Story By Michael Juha Full
author-avatar

Michael Juha Full

ABOUTquote
I\'m Michael Juha, an OFW and owner of http://michaelsshadesofblue.blogspot.com. I write mostly M2M (gay) stories.
bc
Roommates
Updated at Nov 16, 2022, 00:16
Naghanap ng dorm habang nag-aaral. Nakahanap ng "room-for-work" scheme kung saan ang may-ari ng apartment ay isang arogante at antipatikong lalaking tamad gawin ang kanyang trabaho sa opisina at ipinapagawa na lamang ito sa kanya kapalit ng pagtira niya sa kanyang apratment. Si Jimmy ang estudyante. Nainis, nabuwesit. Ngunit kailangan niyang gawin upang makatipid at maipagpatuloy ang semester. At imbes na mainis, ibinuhos niya ang galit sa pagpapaganda sa apartment. Hanggang sa nakita niya ang weakness ni Ezie. Nainlove nang lihim ngunit ang masaklap ay nalaman niyang ikakasal na pala si Ezie. Napagdesisyunan niyang umalis sa apartment at ihinto na lang ang pag-aaral. Hahanapin kaya siya ni Ezie?
like
bc
Trip
Updated at Nov 13, 2022, 21:38
“Naranasan mo na bang makipag-sex sa kapwa lalaki?” ang tanong ng isa sa pinakamalapit kong kaibigan sa University team, si Andrew, isang hapon na nagpahangin kami sa isang resto bar na nasa harap lamang ng dagat. “What???” ang reaksyon ko sa kanyang tanong, muntik nang maisuka ang nainum na beer. “Tama ba ang narinig ko?” “Tama tol… sex sa kapwa lalaki.” “Tangina. At bakit ko naman gugustuhing makipagsex sa kapwa lalaki?” “I-try mo lang tol… hindi mo malilimutan ang experience. Ibang klase.”
like
bc
Ang Lalaki Sa Burol
Updated at Nov 9, 2022, 22:41
Paano kung ang taong nagturo sa iyo kung paano magmahal ay bigla kang iniwan, at nang magkita kayong muli, hindi ka na niya kilala, taliwas sa kanyang pangako na babalikan ka niya. At ang masaklap pa ay may babae na siyang handa niyang pakasalan. Aagawin mo ba siya mula sa kanya? O hayaan na lang na tuluyan mailibing sa limot ang inyong pagmamahalan.
like
bc
Paraffle Na Pag-ibig
Updated at May 30, 2022, 22:45
Aksidenteng napanalunan ko si Aljun sa isang fund-raising activity ng mga estudyante ng college. Isang raffle kung saan ay ang mga papremyo ay naggaguwapuhan at mga iniidolong lalaki ng campus. Binilhan ako ng ticket ng aking kaibigan. "Kapag napanalunan mo ang isang lalaki, magiging slave mo siya. Kahit ano ang ipaggaawa mo, huwag lang illegal, ay gagawin niya for 365 hours," ang sabi niya. Weird. Ngunit tinanggap ko ang ticket at kinalimutan sa kadahilanang hindi naman ako naniwalang manalo. Ngunit nanalo ang ticket na ibinigay sa akin ng aking kaibigan. At papremyo? Si Aljun, isang matalino at guwapong hunk na campus crush at tinitilian ng lahat. Dito nagsimulang mabago ang aking mundo, lalo na noong patapos na ang 365 hours na kami ay magsasama...
like
bc
Ang Aral Ng Isang Ibon
Updated at Nov 25, 2021, 22:21
“…Ano ang silbi ng katalinuhan kung sarado naman ang isip? Ano ang silbi ng pagiging tao kung ang isip ay mas mababaw pa kaysa hayop? Ano ang silbi ng kakayahang magmahal kung ito'y hindi kayang panindigan?” “Isang munting hayop ang nagbukas ng aking mga mata sa kahalagahan ng pagmamahal; sa kahalagahan ng pagtaguyod at pagbuo ng buhay at pamilya.”
like
bc
Tok-Hang
Updated at Nov 15, 2021, 22:20
Kabaligtaran halos ang lahat ng bagay sa kanila. Mahirap si Timmy, mayaman si John; sa bukid lumaki si Timmy, sa malaking syudad naman si John; responsable at matalino sa klase si Timmy, si John naman ay easy-go-lucky; law-abiding si Timmy, basagulero naman si John. Mistulang isang anghel at isang demonyo ang pinagtagpo. Enter si tadhana. Pinaglaruan ang buhay nila...
