kwentong paubayaUpdated at Mar 2, 2021, 08:22
ANO ANG KWENTONG PAUBAYA MO?
Nakilala ko sya bago mag simula ang quarantine. Itago nalang natin sya sa pangalang "Kate."
Malayo ang pag uugali namin sa isa't isa. Hindi kami nagkakasundo sa mga gusto naming gawin sa buhay.
Marami syang bagay na ayuko
Ganon din siya sa mga bagay na nakasanayan kong gawin.
Actually di pa talaga kami gaanong magkakilala noon.
Pero ang alam ko lang, Mortal ko syang kaaway.
"Ewan ko ba"
Makita ko lang ni kahit anino nyang dumaan?
wala na!
sira na ang araw ko!
Diko maipaliwanag ang inis sa tuwing nakikita ko ang kanyang pagmumukha.
"Haha"
at malamang ganon din sya sakin.
Kaya pagkatapos ko syang makita, dadaan ako sa harapan nya para mag papansin at tiyak sira nadin araw nya.
Lumipas ang ilang lingo
Nagkaroon ng lockdown
Matagal tagal ko nading di sya nakikita.
Naisip ko mag chat sa kanya.
Natawa nalang ako dahil di lang niya sineen ang message ko,
Kundi kinailangan ko pang mag antay ng ilang lingo para muli ko syang makausap.
Malamang ayaw nyang masira ko ang araw nya.
Naisip ko nalang na baka wala talagang lugar para magkakilala kaming dalawa.
Hanggang sa Tumigil ako sa pagkulit sa kanya
Nag focus ako sa pag aaral ko, sa mga kapatid ko at sa mga gawain ko sa bahay.
Isinantabi ko muna ang pangungulit at pang iinis.
Kinagabihan nag message sya sakin.
Diko alam kong pagalit ba o painis ba o nagbabalat kayo lang.Basta alam ko lang
Wala sa puso nya ang pag hingi ng tawad.
Matapos nun, lahat ng inis galit at pag pipintas namin sa isat isa napalitan ng ngiti galak at tuwa
Araw araw na kaming nag kakachat,
Halos dina kumpleto ang gabi ko kung diko sya makausap
Lumipas ang ilang araw lumalim ang kung anong meron samin dalawa