A Filipino romance novelist and inspirational poet. She jots down her imagination with added life experiences through books and aims to impart moral lesson in each of her craft.
WARNING: MATURE CONTENT (R-18)
ELLAINE DE GUZMAN. Isang masipag at mapagmahal na dalagang lumaki sa probinsya. May nakahahalinang mukha, balingkinitang katawan at simpleng pananamit na larawan ng isang tunay na dalagang Pilipina. Sa paniniwala niyang sagabal ang pakikipagrelasyon upang makamit ang mga pangarap, 'di niya sinubukang pasukin ang bagay na iyon.
Nang lumipat siya sa siyudad upang doon magtrabaho, pagkatapos mag-aral sa kolehiyo ay nakikinita niyang unti-unting makakamit ang mga pangarap. Mga pangarap na makatulong sa pamilya at mapatapos sa pag-aaral ang mga nakababatang kapatid. Ngunit kasabay rin niyon ay ang pag-ibig na aahon sa natutulog niyang damdamin. Pag-ibig na nagsimula sa isang text message mula kay Alexander Robertson - isang playboy at gwapong piloto na ngayo'y CEO ng mga beach resort sa Cebu.
Magiging hadlang kaya ang pag-iibigan nila upang makamit ang kaniyang mga mithiin? Matatanggap kaya niya kung ang lalaking minamahal ay mapag-aalamang may mga bagay na ikinukubli sa kanya? Sabay-sabay nating tuklasin ang buhay-pag-ibig ni Ellaine.