like
bc
Simon
Updated at Aug 1, 2021, 11:41
Magkaibigan kami ni Simon. Actually, magbest friends. Simula noong high school pa lamang kami niyan, kami na ang palaging magkasama, kahit saang lakad. Hanggang sa huling taon namin sa college, nanatili ang aming pagiging close sa isa’t-isa. Ang siste, nadevelop ako sa aking kaibigan. Ewan ko ba. Siguro dahil sa kanyang kapilyuhan, kakengkuyan. Pero may parte rin naman talaga sa kanyang nakaka-in love. Malakas ang appeal, hayop sa porma. Maputi, makinis, guwapo. Ewan... nakakabakla. At isa ako sa nababakla sa kanya. At ito ang lihim kong hindi ko masabi-sabi. Minsan, natutuliro na lang ako o natuturete. Minsan din hindi ko maiwasang mapatitig sa kawalan kung hindi man sa mukha niya. Minsan ay hindi ako nakapagpigil at binibiro siya ng, “Astig talaga ang porma nitong best friend ko. Pare... pa kiss!” “Kiss lang pre... habang wala pang nagmamay-ari nitong mga labi ko!” sagot niya habang pabirong pahabain ang nguso at ipikit ang mga mata. Iyan ang dahilan kung kaya ay isang araw, may nagawa akong kabulastugan na aking pinagsisihan sa tanang buhay ko...
like
bc
Bahay-bahayan
Updated at Jul 30, 2021, 09:43
May isang kuwento ang aking inay tungkol sa amin ni Manuel noong kapwa anim na taong gulang pa lamang kami. Dala-dala si Manuel ng inay niya noon sa amin. Habang nagkukuwentuhan ang amingmga inay, kami naman ni Manuel ay pumasok sa kuwarto ko at doon ay naglaro ng bahay-bahayan. “Junjun! Anong ginawa ninyo!” ang sigaw raw ng inay noong nakitang ang mga kumot ay isinabit ko at sa loob ng nakasabit na kumot ay naroon kami ni Manuel, nakahiga at nagyayakapan. “Nagbahay-bahayan po!” ang inosenteng sagot daw ni Manuel. “Nagbahay-bahayan kayong dalawa?” “Opo...” “Aber, kung nagbahay-bahayan kayo, sino ang tatay at sino ang nanay?” ang painosenteng tanong naman ng inay ko kay Manuel. “Ako po ang tatay...” at turo sa akin, “...siya po ang nanay” Napangiti raw silang dalawa ng inay. “Totoo bang ikaw ang nanay-nanayan, junjun?” tanong ng inay sa akin. Tumango raw ako at nagsalita pa ng, “Wala pa lang kaming anak...” At doon na raw pumutok ang tawanan nilang dalawa. Sabay singit naman ni Manuel ng, “Pag malaki na kami, siya na ang asawa ko.” Iyan ang hindi ko malilimutang kuwento ng inay tungkol sa amin ni Manuel.
like
bc
Ang Lalaki Sa Library (One Shot)
Updated at May 7, 2021, 03:55
Na miss ko nang magsulat... Iyong naipapalabas mo ang iyong mga saloobin o mga eksena na nangyari sa totoong buhay ngunit sana ay nagkaroon ng "...and they lived happily ever after" na ending. kagaya ng iyong isang eksena ng aking kabataan kung saan ay may matinding crush ako sa isang estudyanteng schoolmate. 18 lang ako noon, wala pang masyadong kalandian at kaharutan sa isip at katawan. Wala pa ring ganyang karanasan sa pag-ibig. Hindi alam kung paano mang-akit, kung paano manligaw, kung paano magpapapansin...
like
bc
Saranggola
Updated at Apr 30, 2021, 05:07
“Ang buhay ay maihalintulad sa isang saranggola…” Ito ang hindi ko malilimutang wika sa akin ng aking itay. Sa isang malawak na lupang tinutubuan ng mga damong tanging kalabaw at mga baka lamang ang nakikinabang, doon ako palaging dinadala ng itay kapag natapos na siya sa kanyang pagsasaka. Sa bakanteng lupang iyon ay nagpapalipad kami ng saranggola.
like
bc
YUNIMINI
Updated at Apr 23, 2021, 10:36
May tradisyon ang kaharian ng mga engkanto sa lugar na iyon. Isang tradisyon na sinusunod nila ilang siglo na ang nakaraan. Ang tradisyon na ito ay nagsimula sa mga kanunu-nunuan ng mga engkanto. Ito ay ang pagiging marespeto nila sa mga mortal na nanirahan sa paligid ng yungib na isang aharian ng mga engkanto na. Noong unang panahon ang ang kaharian nilang iyon ay nilusob ng mga kaaway. Napatay nila ang hari at ang kanilang reyna kasama ang sanggol na anak ay tumakas at sumanib sa mga taong mortal. Sila ay kinanlong at binabantayan ng isang pamilya ng albularyo. Nakaligtas ang reyna at ang kanynag munting prinsipe. Nang lumaki na ang prinsipe, naghiganti siya sa mga pumatay sa kanyang amang hari at nabawi niya ang kanilang kaharian, ang yungib na pinaligiran ng mga tao sa maliit na pook na iyon. Dahil sa pagtanggol ng mga mortal sa kanilang reyna at prinsipe, naging magkaibigan ang mga engkanto at mortal sa panahon na iyon. At hanggang sa kasalukuyan ay nanatili ang magandang pakikitungon ng mga engkanto sa mga mortal bagamat hindi ni nila nakikita ang mga ito. Hindi nila pinapakialaman ang mga tao, bagkus ay tinutulungan nila ito sa panahong ng pangangailangan kagaya ng kapag dumating ang bagyo, o tagtuyot, o baha. Subalit, sa bagong henerasyon ng mga engkanto, isang prinsipe ang tila nakalimot sa tradisyon nilang ito. Isang araw, habang nagkayayaan ang isang football team na pasukin ang yungib na kaharian ng mga engkanto, pinaglaruan sila ng isang prinsipe. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang ma-trap sa baha ang buong team...
