Story By @IsaiahRoberts
author-avatar

@IsaiahRoberts

ABOUTquote
“The best time to plan a book is while you’re doing the dishes.” – Agatha Christie Hi! I’m an aspiring writer who randomly dreams up love stories—usually while doing chores or trying to sleep. Most of my stories come from sudden ideas, and I decided to share them here to keep them alive. Expect romance, drama, and characters with big feelings and bigger hearts. I’m just here to tell stories I love—no pressure, just passion. Thanks for reading, and I hope you enjoy the journey! 💕
bc
His First Love
Updated at Sep 19, 2025, 18:36
Si Leanne Faith Dela Cuesta ay isang matalino, mabait, at responsable na dalaga—Class President sa isa sa pinakaprestihiyosong paaralan sa bansa. Kilala siya sa pagiging perpekto: mahusay sa academics, maayos makitungo, at galing sa isang respetadong pamilya. Pero sa likod ng maamong ngiti niya, ay isang masakit na alaala na pilit niyang tinatakasan—ang trahedyang kinitil ang buhay ng kanyang pinakamamahal na lolo, na siya mismo ang itinuturong dahilan. Simula noon, dala niya ang bigat ng guilt na hindi niya maipahayag kahit kanino. Sa pagbubukas ng bagong school year, dumating ang isang lalaking tahimik pero matalim ang tingin—Sebastian Dale Rodriguez, Vice President ng kanilang klase. Galing siya sa kilalang pamilyang Rodriguez, isang angkan na mayaman at makapangyarihan. Pero sa likod ng yaman at impluwensyang taglay niya, may baon din siyang lungkot. Nawalan siya ng mga magulang sa isang aksidente, at lumaki sa pangangalaga ng kanyang lolo na si Don Mariano Rodriguez. Sanay siyang mag-isa, at hindi marunong magpakita ng damdamin—hanggang sa makilala niya si Leanne. Sa simula, madalas silang magbanggaan. Magkaiba kasi ang kanilang istilo ng pamumuno—si Leanne ay organisado at traditional, samantalang si Sebastian ay tahimik pero palaban. Ngunit habang nagkakasama sila sa iba’t ibang class activities, school events, at council meetings, unti-unting nababasag ang mga pader sa pagitan nila. Mula sa pag-aaway, naging pagtutulungan. Mula sa pagtutulungan, naging pagkakaibigan. Hanggang sa hindi nila namalayang… pag-ibig na pala ang unti-unting umuusbong. Ngunit sa gitna ng masayang simula ng kanilang relasyon, isang matagal nang nakabaong sikreto sa pagitan ng kanilang mga pamilya ang biglang lumitaw—isang sikreto na maaaring magpabago sa lahat. Noong kabataan ng kanilang mga lolo at lola, nagkaroon ng pag-iibigan sina Merideth Dela Cuesta at Mariano Rodriguez—isang relasyong tinutulan ng pamilya ni Mariano dahil sa pagkakaiba ng kanilang estado sa buhay. Nabuntis si Merideth, ngunit napilitang iwan ni Mariano ang pag-ibig niya at pakasalan ang babaeng pinili ng kanyang pamilya. Pinalaking anak ni Juanito Ferdinand Dela Cuesta ang sanggol na si John Davide—ang ama ni Leanne. At nang lumabas ang katotohanan, nalaman nina Leanne at Sebastian na magpinsan pala sila. Ang dating matamis na pagmamahalan ay biglang naging bawal. Sa isang iglap, nagdulot ang katotohanan ng sakit, kalituhan, at pangamba. Paano kung ang taong iniibig mo ay hindi pala para sa'yo? Paano kung ang tadhana, na minsang naging daan sa inyong pagkikita, ay siya ring sisira sa inyong pagmamahalan? Tuloy pa ba ang laban ng puso, kung mismong dugo ang hadlang? Habang ang kanilang damdamin ay sinusubok ng mga rebelasyon, kailangan nilang mamili: susundin ba nila ang dikta ng puso, o ang katotohanang hindi nila pwedeng balewalain? “His First Love” ay isang kwento ng unang pag-ibig, masakit na katotohanan, at mga desisyong sinusukat hindi lang ng damdamin kundi ng prinsipyo. Sa bawat pahina, makikita mo ang laban ng pag-ibig at kapalaran, ang bigat ng pamilya at lihim, at ang tanong na: Kung kayo nga ang itinakda para sa isa’t isa, sapat ba iyon para ipaglaban ang bawal na pagmamahal?
like
bc
Miss Move On Meets Mr. Arranged
Updated at Aug 19, 2025, 11:09
Zenobia thought she buried her heart with Xavy—the love of her life who left too soon. To escape the pain, she fled to the States, built a new life, and tried her best to forget. But years later, when her mom calls her back to the Philippines for yet another arranged marriage, Zenobia agrees—bored, jaded, and very much uninterested in love. That is, until she plays the piano at a familiar restaurant... and catches the attention of Jared King, the charming heir to the Kings Group of Companies. He doesn’t believe in arranged marriages either—until he finds out his mystery pianist is the very woman he's being forced to marry. Now stuck between a tragic past and an awkwardly romantic present, Zenobia must decide: will she continue running from her memories, or take a chance on the one man who’s crazy enough to marry Miss Move On herself?
like