First RomanceUpdated at Feb 5, 2025, 18:13
Ysabella Marie Buena is undeniably in love with Aiden Holganza, her childhood best friend. And after years of being in love with him, she finally decided to confess her feelings for him. Nang araw na sana ay magtatapat na siya dito sa totoong nararamdaman niya, nalaman naman niyang may girlfriend na pala ito. Parang binagsakan siya ng langit at lupa. Ang lalaking tanging minahal niya ay may mahal na palang iba. Pero dahil mas higit pa ang pagmamahal niya para dito kaysa sa kaligayahan niya, pinilit niyang tanggapin nang buo ang katotohanang hindi siya nito mahal sa paraan na gusto niya. But even after years have gone by, hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal niya dito. Aiden remained to be his first and only love. Ngunit nakilala niya si Jace Veloso, ang lalaking sumalo sa kanyang pagkabigo. He came so unexpectedly na hindi niya namamalayang lumipat na pala dito ang pagmamahal niya. Is she willing to accept this new love she discovered for this man when she hasn’t even moved on from her first heartbreak?