like
bc
Marbin
Updated at Mar 22, 2021, 11:12
Matalik kong kaibigan si Marbin. Actually, naging mag-close friend lang kami simula noong first year college. Transferee kasi ako sa school na iyon. Noong gumraduate ako bilang valedictorian sa high school, binigyan ako ng full scholarship ng unibersidad. At dahil hindi ko kabisado ang mga pasikot-sikot sa enrolment, naligaw ako at napunta sa isang building. Inakyat ko ang second floor nito. At bagamat wala akong nakitang mga estudyante, nagbakasakali pa rin ako na baka nandoon ang pakay kong opisina at nasa itaas ang mga tao. “S-saan ang punta mo?” ang tanong sa akin ng akala ko ay janitor. Habol-habol pa ang kanyang hininga, hininto niya ang kanyang pagpo-floor mop. Nabigla ako nang bahagya, napahinto nang nakita kong ang bahaging iyon ng hallway na dadaanan ko sana ay siya ring nililinis niya. Hindi ko akalain na wala pala talagang tao ang building maliban sa kanya...
like
bc
Sumpa
Updated at Mar 19, 2021, 05:14
"Single since birth; virgin 'til death." Iyan ang nag-iisang rule ko sa sarili pagdating sa usapin ng pag-ibig. First year lang ako sa unibersidad na iyon. Bagong-salta. Walang kaibigan, walang alam sa mga pasikot-sikot at kaganapan sa campus. At para sa katulad kong mahiyain, may mababang self-esteem, introvert, napakahirap magkaroon ng kaibigan. Si Mateo, third year college ng Engineering, isang anak-mayaman at sikat sa na estudyante sa aming unibersidad. Paano, varsity player na nga ng basketball, matalino, matangkad, at guwapo. Kung kaya ay ganoon na lamang siya kasikat. Kadalasan naririnig ko ang pangalan niya sa usap-usapan ng mga ka-klase. Sa mga babae, ang kapogian niya, lalo na ang sinasabi nilang killer smile. Ngunit may narinig din akong hindi kagandahang tsismis tungkol kay Mateo: spoiled brat, playboy, walang puso, sadista, manhid sa naramdaman ng mga babae at baklang naloko sa kanya, walang taong siniseryoso sa pag-ibig. Pero sa totoo lang, wala akong pakialam kung guawapo na mabait man siya o guwapo na salbahe. Hindi naman kasi ako interesado sa mga ganoong klaseng tao. Sino ba ako upang pag-aksayahan nila ng panahon? Sa panahon ngayon, kadalasan, ang hinahanap ng mga tao ay guwapo, may magandang katawan. Para bang ang pagmamahal ay isang search lang ng Mr. or Miss Bikini. Ngunit marahil ay sadyang mapaglaro ang tadhana. Isang gabing pauwi na ako galing sa aking last subject, dito nagsimulang magtagpo ang aming landas...
like
bc
Ang Lihim Ni Rigor
Updated at Mar 13, 2021, 10:46
Labing dalawang taon lang ang edad namin at parehong nasa first year high school noong magsimula ang kuwento namin ni Rigor. Ang totoo niyan, kahit nakatira kami sa iisang baranggay at halos magkadikit lang ang bahay, hindi kami nagkikibuan. Ang problema naman kasi ay nasa akin. Simula noong bata pa lang, sadyang mahiyain na. Pakiramdam ko kasi ay may kakaiba sa akin; ang tingin sa sarili ay mababa. Ewan... hindi ko rin maintindihan. Kaya dahil dito, hindi ako pala-kibo, hindi palakaibigan, at mahilig mag-isa. Kabaliktaran naman si Rigor. Palakaibigan siya, masayahin, at higit sa lahat, guwapo. Bagamat sunog ang balat dahil sa mga trabahong bukid, may magandang mga mata at kilay, may dimples, at kapag ngumiti, makikita ang maganda, mapuputi at pantay na mga ngipin. At sa edad niyang 12, mas matangkad na siya kaysa sa mga batang kasing-edad din namin. Kaya kahit bata pa lang, hayop na ang taglay niyang porma. Alam ko, maraming mga kabataan at kahit mga dalaga na ang nagkaroon ng crush sa kanya. Isang araw, habang nag-aaral ako sa ilalim ng lilim ng malaking kahoy sa likod ng school building namin, na-distract ako sa lakas ng ingay ng isang grupo ng mga estudyanteng nagkatuwaan. Napatingin ako sa direksyon nila. At nakita kong nandoon din si Rigor na tuwang-tuwa sa kanilang bangkaan at isa sa may pinakamalakas na halakhak. Para akong napako sa kinaroroonan ko at napatitig sa kanya. Hanggang sa namalayan kong nakatitig na rin pala siya sa akin, seryoso ang mukha, at natigil sa kanyang pagtatawa. Noong napansin kong inaninag niya ang postura ko habang napako ang tingin sa kanya, dali-dali kong itinuon ang mga mata ko sa aking libro at nagkunyaring nagbasa. Halos puputok ang aking dibdib sa magkahalong kaba at hindi maisalarawang excitement...
