Love in SadnessUpdated at Jul 23, 2024, 01:13
Ginagawa ng binatang si Tiago ang lahat upang maitaguyod sa kahirapan ang kanyang pamilya, simple lamang ang pangarap ng binata, iyon ay ang maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya, kahit na mahirap ay nag sisikap siya upang tuparin ang kanyang pangarap, ang lahat ng klase ng trabaho ay kanyang pinapasok upang kumita ng pera at maipang tustos sa kanyang pag aaral at ganun din sa kanyang kapatid, kahit na mahirap ang buhay ng pamilya ni Tiago sa kanilang bukid ay hindi alintana nito ang masaya nilang pamilya na talaga naman mahal ang isa't isa. Hanggang sa makilala niya ang dalagang si Madison na anak ng isang mayamang pamilya, hindi sinasadya na nahulog ang loob nila sa isa't isa ngunit hindi maiiwasan ang mga hadlang sa kanilang dalawa, hanggang saan ba kayang ipaglaban ni Tiago si Madison kung maging ang kanyang minamahal na pamilya ay nasasaktan dahil sa pagmamahalan nila..