Story By Author Ajeomma
author-avatar

Author Ajeomma

ABOUTquote
* A Filipino writer who loves coffee and chocolates. * Fan of Vincent Kua Jr. and Stephen King. * A Dreamer. * I usually give people more chances than they deserve. But, once I\'m done, I\'M DONE. Mahaba ang pasensiya ko pero \'di unlimited. :) *"All of my works are written in tagalog. Thank you for visiting my profile. Follow me too. :) " * FB- https://www.facebook.com/authorajeomma
bc
BAKANTENG NITSO 4 (Tagalog)
Updated at Aug 11, 2019, 06:00
Nabigo si Alister na madala sa impyerno ang kaluluwa nina Ada at Apa dahil tinalo ito ng wagas na pag-ibig ng binata para sa kaibigang matagal na pa lang minamahal. Ngunit hindi matanggap ng lalaking may dilaw na mata ang kabiguan. Nangako itong magbabalik upang iharap ang kanilang kaluluwa sa kanyang panginoong Lucifer... sa anumang paraan! "Walang makatatakas kay Alister!" Umuugong nitong sigaw na sinundan ng mapanlinlang at tusong halakhak.
like
bc
Buhay ko man ay 'di sapat (Tagalog)
Updated at Aug 4, 2019, 03:00
Habang tinatanaw ang matatalim na kidlat na nagsasalimbayan sa madilim na ulap, matuling nagbalik sa alaala ni Cristina ang nakaraan. Hindi na niya namalayan ang paglandas ng luha sa magkabilang pisngi. "Inay, bakit nagagawa mo ito sa amin?'' bulong niya sa hangin. Ilang sandali pa ay unti-unti nang pumatak ang ulan. Nanatili siyang nakatingala at hinayaang palisin ng mumunting mga patak ang luhang humihilam sa kanyang mga mata. Napangiti siya. Sinasabayan ng langit ang kanyang pagtangis. Tila nais hugasan ang nagdurugo niyang damdamin. Maliliit pa ang dalawa niyang kapatid nang iwanan sila ng sariling ina. Tinalikuran at hindi nasilip man lamang. Siya ang nag-alaga at nagmistulang ina sa mga ito. Ang lolang magbobote ang kumupkop at nagpalaki sa kanila. Hanggang dumating ang isang taong nagpabago ng lahat. Ang lalaking naging daan upang guminhawa ang kanilang pamumuhay. Isang araw, dumating ang kanilang ina at ang gusto ay makinabang sa kung ano mayro'n sila. Hindi niya ito natikis. Subalit hindi ito kuntento sa nakukuha at gumawa pa ng isang pagkakamali. Ina laban sa anak? Sino ang magsasabing "Buhay ko man ay 'di sapat? * Ang kuwento pong ito ay itinanghal bilang INSTANT ADDICTION WINNER sa writing contest. *
like
bc
Sa Silong ni Kaka (Tagalog)
Updated at Aug 2, 2019, 03:05
Nanginginig si Luisa sa sobrang takot nang isakay ng mga lalaking mukhang goon sa loob isang itim na van. Mula sa Mindanao, lakas loob siyang sumakay sa barko kasama ng isang ginang na ilang araw pa lamang nakikilala. Dahil sa kahirapan at kagustuhang makaahon sa isang kahig-isang tukang pamumuhay, nakumbinsi siya nitong magtungo sa Maynila upang magtrabaho. Ayon sa ginang na nagpakilalang Madam Gigi, buwan-buwan siyang makapagpapadala ng pera sa mga magulang. Agad siyang naengganyo sa maganda nitong pananalita. Nang sabihin nitong babalik na sa Maynila at hindi na magkapaghihintay sa pasya niya ay hindi na siya nag-isip pa. Kaya isang liham na lamang para sa mga magulang ang iniwanan niya bago umalis. Palipat-lipat ang tingin niya sa mga kasamang lalaki habang yakap ang maliit na bag na naglalaman ng ilang pirasong lumang damit. Hindi iyon naikaila sa ginang na nasa unahan ng upuan. Gumuhit sa mga labi nito ang isang tuso at mapanganib na ngiti. Kapahamakan ang malinaw na kasasadlakan ng dalaga. Isang dalagang probinsiya. Isang binatang ex-convict. Isang pusakal na magnanakaw. Tatlo sa iisang bahay. Isang lihim, sa silong ni Kaka. Ang kuwentong ito ay hinirang na INSTANT ADDICTION WINNER sa writing contest.