like
bc
Sulat Sa Buhangin
Updated at Mar 9, 2021, 09:11
"Basti, kung magkakatuluyan kayo ni Julie, ok lang sa akin. Matutuwa ako." Ang sambit ng inay kay Basti isang araw habang naglalaba kami sa gilid ng balon. Nakaupo sa bangko sa harap ko si basti, naghintay na matapos ako. May class project pa kasi kaming tatapusin. Tiningnan ko si Basti na ngingiti-ngiti lang at iginuri-guri ang kamay sa hinahawakang kahoy, halata ang pamumula ng mukha. Ang totoo, July ang tunay kong pangalan ngunit dahil kilos babae, "Julie" ang tawag nila sa akin. Ang inay ko ang pasimuno nito. At siya rin ang reto nang reto sa akin kay Basti. Nakakakilig kung tutuusin. Imagine, botong-boto ang inay ko sa kababata at ka-klase kong si Basti. Ngunit ayaw ko. Ngunit marahil ay sadyang masakit kung magbiro ang tadhana. Isang araw sa eskuwelahan, may isang grupo ng kalalakihang nambully sa akin. Sinisigawan ako ng bakla, bading, abnormal, at ginagaya ang paglalakad at pagsasalita ko. Lumapit ang isa sa kanila at bigla akong sinambunutan. Nakita ni Basti ang lahat. Nagtawanan silang lahat, "Jowa mo ano?" ang png-aasar nila kay Basti... Doon na sinunggaban ni Basti ang kuwelyo ng estudyanteng nagsalita sabay pakawala ng isang malakas na suntok. Ang sunod na nangyari ay karambola. Isa, laban sa apat. Habang pinagtutulungan nila si Basti, ako naman ay nasa isang sulok at nanginginig na pinanuod sila, hindi malaman ang gagawin. Nang nakita ko ang dugong umagos sa ilong ni Basti, nagsisigaw na ako at nanghingi ng tulong. Hanggang sa isa-isang nagtatakbuhan ang mga kalaban ni Basti na lahat ay may dugo sa mukha. "Mga duwag!" ang pahabol na sigaw ni Basti sa kanila.
like
bc
Ang Lihim Ng Ibong Tagak
Updated at Mar 7, 2021, 10:33
"Gusto kong kumpiskahin ang ibon na iyan upang maipasuri ito at mapakawalan..." "P-pero Sir..." ang pag-aalangan ni Hector. Ang ibong tagak na iyon kasi ay ang kanyang nawalang alaga. At bahagi ang ibon na iyon sa isang malalim at malagim ng kuwento ng kanyang buhay. Nang muling mahuli niya ito, naniwala siya na sadyang itinadhanang muling mag-krus ang kanilang landas. "Kung ayaw mong isuko sa akin ang ibon, irereport kita sa awtoridad. Siguradong magkaroon ka ng penalty at baka makulong ka pa." Dahil my mas malaki pang kinatatakutan si Hector na kapag lumaki and issue ay mapansin siya ng mga tumutugis sa kanya - ang mga taong siya ring pumatay sa kanyang mga magulang kaya wala na siyang nagawa pa. "Sir... sana po ay ibigay niyo na lang po siya sa akin... Ako na lang po ang mag-alaga sa kanya. Aalagaan ko po siya nang mabuti. Napakahalaga po ng ibon na iyan sa akin," ang muling pagmamakaawa ni Hector. "Mahalaga? Paanong mahalaga?" ang tanong ni Abel kay Hector. "Eh... d-dating ibon ko po kasi iyan, S-sir. N-nakawala lang. Hindi nga ako makapaniwala nang muli ko siyang nahuli..." Tumango-tango si Abel, tinitigan si Hector. "Ang batas kasi, walang pakialam kung naging alaga mo ito o hindi. Basta protected species, dapat ay isusuko sa awtoridad." Inusisa ni Abel ang ibon. Napansin niyang nakalaylay ang kanang pakpak nito. May nakita rin siyang mga natutuyong dugo. "Kung mahalaga ang ibon na ito sa iyo, mas kailangan nitong masuri ng beterinaryo. Mamamatay ito kapag hindi maaagapan. Mukhang malubha ang pinsala ng kanyang pakpak." Hindi na nakaimik pa si Hector. Nang tumalikod at umalis si Abel, nanatiling nakatayo si Hector habang pinagmasdan ang unti-unting paglayo ni Abel na bitbit ang kanyang ibon...
like
bc
The Friend On The Boat (Summa c*m Laude)
Updated at Mar 2, 2021, 01:00
What would you do if you know that in no time, your eyesight will be gone due to a serious infection but your parents are too poor to shoulder the operation, and there is no donor in sight to donate their cornea?
