Story By Rodz Ylyn Mamon
author-avatar

Rodz Ylyn Mamon

bc
Ang Boyfriend kong Panget
Updated at Jul 25, 2023, 19:20
Isang mayaman, napakaganda at parang dyosang babae si Collen. Brain and beauty, all in one package kumbaga pero kahit isang kaibigan ay wala siya dahil sa isang pangyayari. Ngunit sa di malamang dahilan umibig lamang ito sa isang panget,bully at nerd na lalaki. Ang di pa maintindihan ay siya pa mismo ang unang nag pakita ng interes sa lalaki na gusto niya ito. Si Angelo ay isang lalaking loner, panget,bully at nerd na lalaki. Pag aaral ang inaatupag sa buhay. Ngunit merong isang sekreto itong tinatago. Dahil sa sekretong iyon ay nagawa nitong lumipat sa malayong lugar para mag aral. At doon nabunggo at nakilala niya si Collen, isang babaeng hinahangaan ng lahat ngunit umiiwas sa iba. Katulad niya ay wla ding kaibigan. Sa pagdating ni Collen sa buhay niya ay kinukulit siya nito at pinangangalandakan sa ibang tao na mahal siya nito. Maniniwala pa ba siya dito kung ang tingin niya sa mga babae ay parepareho lang na manloloko? Totoo kaya ang pinapakita ni Collen sa kanya? At anu kaya ang sekretong tinatago ni Angelo sa buhay? Subaybayan niyo po ang storya ng pag ibig ni Collen at Angelo. Minsan kapag umibig tayo gusto natin yung gwapo o maganda. Mabait at mayaman. Meron tayong mga ideal person na gusto natin makasama o ibigin pero panu kaya kung si kupido ang gumawa ng paraan,at pinana ang puso mo para sa isang taong panget na kabaliktaran kung anu ka? Mamahalin mo kaya siya ng lubusan? Anu ba dapat pairalin kapag nagmahal tayo, puso o physical na anyo? Ito yung 1st story ko kaya BEWARE of typos and grammar error.. Welcome sa gusto mag basa, spread love not hate. At sa mga ayaw sa story na ito,bahala na kayu sa buhay niyo. Walang pumipilit sa inyo na basahin niyo ito. Di naman tayo perpekto,kaya intindihin niyo sariling buhay nyo kaysa yung buhay ng iba.. COLLEN'S POV Ang boring naman ng araw ko. Wala sa sariling naglakad lang ako ng naglakad sa buong school. Subrang boring kasi wala si baby loves ko. Busy daw ito dahil meron daw silang presentation na gagawin ngayon at need nya mag prepare. Kaya lonely ang peg ko ngayon. Anu kaya pwedi kong gawin? Napaisip ako ng pwedi kong gawin ngayon. Kung si baby loves ay busy,kami naman walang pasok ng dalawang oras. Absent kasi yung teacher namin dahil may sakit daw at two hours yung lesson sana namin sa kanya. Anu kaya pwedi kong gawin? Ta tumbling?  Baka mapagkamalan pa akong baliw pag ginawa ko yun Gugulong? Ganun din. Tatawagin lang akong baliw ng iba. Mag nakaw? Nakuhhh. Ayoko pa makulong. Kung sa puso lang sana ni Angelo ako makukulong, abah!kahit habang buhay pa. Magpapakulong ako pero hindi pa nangyayari yun. Hindi pa sa ngayon. Nag isip pa ako ng pwedi kong gawin. Nilibot libot ko ang mga mata ko ng mapagtanto kung hindi ito yung building ng fashion designer kundi building na ng business management. Alam na alam talaga ng puso ko kung saan ako nararapat. Nag kibit balikat lang ako at pinagpatuloy ang paglalakad at pag iisip ng pwedi kong gawin hanggang sa pumasok sa isip ko ang Hold up. Napangisi ako sa kalokohang pumasok sa isip ko. At tamang tama at naka kita agad ako ng target ko. Mas lalong ginanahan ako na gawin ang nasa isip ko dahil meron agad akong target at hindi ako nito napapansin dahil nakatalikod ito sa direksyon ko. Nakaupo ito  sa isang bench at parang nagbabasa. Nilabas ko agad ang ballpen ko para gamitin sa pang hohold up. Oo,ballpen. Pakialam nyo kung ballpen gagamitin ko sa panghold up. Makakapatay naman siguro yung ballpen nu? Sorry, kung ikaw pa ang target ko ngayon. Napangisi ulit ako at dahan dahang pumunta sa likod nito at iniiwasang makalikha manlang ng kahit na anong ingay. Nung makalapit na ako ay tinutukan ko kaagad ng ballpen ang target ko sa tagiliran. Wag kang gagalaw. Hold up to. Taas ang kamay,kung hindi patay ka sakin. Bigla naman itong napa ayos ng upo. At napa hands up din. Anung kailangan mo? Sabi nito sa matigas na boses at hindi ito gumalaw sa kinauupuan nito. Pinigilan ko ang tumawa at di pinahalatang tawang tawa na ko sa reaksyon nito. Ikaw. Ikaw ang kailangan ko. Lalo na yang puso mo. Kaya,isuko mo na kung ayaw mong may mangyaring masama sayo. Sorry. Pero, meron ng nagmamay ari nito. Kaya di mo na pweding kunin to. Bigla akong namanhid sa sinabi niya. May nagmamay ari? Di na pweding kunin? Parang sinaksak ng libo libong kutsilyo ni kupido ang puso ko. Hindi kutsilyo gamit ni kupido,Tanga. Sita ng utak ko. Humarap sakin si Angelo at bumunghalit ito ng tawa. Ang epic ng mukha mo Collen. Hahahahaha. So ganun? Ako ang nabiktima ng sarili kong kalokohan? Napasimangot akong pinaghahampas ko siya. Ilag naman siya ng ilag sa mga hampas ko. Tawa parin siya ng tawa kahit pinaghahampas ko na. Kaya tumigil na ako sa kakahampas sa kanya. Walang effect naman kasi yung hampas ko. Napagod lang ako Tumalikod na ako at akmang aalis na dahil naiinis na ako sa kanya. to be continued.
like