Story By MISS C
author-avatar

MISS C

ABOUTquote
Hi! I\'m Miss C, a 16 years old aspiring writer from Pampanga! Hope to communicate with you all through my stories!♥️
bc
Complicated Love
Updated at Mar 30, 2021, 22:46
Naranasan mo na bang mahulog sa taong malapit sa'yo? Maling oras. Maling pag-ibig. Maling panahon. Maling tao. 'Yan ang nangyari sa dalagang si Freya noon. Nahulog siya sa kaniyang kababata at dahil sa pagmamahal na nararamdaman, hindi na nito napigilan ang sarili at inamin sa binata ang nararamdaman. Pero ang inaasahang sagot ng dalaga ay salungat sa nararamdaman ng binata kaya iniwan siya nitong mag-isa. Dahil doon, natakot ng makipagkaibigan ulit ang dalaga. Ngunit isang araw, kinailangan nilang lumipat ng tirahan. Wala siyang nagawa ng ienroll siya ng kaniyang mga magulang sa sikat na unibersidad sa manila. Doon ay makakakilala siya ng isang grupo ng magkakaibigang babago sa tahimik niyang buhay. Hindi inaasahan, makakakilala rin siya ng binatang muling makakapagpatibok ng kaniyang puso. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil sa skwehalang din 'yon ay muling magkukrus ang landas nila ng kaniyang kababata. Paano kung bigla itong may aminin sa dalaga na makakapagpagulo sa puso't isipan niya? Sino ang pipiliin niya? Ang binatang ngayo'y itinitibok na ng kaniyang puso o ang binatang minsan ng nakapagpatibok nito?
like
bc
Mafia Academy
Updated at Mar 29, 2021, 02:20
Zaraiyah Lopez, isang maganda, at matalinong dalaga. Ngunit sa likod ng kanyang maamong mukha, at mapupungay na mga kulay rosas na mata, nagtatago ang isang delikado at misteryosong dalaga. Isa si Zaraiyah sa mga miyembro ng Lopez Clan o mas kilala sa Underground Society bilang Lopez Mafia, Isa sa mga pinakamalakas at kinakatakutang Mafia sa Underground Society. Ngunit dahil sa isang misyon na ibinigay sa kaniya ng kaniyang ama, kinailangan niyang pumasok sa isang eskwelahan, at iyon ay ang 'Mafia Academy'. Mafioso, Gangster, Anak ng politiko, at Mayayaman ang mga nag-aaral rito. Ngunit dito rin sa nakakatakot at delikadong skwelahan rin makikilala ni Zaraiyah ang mga taong mapapalapit at magpapatibok ng kaniyang puso. Betrayal. Friendship. Killings. Love. Ano ang mangingibabaw?
like