like
bc
The Paddy
Updated at Feb 27, 2021, 18:39
“Do you love your father?” I asked him breaking the silence. “Yes, I do. He’s the only father I have. Whether I like it or not, that’s the truth. It’s sad. It may even hurt. But they say that truth hurts sometimes. It’s a strange fact. But that is life,” he answered giving me a sad look. I paused for a moment. He was right. In this life, there’s only one father. “But how do you deal with your father’s anger?” I asked again. “Love defeats hatred. You can’t defeat fire with fire, nor hatred with hatred. Nobody wins.”
like
bc
Puno Ng Pag-ibig
Updated at Feb 26, 2021, 10:14
Ako ang nagtanim sa puno ng akasyang iyon. Mahilig kasi ako sa kahoy. At kahit sa aking mga isinusulat na kuwento, minsan ginagawa kong simbolismo ito sa buhay at pag-ibig. Sabi ng manghuhula, ang kahoy daw ay may malaking papel sa aking tagumpay at pagkabigo. Syempre tinawanan ko lang ito. Ano naman ang kinalaman sa kahoy sa aking tagumpay. Kung baha, land slide at global warming siguro ang pag-uusapan, malaki talaga ang papel ng kahoy. Pero sa buhay ko? Hmmm. "Mukha ba akong mother earth?" sa loob-loob ko lang. Dahil nag-iisa si Marjun na nagpapahinga doon, parang may nagtulak sa akin na lapitan siya. At iyon ang ginawa ko. Seryosong napako ang tingin niya sa akin noong napansin niyang lumihis ako patungo sa direksyon ng cottage imbes na sa direksyon ng gate kung saan sana dapat akong pumasok. Bakas sa mukha niya ang pag-alangan, marahil inisip na baka paalisin ko siya, o pagsabihang bawal ang mag-estambay doon. Nakatitig lang siya sa mukha ko habang palapit nang palapit ako sa kanya.
like
bc
Ang Roommate Kong Siga
Updated at Feb 20, 2021, 09:13
Si July ay isang tagong bakla at nagkataong ang roommate niya na si Jerome ay guwapo, macho, at nahulog ang kanyang loob. Ngunit si Jerome ay isang homophobic, bully, at galit sa mga bakla... Igi-give up kaya ni July ang kanyang nararamadaman? O ipursige niya ito sa kabila ng maaaring malaman ni Jerome na ang kanyang roommate ay katulad din pala sa mga binu-bully niyang estudyanteng bakla?
like
bc
Toy Soldier
Updated at Feb 19, 2021, 11:08
"Lalaban ka!? Ha?! Magsusumbong ka?! Kanino ka magsumbong?! Ha? Ha??? Kung magaling ka sa klase, kung sikat ka sa klase, sa labas ng klase, kami ang sikat!!! Huwag kang magmayabang, tarantado! Huwag mong ipangalandrakang magaling ka dahil nakakapag-init ka ng dugo! Tangina mo!!!" ang sigaw ni Carlo habang nakatihaya na ako sa damuhan at patuloy niyang tinatadyakan ang aking tagiliran. Natisod kasi ako at natumba gawa nang pagharang ng paa sa aking daanan sa isa sa mga barkada niya. Nagkalat ang aking mga libro at gamit sa lupa habang nagtatawanan ang kanyang mga barkadang nakapaligid sa akin. May ilang estudyanteng nakakita sa ginawa nila. Ngunit wala rin silang maitutulong dahil notorious ang grupo ni Carlo sa pagiging pasaway sa eskuwelahan. At wala akong laban. Nag-iisa lang ako. Ayaw ko ng gulo. Wala akong nagawa kundi ang hintayin na tantanan nila ako. Nang huminto na sila at umalis, saka ako tumayo, pinulot ang aking mga gamit, pinagpag ang dumi na dumikit sa puti kong unipormeng polo shirt na parang wala lang nangyari, itinuloy ang paglalakad. Ganyan si Carlo. Isang bully. At isa iyan sa mga eksena ng kanyang pambubully sa akin. At siguro nga, totoo ang sinasabi nila na kaya raw tumatapang ang mga bully ay dahil ang mga binu-bully ay hindi lumalaban. At totoo sa akin iyan. Mas ayaw ko kasing dadami ang bugbog sa aking katawan dahil kung gaganti ako, lalo pa nila akong pagdiskitahan at hindi lulubayan hanggang sa tuluyang masira ang aking pag-aaral. Kung mangyari iyan, ako pa rin ang talo sa bandang huli. Iyan ang pag-iisip ko.
