Story By Juden Lolos
author-avatar

Juden Lolos

bc
The Billionaire's Escort
Updated at Oct 3, 2023, 00:58
Tatlong taong gulang pa lamang si Gabriella nang iniwan na siya ng kaniyang mga magulang. Tanging ang lola niya na lamang ang tumayong magulang niya hanggang sa siya ay magdalaga. Lahat ng gusto niya ay binigay sa kaniya ng kaniyang lola kahit hirap din ang lola nya dahil sa katandaan sinikap niya na ibigay ang lahat ng pangagailangan ni Gabriella. Maayos ang lahat, ang buhay niya kasama ang kaniyang lola dahil wala siyang naramdamang kakulangan sa buhay niya kahit pa iniwan siya ng kaniyang mga magulang dahil lahat ay pinunan ng kaniyang lola hanggang sa isang araw pati ang kaisa-isang tao sa buhay niya at nag-iisang karamay niya ay nawala. Ngayon, hindi alam ni Gabriella kung paano sisimulan ang panibagong umaga na siya na lamang mag-isa sa buhay. Sa panahong ito niya kailangan ang kaniyang mga magulang ngunit wala ang mga ito upang damayan at samahan sya sa pagluluksa. Sinikap niyang magpatuloy sa buhay at tuparin ang mga pangarap nila ng kaniyang lola ng mag-isa at ito ay ang makatapos sya ng pag-aaral sa isang maayos at pribadong paaralan at magkaroon ng magandang buhay at makabuo ng pamilya kasama ang lalaking magmamahal sa kaniya ng buong-buo. Sa bagong pagsubok na kinakaharap ni Gabriella, hahamakin niya ang lahat makamit lamang ang pangarap na makatapos ng pag-aaral, gagawin niya lahat ng paraan. "Thirthy thousand din yun beshy, sayang naman tsaka ang ganda mo at ang kinis madali ka lang kikita, kahit panga siguro holding hands lang gawin mo bayaran ka na nila ng malaki" pangungumbinsya ng kanyang kaibigan. "Pero besh, ayaw ko. Tsaka estudyante tao, paano kung may makakita sa atin at isumbong tao sa paaralan, nakakahiya at baka patalsikin din tayo" tugon ni Gabriella. "Bayaran na ng tuition bukas, sa tingin mo saan ka makakakuha ng pambayad? besh, wala ka ng trabaho. Diba? Tinanggal ka na don sa pinagtratrabahuan mo dahil palagi ka na lang late kundi ka absent dahil sa hectate ng schedule, subukan mo lang, hawak mo pa oras mo dito at sigurado akong hindi ka na mahihirapan sa pag-aaral mo." patuloy na pangungulit ng kaibigan nyang si Gean. Naisip ni Gabriella ang mga litana ng kaniyang kaibigan at tama ito bayaran na ng tuition nila bukas at wala siyang ipon dahil pinambayad niya ang huling sahod niya sa trabaho doon sa inuupahan niyang maliit na kwarto . "Baka ito na nga ang tanging paraan para makapagtapos ako sa paaralang iyon, at para matupad ko ang isa sa pangarap namin ni lola" sa isip ni Gabriella. "Segi besh, gagawin ko na. Bahala na anong mangyari. Ang gusto ko lang makapagtapos ng pag-aaral" turan niya sa kaniyang kaibigan. "Papayag ka rin pala kailangan mo pa ng mahabang pangungunsinti, halika na't mag-aayos tayo, aayusan kita at isasama kita sa lakad ko para makilala ka ng mga kakilala kong mayayaman na lalaki" excited na sabi ni Gean. Pinasok nga ni Gabriella ang pagiging escort, kung kani-kanino siya sumasama. Pinapasaya niya ang ibang tao gamit ang kaniyang sarili, sa bawat kasiyahan ng mga lalaki ay ang kalungkutan ni Gabriella, iniisip niya na kung kasama kaya niya ang kaniyang mga magulang. Mangyayari kaya lahat ng ito sa kaniya. Ngunit sadya nga talagang iba maglaro ang tadhana dahil susubukin ang tatag mo para sa katuparan ng mga pangarap mo. Kumikita si Gabriella ng malaking halaga sa loob lamang ng isang gabing pagpapaligiya sa mga mayayamang lalaki. Hindi na siya nahihirapan sa pagbabayad sa paaralan at hindi na niya nauutang ang bayarin niya sa kaniyang inuupahan. Nag-iisip na rin siya na maghanap ng mas malaki at komportableng matutuluyan. Total at nasimulan na ni Gabriella, lulubusin niya na lamang ang benefits ng trabahong pinasok niya. Sayang din ang malaking kinikita niya kung magtitiis pa siya sa masikip at mainit na tinitirhan niya. Gusto niya ulit maranasan ang kaginhawaan na naranasan niya lamang noong nabubuhay pa ang kaniyang lola, naibenta niya ang bahay ng lola niya mula ng mamatay ito para sa gastusin sa burol nito dahil wala siyang naging katulong sa pag aasikaso sa libing ng kaniyang lola. Mula noon naghanap siya ng mauupahan at yung maliit, masikip at mainit na kwarto ang kaya lamang ng kaniyang budget. Saan kaya dadalhin ng desisyon nya si Gabriella, makakatulong nga ba ang desisyon niyang ito sa pagbabago ng kaniyang buhay? Magiging maganda kaya ang buhay niya sa pamamagitan ng pagiging escort girl? Sa buhay, hindi lahat puro saya lamang, ito ang realidad. Maraming pagsubok ang kailangan natin pagdaanan para mas maging malakas at matatag tao bilang tao. Hindi lamang umiikot sa iisang bagay ang mundo. Maraming bagay ang kailangan mong pag-aralan at matutunan na siyang gagamitin mo sa bawat araw na hamon ng buhay. Sa bawat sakit at luha mas lalo tayong lumalakas. Ito ang pundasyon ng buhay. Ang karanasan na siyang nagbibigay lakas upang patuloy tayo na lumaban. Lalo na sa mga taong may pangarap sa buhay hindi sila matitinag ng mga sinasabi ng ibang tao, kasi hindi ang opinion ng ibang ang magdedekta ng magiging buhay natin kundi tayo.
like