahit anong paliwanag.She thought it was just one unforgettable night.But for the billionaire, it was the beginning of an obsession… because he had no idea who the mysterious woman was, and he was determined to find her.She wanted to forget that night.He wanted to find the stranger who stole his heart.
like