Hindi po ako magaling, hindi din po ako
sikat, pero naniniwala po ako na magkaiba ang pagsusulat sa pagkukuwento. Nandito po ako hindi para magsulat. Nandito ako upang magkuwento......
Pag-ibig oh pag-ibig. Paano ka nga ba ilalarawan? Huni ng mga ibon? Hampas ng alon sa aplaya? Mga anghel ba na nagkakantahan? O musika sa tenga?
Isang matapang na Army Officer, sinalo lahat ni Edwin nang magsabog ng kagitingan ang langit. Hindi siya nangingilag, kahit pa kay kamatayan. Walang puso pagdating sa kalaban, subalit pagdating sa pag-ibig, pagdating kay Claire, ay torpe ang pinuno.
Una niyang masilayan ang kagandahan ni Claire, sapul ni kupido ang kanyang puso. Iyon nga lamang at hindi siya gusto ng dalaga.
Musika at gitara. Ilan ang kalahi ni “Eba” na hindi mahuhumaling dito? Madalang, sapagkat ang musika ay may may karismang hahatak sa bawat damdaming pupukawin nito.
Ligtas ba ang matigas na puso ni Claire? Kaya bang pukawin ni Edwin ang atensyon, at salingin ang puso ng mataray na dalaga, sa pamamagitan ng kanyang boses at gitara?
At Kakayanin ba nila ang “insekuridad” at layo, o magiging hadlang ang mga ito sa kanilang pagmamahalan?