Ang pusong tumatangis; ay ang pusong minsang nagmahal.
Patuloy na nagtatanong kung kailan ang iyong pagdatal.
Kahit sa aking balintataw,
ika'y aking matanaw.
Ako'y maihahalintulad sa dagsin,
subukan mang lumayo babalik parin.
Bawat pagsilip sa durungawan,
gipalpal ang puso ng pag asa na ako'y wag kalimutan.
Bakit? Alin sa mga rason?
Bakit hindi ko maapuhap ang ang wastong pagkakataon?
Saan tayo kayang dalhin ng barko ng paghamon?
Sana dalhin na ako ng alon sa tamang panahon.
THIS EXPEDITION OF LOVE AND HATE STARTED WHEN...
Ang makulimlim na kalangitan;
ang banayad na pag haplos ng hangin sa aking katawan.
Mga banoy na naglilipana sa kalawakan.
Ang perpektong kaharian, hindi nitong kayang tumbasan;
Ang takot sa aking dibdib na nararamdaman.
Pamilyar sa akin ang lugar na siyang aking kinakatayuan.
Ang kulay asul na bistida parin ang aking kasuotan.
Walang kahit na sinag ng araw ang masisilayan.
Hindi ito ang mundo na aking kinagisnan.
Nais kong maka-alis rito, Ako'y inyong tulungan.
THIS ENIGMATIC DREAM STARTED WHEN...