like
bc
My Part time Husband
Updated at Aug 1, 2019, 03:00
Pumayag si Renata aka Rennie dela Cruz sa pakiusap ng kaibigang pansamantalang mag-board sa kanyang bahay ang kaibigan nitong si Lennie. Dahil talaga namang kailangan niya ng boarder para may mapagkukunan ng ekstrang kita ay agad siyang pumayag. Laking gulat niya nang makitang lalake pala ang Lennie na titira sa bahay niya! Isang lalaking kabaligtaran ng ugaling mayroon siya. Ngunit hindi niya ito nagawang paalisin nang bigla siyang ipatawag ng istrikto at makalumang lola. Paano niya ipaliliwanag ang pagiging single mom? Lalo siyang iinsultuhin at pagtatawanan ng mga kapatid sa ama. Magdadahilan sana siya at hindi na lang sisiputin ang agwela ngunit nabuko na ng mga step sisters niya ang tungkol sa kanyang anak. Mabuti na lang at naroon sa bahay niya si Lennie kaya naisip niyang kunin ang serbisyo nito upang magkunwaring asawa niya. Makatulong naman kaya ang lalake sa problema niya? O, ito mismo ang maging piiiinaka malaking problema?
like
bc
SUMPA NG CANDELABRA (Tagalog)
Updated at Jul 20, 2019, 06:00
Ukay-ukay shop. Dito matatagpuan ang iba't ibang paninda na bagama't hindi na bago ay mukhang bago pa rin. Mga damit, bag, sapatos, boots, kobre kama, kumot, comforter, twalya, pati mga boxer shorts, briefs, panties at bra ay mabibili. Mayroon namang mga gamit ang paninda. Aparador, stroller, crib, mga gamit sa pagluluto, pinggan at baso, helmet, bola, kama, sala set, ref, salamin, gadgets, accessories at marami pang iba. Mga segunda manong mga bagay na kaya ng bulsa. Swak na sa budget, imported pa! Bibilhin mo pa kaya kung malalaman mo, na ang nabili mo ay may lihim pala? Matutupad ang hiling sa misteryosong candelabrang kandila ay may sindi. Sundin lang ang bilin ng matandang lalaki upang 'di ka magsisi.
like
bc
BAKANTENG NITSO 3- Adang Kuba (Tagalog)
Updated at Jul 19, 2019, 09:00
Nakahanda na naman ang lalaking may dilaw na mata upang muling kumalap ng mga kaluluwang ihahagis sa dagat- dagatang apoy. "Bwahahaha! Magaling Alister. Sunduin mo silang lahat at ihandog sa aking paanan!" Humahalakhak na utos ng hari ng kadiliman. "Masusunod, aking panginoon." Isang babaeng nagtataglay ng 'di kaaya-ayang itsura at isang binatang pipi ang susubukang tuksuhin ng diablo. Magtagumpay kaya ang lalaking may dilaw na mata laban sa kanilang busilak na pagtitinginan? Samahan n'yo akong tunghayan ang kanilang kasaysayan.
like
bc
Kaluluwang Ligaw (Tagalog)
Updated at Jul 17, 2019, 04:00
Isang pampublikong bus ang bumabaybay sa makitid na kalsada ng Kennon Road papanhik ng Baguio. Marami sa mga pasaherong sakay ay pansamantalang nakaidlip habang ang iba naman ay nalilibang sa pagtanaw sa magagandang tanawing nadaraanan. Papaliko na ang bus nang matuklasan ng driver na hindi gumagana ang tinatapakang preno. Nagtilian ang mga pasahero nang walang ano-ano’y tumagilid ang sinasakyan nila. Nagitla si Milagros, bahagyang naibuka ang bibig subalit walang nanulas ni katiting na tinig. Nasaksihan ng kanyang dalawang mata ang pagbulusok nila sa matarik na bangin. Hanggang sa makita niya ang sarili... nakahandusay at duguan. Patay na ba siya? Sino ang lalaking biglang sumulpot mula sa nakasisilaw na liwanag? May butas ang magkabila nitong palad!
