Welcome po sa aking Dreame Account at pa Follow narin po.
Hindi po talaga ako isang magaling na manunulat kaya ipagpaumanhin po ninyo kung marami po akong mga grammatical typho error.
Isa po ako sa mga mahilig magbasa nang mga online platform kaya naisipan ko po na subukang gumawa nang isang kwento.
Sana po magustuhan ninyo?❤️.
Maraming Salamat po and GOD BLESS❤
LAWRENCE DELA RAMA
Civil Engineering Student. Gwapo. Mayaman. Gustong takasan ang kanyang ina sa pag mamanipula nang kanyang buhay. Kaya mag-isang nagpaiwan sa bansa, at nagpasyang hindi sumunod sa kanyang ina at kapatid.
Simpleng buhay lang ang kanyang gusto, magkaroon nang isang buo at masayang pamilya. At ang magawa nang at walang nakikialam sa mga gusto niyang gawin sa buhay.
Hanggang sa makilala niya ang nag iisang babaeng nagpatibok nang pihikan niyang puso.
GIANNA TORRES
Bussiness Accountancy Student. May magandang mukha. Hindi mayaman, hindi rin naman hikahos sa buhay. Isang simpleng dalaga na tanging hangad lang ay makapagtapos nang pag aaral, at makahanap nang disenteng trabaho para makatulong sa pamilya.
Paano kung isang araw magising nalang silang hindi na nila kapiling ang isa\'t isa?.
Dalawang pusong pinagtagpo at pinagbuklod nang tadhana. Dalawang pusong nagmamahalan at nagsisimulang bumuo nang isang simple at masayang pamilya.
Ngunit lahat nang iyon ay sisirain lang nang isang iglap nang isang taong makasarili. Isang pangyayaring mahirap tanggapin at ang maglalayo sa kanilang dalawa.
Napilitang sumunod ni Lawrence sa kanya mama at kapatid sa ibang bansa upang kalimutan ang lahat nang mga masasakit na nangyari sa kanyang buhay.
Samantalang bitbit namang mag-isa ni Gianna ang walang kapantay na pighati at responsibilidad na iniwan sa kanya ni Lawrence.
Sa kanilang hindi sinasadyang muling pagkikita, kaya kayang paghilumin ang sugat nang nakaraan o mananatili ang galit sa kanilang mga puso?