like
bc
My Dad, My Hero
Updated at Feb 17, 2021, 09:30
Inosente pa ako pagdating sa diskarte sa babae kung kaya Dad took matters into his own hands. Bigla siyang tumayo at nilapitan ang mesa ng mga babae na nagkataon namang nasa tabi lang namin. "Hi girls! May I interrupt you for a minute?" ang masiglang pagbati niya sa kanila. Nagulat na napatingin ang mga babae sa aking ama na nakatayo sa harap ng kanilang mesa. "Yes, sir?" ang tanong ng isa sa kanila. "My name is Mark, and my table is over there," ang pagturo niya sa aming mesa. "You see those two gentlemen?" Tumingin ang mga babae sa amin. "One is my friend Tom and the other is my son, Beni... and I'm here to tell you that you can order anything. And I mean anything, and it's on me." "What???" ang halos sabay-sabay na sagot ng mga babae, kitang-kita sa kanilang mata ang labis na pagkagulat. "Why?" ang natatawang tanong naman ng isa. "I tell you why, ang sagot ng Daddy. "My son..." turo niya sa kinaroroonan ko, "It's his birthday today and I asked him na kung sino man dito ang tao o grupo na gusto niyang iti-treat o ililibre, ako ang bahala. At kayo ang itinuro niya." Sabay-sabay na nagsilingunang muli ang mga babae sa kinaroroonan ko. Ramdam kong inusisa nila ang aking hitsura. Ako naman, dahil sa sobrang hiya ay kunyaring hinipo-hipo ang aking pisngi upang matakpan ng aking kamay ang aking mukha bagamat ang isa kong kamay naman ay nangingiming ikinaway ko sa kanila. Pagkatapos nilang lumingon sa akin, kitang-kita ko na nagsitawanan sila, iyong pigil na pagtili na parang kinilig na hindi maintindihan. "So is that okay with you, girls?" ang tanong uli ni Dad. Nagkatinginan ang mga babae. Kitang-kita ko ang kanilang excitement. "Sure!!!" ang sabay nilang pagsagot na nagtatawanan pa.
like
bc
Palitan Ng Puso
Updated at Feb 17, 2021, 09:18
Isinara ko na ang puso ko para kay Prime. Hindi ko na rin inaasahang babalik pa ang pagiging magkaibigan namin. Nagkamali ako. Bagamat nanghinig ako ng patawad ngunit hindi niya tinanggap. Matitiis ko na hindi niya suklian ang aking pagmamahal huwag lang sanang maputol ang maganda naming samahan bilang magkaibigan. Tuloy ang buhay. Pinilit kong burahin sa akin gisip ang mga masasayang ala-ala ko sa kanya. Isang araw, nag-umpukan sina Prime at kanyang mga barkada. Narinig kong nagkuwentuhan sila. " Pare... naranasan mo na bang magkaroon ng kaibigang bakla?" "Ako pare, marami. Marami naman kasi tayong classmates na bakla, di ba?" ang sagot ng isa. "Ok naman silang kaibigan pare, wala naman akong problema..." ang sambit din ng isa. "E, naranasan niyo na ba na sa gitna ng iyong kalasingan, ginapang kayo?" "Nangyari sa iyo iyan?" "Oo pare. Putsa... Kung hindi lang ako lasing noon, binugbog ko na iyon!" "Kung sa akin nangyari iyon, pare, Okay lang. Walang mawawala sa akin, eh," ang sagot naman ng isa. "Pero pare... bad trip iyan. Lalo na kung ang baklang iyon ay pilit na nagpakalalaki at naturigan pang best friend mo!" ang sagot ni Prime na nakatingin siya sa akin! "Waaaahhh! Parang kilala ko! Best friend mo ba kamo?" "Oo pare. Best friend... Noon iyon, pare. Ngayon, hindi na!" Palihim na lang akong tumayo at nilisan ang lugar upang hindi ko na marinig pa ang kanilang pagtatawanan.
like
bc
Ang Soybeans Vendor Na Tisoy
Updated at Feb 17, 2021, 09:04
"Alam mo, Jerry, nung una kitang mapansin dun sa pagtitinda mo ng soybeans, parang ang supla-sulado mo. Gusto sana kitang kaibiganin e, kaso umiiwas ka kapag tinitingnan ko. Parang ang sarap mong sipain talaga," ang biro ko. "Nahihiya kasi ako e, 'sensya ka na." "Pero..." ang may pag-aalinlangan kong tanong, "Gusto mo rin ba sana akong kaibiganin?" "Sana... kaso 'di ko alam paano, e. Mukha ka kasing salbahe," ang sabi niyang nakangiti. "'Di biro lang, alam kong mabait ka. Mabuti na lang at nabundol ko iyong asukal nyo. Dahil kung hindi, hindi pa sana tayo magkakakilala hanggang ngayon." Mukhang na-guilty naman ako sa sinabi niyang iyon kaya naisip kong ibunyag na sa kanya ang totoo. "OK... May aaminin ako. A-alam mo bang sinadya ko talagang ibundol ang sarili ko sa iyo at ilaglag iyong dala kong asukal?" "Ano?" Tanong niyang halatang nabigla. "Bakit mo naman ginawa iyon?" "Para takutin ka... Joke! Hindi... para magkaroon ako ng dahilan upang makausap ka at maging kaibigan." Tumawa sya ng malakas. "Talaga? Dahil... alam mo, may aaminin din ako sa yo," ang sagot niyang tiningnan ang reaksyon ko. "Sinadya ko rin namang dumaan sa harap mo e... para mapansin mo ako at mag 'Hi!' ka sa akin. Pero nang makita kong tumalikod ka at kinuha iyong asukal mula sa estante, sinadya ko na lang na magpabundol!" "Hah? Langya ka, pinahirapan mo pa ako? At sinayang mo pa ang isang kilong asukal!" ang sagot kong nagulat din. "Sa mala-anghel na mukha na yan... may pagka-salbahe pala! Akala ko ay ako lang ang salbahe!" Sabay kaming nagtawanan. "Yan ang akala mo!" "Alam mo bang ino-obserbahan din kita sa pwesto mo?" ang paglihis ko sa usapan. "Oo naman!" At pag ganyang napansin kitang tinitigan ako, sinasabi ko na lang sa sarili na 'Ano na naman kaya ang tinitingin-tingin ng loko na to? Siguro naiinggit o naiinsecure sa kapogian ko?'" Nahinto siya sandali. "At bakit mo pala ako inoobserbahan, aber? May crush ka sa akin, ano?" "Sikretttt!"
