BABAENG DI KINIKILIGUpdated at Nov 23, 2021, 21:35
"Ako nga pala si King Jasper Esperanza Marquez, 18 years old. Ang hilig ko ay magbasa ng libro, magsulat ng articles, makinig ng musics at tumugtog ng gitara. We can be all friends if you wanted to. That's all." Mahinahong pagpapakilala ko naman sa mga classmates ko sa klase na kapwa seryoso ang mga mukha. May konting kaba akong nararamdaman.
Oo nag aaral palang ako, first year college sa isang private University taking up Bachelor of Science in Hospitality and Restaurant Management. Anlayo sa kursong Agricultural Engineering na gusto ni Daddy Prince para sa akin. Pero wala silang nagawa ni Mommy kundi suportahan ako, kasi ito ang gusto ko. Ito ang kukunin ko para sa sarili ko. Wala na kasing mas isasaya pa sa buhay estudyante kung yung mismong kursong gusto mo ay ang susundin mo.