Story By SMV1997
author-avatar

SMV1997

bc
Moon Eyes
Updated at May 20, 2026, 07:15
Nakatitig ako sa itim niyang gitara. May stars at moon ang design. Pamilyar. Hindi ko lang maalala kung saan ko nakita. Akmang hahawakan ko nang bumagsak ang pinto. Patay. Si Lily?_ Pero hindi si Lily. “Interesting,”_ mahinahon niyang sabi. Naka-sandal sa saradong pinto, may lollipop sa bibig. Naka-suit. Matangkad. Chiseled jaw. Brown eyes na parang… minsan ko nang nakita. Di ko namalayan na nakatulala ako...Tinanggal niya ang lollipop. _“Enjoying the view?”_ “At anong ginagawa ng isang magandang babae sa loob ng kwarto ko?”_ Papalapit siya. Dug. Dug. “Ah k-kasi… I w-was j-just—”_ Nauutal ako. Pinagpapawisan. Para niya akong hinuhubaran sa tingin. Hakbang papalapit...ako naman hakbang paatras.Isa....dalawa.... Hanggang sa lumapat ang likod ko sa pader. Cornered. “You should be punished,”_ smirk niya. Inches nalang ang pagitan namin. Amoy ko ang citrus-scent na pabango niya. Biglang kumirot ang dibdib ko. Bakit pamilyar ang amoy na ‘to? Bakit parang gusto kong umiyak? "Envading some privacy huh"“Itong lollipop… or hahalikan kita. Choose your punishment, little kitten?”_ Ang mga mata niya...saan ko nga ba to' nakita?‎Danger_ sigaw ng utak ko. Pero palipat-lipat ang tingin ko sa mga mata niya patungo sa labi niya...‎‎“Y-yung lollipop nalang sigur—”_ ‎‎Pero labi niya ang naramdaman ko. Mainit. Matamis. Pamilyar.‎‎Parang nablangko ang mundo ko. At sa isang iglap, may mga masasaya at malungkot memorya na bumalik… ‎‎Mga alaala ng unang pagkikita hanggang sa huling paalam...‎‎Iyak...ulan ...at kotseng rumaragasa...at pagtawag ko sa pangalan ng di ko maalalang tao...‎‎Pero hindi ko makita ang mukha ng lalaki sa alaala ko.‎‎ Lumalabo ang paningin ko, at may naramdaman akong maiinit na likodo sa pisngi ko...luha ko na pala...*Drama. Romance. CEO x Amnesia. Forgiveness.* _“Araw-araw kitang nakakalimutan. Pero ang puso ko, naalala ka sa pamagitan ng buwan.”_
like