like
bc
Santuwaryo Ng Pag-ibig
Updated at Feb 15, 2021, 10:28
Ako si Tob. Isinulat ko ang kuwento kong ito dahil sa labis na pagmamahal ko sa isang tao... si Meg. Hindi pangkaraniwang insidente ang naging tulay upang mag-krus ang landas namin ni Meg. Kasama ko noon ang aking girlfriend na si Weng, tinungo namin ang aming jewelry shop. Nabuo na kasi sa aking isip na pakakasalan ko na siya at doon ko gagawin ang pag-propose sa kanya. Maganda si Weng. Matangkad, makinis ang balat, anak mayaman at higit sa lahat, mabait. Sabi nga nila, perfect match daw kami; ang lahat ay nasa amin na. Kumbaga, made in heaven. Walang kaalam-alam si Weng na sa lugar na iyon ay magaganap ang isa sa pinakamemorableng pangyayari sa aming buhay. Wala ring ibang taong nakaalam sa aking plano maliban sa driver ng bus na siya kong inarkila. Ang alam lang ni Weng ay may ireregalo akong singsing sa aking ninang at ninong para sa nalalapit nilang silver wedding anniversary at siya ang gusto kong pumili. Pagdating namin sa shop, ibinigay ko kay Weng ang limang pares ng singsing na sadyang ipina-custom-made ko upang pagpipilian niya. Namangha si Weng sa ganda ng mga singsing. At nang nakapili na, lihim na akong nag-misscall sa bus driver. Lumantad ang malaking tarpaulin sa gilid ng bus, may nakasulat, "Weng... I've made the most important decision. I will marry you. –Tob". Bumusina nang napakalakas ang driver. Nang lumingon si Weng sa bus, nanlaki ang kanyang mga mata sa matinding pagkagulat. Lumuhod ako sa harap ni Weng sabay abot sa kanya sa singsing na napili, "Weng, will you marry me?" Nagsigawan ang aming mga tindera. Nagpalakpakan. Kinilig. "Yes!" ang sagot niya. Isinuot ko sa kanyang daliri ang singsing. At ang pares noon ay ibinigay ko sa kanya upang siya naman ang magsukbit nito sa aking daliri. Ngunit naputol ang masayang eksenang iyon nang biglang sumulpot ang isang lalaking naka-bonnet. Hinablot niya sa leeg si Weng sabay deklara ng "Hold-up ito!!! Ilabas ang pera!!!"
like
bc
Si Utol At Ang Chatmate Ko
Updated at Aug 12, 2020, 23:12
Si Enzo at may paka-aloof at mahiyain. Kulang sa confidence sa sarili at may inferiority complex. Mas gusto pa niyang magbabad sa internet at makihalubilo sa virtual na mundo. Isang araw ay nakachat niya sa internet ang isang guwapong lalaki, si Zach. At na inlove siya rito. Ang siste ay gustong magkipag video chat ni Zach. Ang ginawa niya, kinumbinsi niya si Erwin, ang kanyang kuyang guwapo na siyang makikipag-chat kay Zach. At upang hindi malaman ng kuya niya na lalaki ang ka-chat niya, ang camera ay nakatutok sa kuya niya samantalang ang monitor ay sa kay Enzo nakaharap. Paano masustain ni Enzo ang pagkukunwaring ito? Ano ang magiging reaksyon ng kuya niyang si Erwin kapag nalaman niyang lalaki pala ang humahanga sa kapogian niya?
like
bc
Kuya Renan
Updated at Aug 12, 2020, 10:30
Hiwalay ang mga magulang ni Bugoy. Ipinagpalit ang kanyang inay sa isang bakla. Simula nang pagkabata ay ang hindi pa niya nakikita ang kanyang itay. Nang namatay ang kanyang inay, inihabilin siya sa kapitbahay nilang si Renan na kuya-kuyahan niya. Ngunit may tagubilin ang kanyang inay sa kanya: huwag siyang maging bakla dahil isang bakla ang sumira sa relasyon niya sa kanyang itay at sa kanyang buhay. Ngunit nain-love si Bugoy kay Renan. Sino ang susundin niya? Ang idinikta ng kanyang puso? O ang tagubiliin ng kanyang inay? Nalaman din niya na ang taong umagaw ng kanyang ama mula sa kanyang inay ay isang kapamilya. Maipaghiganti kaya niya ang kanyang inay? Kilalanin kaya siyang anak ng kanyang ama?