like
bc
MKNA2- Bebang Pantasya (Tagalog)
Updated at Jul 16, 2019, 05:00
Ang kwento natin ngayon ay tungkol sa isang dalagang ginagawang bida ang sarili habang nangangarap nang gising. Sa mundo ng pantasya, nangyayari ang lahat ng kanyang nais. Natutupad ang kanyang mga pangarap maging napaka imposible man. Hanggang dumating ang isang pangyayaring nagpalito sa kanyang isipan. Naglalakbay siya sa kanyang pangarap. At sa tuwing magigising, ramdam niya ang pagod at matinding kaba. Ang nakapagtataka... pare-pareho ang panaginip niya; isang mahabang daan na tila walang katapusan ang kanyang tinatahak. Natatakot siya, subalit may bumubulong sa kanya at nagsasabing magpatuloy. Binubuyo siyang alamin ang hangganan, upang malaman kung ano ang doo'y matatagpuan. Totoo ba ang nakita niya, o bunga lamang ng imahinasyong maaaring mauwi sa bangungot? Halina at sama-sama nating tuklasin ang lihim ng kanyang pagkatao... Fantasy/Romance/Comedy
like
bc
Paglalakbay (Tagalog)
Updated at Jul 14, 2019, 04:03
Bata pa lang si Adela ay mulat na siya sa pagiging ate sa tatlong nakababatang kapatid. Matalino siya at madiskarte sa buhay. Katuwang ng kanyang inang si Onor at matapang na tagapagtanggol ng mga kapatid. Sipag at tiyaga, pagtitiis at pagpupursigi ang mga sangkap na gagamitin niya upang makamit ang mga pangarap na mismong ama ang nagiging sagabal. May pag-asa pa ba kung ang iresponsableng ama ang nagdudulot ng pasakit at pagdurusa? Tunghayan po natin ang kuwento ng kanyang buhay, na maaaring kuwento rin ng iba sa atin. Maiyak, mangiti; masaktan, kiligin; bumagsak, bumangon; mabigo, magtagumpay at magpatuloy sa PAGLALAKBAY sa buhay.
like
bc
MKNA1- Ang Writer (Tagalog)
Updated at Jul 8, 2019, 04:00
Alamin ang kwento ng magkaibigang lumaki sa kalsada.Nagtulungan at naging sandalan ang isa't isa. Magkasama sa hirap man o ginhawa, at sabay nangarap maging sikat na manunulat. Isang hiwaga ang kanilang natuklasan nang may makapagsabing sa sikretong lugar na iyon; sa pagitan ng malalaking ugat ng mahiwagang puno... ang kababalaghan ay nagaganap. Magkasama nilang tinungo ang gubat at sa puno ay nag-alay. Sapagkat ayon sa nakausap, kapag tinanggap iyon ng mahiwagang nilalang... ang hihilingin nila ay matutupad. Dalawang magkaibigan. Dalawang kahilingan. Isang mahiwagang puno, sa pusod ng gubat. Kaninong alay ang tinanggap ng nilalang na doo'y naninirahan?
like
bc
BAKANTENG NITSO 2- Kasunduan (Tagalog)
Updated at Jun 22, 2019, 06:00
"Bwahahaha!" umiekong halakhak ng hari ng kadiliman. "Magaling, aking kampon! Ipagpatuloy mo ang pangangalap ng mga kaluluwang makakasama natin dito sa impyerno. Ibigay mo ang anumang nanaisin nila. Kayamanan, kapangyarihan, kasikatan, kagandahan, kabataan at lahat ng gusto pa nilang makamtan at matamasa bago ko kunin ang kanilang mga kaluluwa!" At muling humalakhak ang lalaking nakaupo sa kanyang trono. Ano ang magiging kaugnayan ng kampon nitong may dilaw na mata sa mayamang si Ismael at sa maybahay nitong si Josefina? Sino sina Isagani at Josephine? Magtagumpay kaya ang diablo na maisama sa impyerno ang kanilang mga kaluluwa? Muli nyo akong samahang tuklasin ang kanilang kahahantungan.
like
bc
ANNA MARGA RITA (Tagalog)
Updated at Jun 22, 2019, 03:00
"Tama na Marga! Nakikiusap ako sa'yo, itigil mo na ang lahat ng ito!" umiiyak na pakiusap ni Anna. "Itigil?! Isa kang ipokrita, Ate! Alam mo sa iyong sarili na ito ang gusto nating mangyari!" Galit na galit na sigaw ni Marga. Si Rita naman ay nasa sulok lamang at walang patid sa pag-iyak habang ang dalawang palad ay nakatakip sa magkabilang tainga. "Magbabayad silang lahat! Hindi ako makapapayag na sila ay masaya habang tayo ay patuloy na nagdurusa! Papatayin ko silang lahat! Papatayin ko silang lahaaaaat!" Muling sigaw ni Marga na sinabayan ng matinis na halakhak. Umaagos ang luha sa mga matang nanlilisik sa tindi ng poot at pagkasuklam. Magkakapatid na magkakamukha, subalit magkakaiba ang ugali at paniniwala. Ano ang pinag-ugatan ng labis na galit ni Marga? Mapipigilan pa ba siya ng dalawang kapatid? Saan hahantong ang lahat?
like
bc
KAMBAL NA BAGWIS (Tagalog)
Updated at Jun 19, 2019, 04:00
Dalawang sanggol na may pakpak ang magkasunod na isinilang sa kalaliman ng gabi! Ang isa sa sanggol ay may buhok na kulay mais at animo ginto. Mala-sutla ang kutis at ang mukha ay napakaamo. Habang ang isa naman ay kulot ang buhok na nakadikit sa anit at ang kulay ng balat ay kasing dilim ng gabi. Ano ang kapalarang naghihintay sa magkapatid..... sa KAMBAL NA BAGWIS...