like
bc
Ang Kuya Kong Crush Ng Bayan
Updated at Aug 8, 2020, 08:18
Si Jason ay labing-anim na taong gulang at nasa fisrt year college. Matalino, anak mayaman, at ang turing niya sa kanyang sarili at straight na lalaki. Nang sumali siya sa volleyball team at nameet niya si Romwel, ang playboy at tinaguriang "Crush ng Bayan" na team captain, doon na siya nagtanong sa kanyang sekswalidad. Naging close si Romwel sa mga magulang ni Jason dahil sa pag-aalaga nito sa kanilang anak. Nang naulila na si Romwel, inampon siya ng pamilya ni Jason at naging legal na Iglesias. Dito nagsimula ang problema ni Jason. Mahal niya si Romwel. Paano malalampasan ni Jason itong dilemma sa kanyang buhay at pag-ibig?
like
bc
Bader
Updated at May 10, 2019, 09:00
Bader is an Arab, good looking 21 year old English trainee. He an enterprising, easy-go-lucky guy unafraid of everything. He is just new to the company and upon enrolling under the training program, immediately became close to Mike, the trainer. One day, Bader confessed to Mike that he had a feeling for him. Will Mike accepts Bader's advances?
like
bc
Idol Ko Si Sir
Updated at Apr 28, 2019, 11:33
Isang estudyanteng spoiled brat at walang sinasanto. Inilipat ng kanyang mommy eskuwelahan sa isang sectarian na eskuwelahan sa probinsya dahil wala nang pag-asa pang magbago sa syudad. Na-meet niya ang isang batang professor ng Sociology. Matalino ngunit palaban. Napansin ng professor ang pagka-arogante ng bagong dayong estudyante at na-challenge siya rito. Ang estudyante naman ay tinangkang i-blackmail ang professor upang maging sunod-sunuran ito sa kanya. Si Carl Miller ang estudyante. Si Sir James ang professor. Sino kaya sa kanila ang magtagumpay?
like
bc
Munting Lihim
Updated at Apr 28, 2019, 10:54
Pitong taong gulang lang si Alvin nang maging malapit siya sa kinakapatid na si Andrei na labing-limang taong gulang. Para kay Alvin, ang kuya Andrei niya ay isang hero, best friend, tatay, kaharutan, kalaro, barkada, kakampi, tagapagtanggol; ang nag-iisang taong nand'yan para sa kanya... Ngunit naghiwalay ang kanilang landas. Nagpunta ng Maynila ang pamilya ni Andrei upang doon hanapin ang kanilang suwerte. Bago umalis, isang lihim ang iniwan ni Andrei kay Alvin; isang lihim na siyang sisira sa buhay ni Alvin. Ano ang lihim na ito? Bakit masisira ang buhay ni Alvin dahil sa lihim na dito? Iingatan kaya ni Alvin ang lihim base sa ipinangako niya sa kanyang Kuya Andrei? At babalikan kaya ni Andrei ang kanyang mahal na bunso? Munting Lihim...
like
bc
Ang Aral Ng Gamugamo
Updated at Apr 27, 2019, 12:53
Nagmahal ng best friend. Nilapastangan ang best friend nang nalasing. Nagalit si Best friend. Ipinakilala ni best friend ang kanyang girlfriend. Nasaktan, pumasok ng seminaryo. Nang malapit na maging pari, umamin si best friend na may naramdaman din sa kanya. Hinikayat siyang huwag nang bumalik sa seminaryo at magsama na lang silang dalawa... Papayag kaya siya?
like
bc
Sam
Updated at Apr 26, 2019, 09:00
Is it possible for a man to fall in love at the same time to both sexes? Sam had a huge crush on his Psychology professor, Ms. Cathy. He tried to court her and made her fall in love with him. Since they were on a teacher-student status which is prohibited, they kept their relations secret. But one night, something happened between him and his best friend Geoff. In that incident, he realized that he loved his best friend too. Since both of them can't accept to be stereotyped as "gay", they also kept their relation secret. One day, Ms. Cathy got pregnant. Sam was torn between his two lovers. And he needed to choose only one. Who will Sam choose?
like
bc
Stuffed Toy
Updated at Apr 23, 2019, 09:00
Miko suffered from autophobia, or fear of abandonment. It started when he was young and his pet dog died. When he was a teenager, his parents also left him. When the person whom he considered as the only one left in this world who loved him - his stepmom - was planning to get married and be with the man she loved, Miko knew he had to do something...
like
bc
Torpe
Updated at Apr 10, 2019, 11:49
Paano kung nagkakagusto ka sa isang torpe na alam mong may gusto rin sa iyo? Ano ang gagawin mo upang mapaamin mo siya?
like
bc
Tol... I Love You!
Updated at Apr 7, 2019, 09:58
Paano kung lihim mong mahal ang best friend mo at dahil hindi mo alam kung paano ito ipaalam sa kanya, idinaan mo ang lahat sa santong paspasan - nilasing atsaka nilapastangan? At paano kung ikaw ang best friend na inabuso? Matatanggap mo pa ba ang ginawa sa iyo ng best friend mo? Tol... I Love You.
like