like
bc
ANG BAHAY NG LAGIM (Tagalog)
Updated at May 31, 2019, 06:00
Sa tuwing nalalapit ang pagdiriwang ng mahal na araw sa San Ronquillo ay hindi na mapakali ang mga naninirahan dito. Pinaniniwalaang muli na namang makikita ang isang bahay kastila sa pusod ng kagubatang malapit sa kanila. Muli na naman silang makaririnig ng nakakikilabot na panaghoy sa hatinggabi... na nagmumula sa tinatawag nilang bahay ng Lagim! At sa pagsapit ng Biyernes Santo kung saan patay raw ang Diyos ay muling magaganap ang isang malagim na kamatayan para sa mga darayo rito. Sina Aldo, Josh, Butsoy, Reynalyn at Milen ang magkakabarkadang mapupunta sa baryong ito. Ang NOON at NGAYON ay pagtatagpuin sa isang pagkakataon; sa malagim na sitwasyon. Totoo nga kaya ang kuwento tungkol sa Bahay Kastila?
like
bc
BABAENG MENTAL (Tagalog)
Updated at May 25, 2019, 02:00
Isang malagim na gabi ang nasaksihan ng walong taong gulang na paslit sa loob ng sariling tahanan; sa ng silid ng mga magulang. Sa loob ng dresser, nakikita niya at naririnig ang pagsigaw ng kanyang Daddy, ng Mommy, ng Ate at Kuya; umiiyak, nakikiusap at nagmamakaawa. May mga monster! Pinilit niyang gisingin ang sarili sa inaakalang bangungot na nangyayari, ngunit nabigo siya. Totoo ang lahat at hindi panaginip! Apat na kakaibang tunog ang kanyang narinig; tunog na hinding-hindi niya malilimutan, ganoon din ang mukha ng anim na halimaw. Uno, Dos, Tres, Kwatro, Singko at Boss... pangalan ng monsters na hahanapin niya kapag may super powers na siya; kapag malakas na, at kaya nang lumaban. Binagtas niya ang kahabaan ng kalsada. Hindi alintana ang dilim ng gabi; ang lamig na nanunuot sa kanyang murang katawan dulot nang malakas na pagbuhos ng ulan at hampas ng hangin. Kailangan niyang makatakas! Hanggang mapadpad siya sa lugar na ni sa panaginip ay hindi niya akalaing mapupuntahan. Magiging malakas siya, matibay at palaban. Hahanapin niya ang mga monsters at sisingilin sa malaking pagkakautang sa kanya! Sina Bibeng at Digong, Tiklo at Puyo, ang mga taong magpapalaki sa kanya. Ano ang kapalarang naghihintay sa isang paslit? Malampasan kaya niya ang mga pagsubok na nakatakdang harapin? Copyright © ajeomma All Rights Reserved
like
bc
BAKANTENG NITSO (Tagalog)
Updated at May 23, 2019, 06:00
Si Domeng ay isang sepulturero. Siya na rin ang ginawang tagapagbantay sa sementeryong malapit sa kinatitirikan ng maliit niyang bahay. Dahil sa mga patay kaya nagagawa niyang buhayin ang kanyang pamilya. Maliit man ang kanyang kinikita ay hindi naman sila sumasala sa oras. Kahit paano ay nagagawa pa niyang makapagtabi para sa pangangailangan ng nag-iisang anak. Subalit, ang gusto ng kanyang asawa ay maginhawang buhay. Mahal niya ito kaya naman kung ano ang nais ay gusto niyang maibigay. Ngunit... paano? Ano ang kanyang gagawin upang mapagbigyan ito sa hinihiling? Matulungan kaya siya ni Alister- ang lalaking may dilaw na mata? Ano ang hiwaga sa loob ng Bakanteng Nitso? Matakasan kaya niya ang malagim na magaganap?
like
bc
LADY PSYCHIC (Tagalog)
Updated at Apr 30, 2019, 05:00
Anak ng isang pekeng psychic si Virginia. Lingid sa kaalaman ng mga dumarayo sa kanila na ang ginagawa ng kanyang ina ay isang mahusay na palabas lamang. Ang nanay niya ay fake. Ngunit siya ay hindi! Hindi niya lamang binibigyang pansin ang angking kakayanan at lalong hindi ito alam ng kanyang ina. Paano kung ang ipinagwawalang bahala niyang galing at kakayanan ay matuklasan ng isang tunay na Psychic? Paano kung matutunan na niya itong gamitin? Papayag ba siyang maging sunud-sunuran sa inang gahaman sa salapi at kapangyarihan? O, maging kasangkapan ng kabutihan at katarungan? Magagawa ba niyang patahanin ang mga, lumuluhang kaluluwa?
like