Story By Dharlene Castro
author-avatar

Dharlene Castro

bc
Ang Huling awit ng bahaghari station
Updated at Dec 21, 2025, 00:25
Sa lungsod ng Lumina, may isang lumang estasyon ng tren na hindi na pinapansin ng tao—Bahaghari Station. Ayon sa alamat, tuwing exact 3:03 AM, may tumatambad na tren na walang drayber at sakay na puro anino. Hindi ito nakalista sa anumang transit system.Isang umaga, biglang nawala ang kapatid ni Mira, isang honor student na member ng school journalism team. Huli itong nakita sa Bahaghari Station, may hawak na recorder, paulit-ulit sinasabi:“May awit na hindi ipinapadinig sa araw. Kapag narinig mo, huwag sasagot.”Nag-imbestiga si Mira at natuklasan na bawat taong nawawala sa lungsod ay nagkaroon ng koneksyon sa isang kanta na nagpapakita lamang sa playlist ng ilang random phones—isang audio file na walang title at hindi ma-delete. Ang nakakatakot: kahit offline, bigla itong magpi-play ng sarili.Habang lumalalim ang imbestigasyon, nadiskubre ni Mira na ang tren, ang kanta, at ang estasyon ay bahagi ng isang nakalimutang eksperimento sa tunog mula 20 taon ang nakalipas—isa raw nitong kayang “magbura ng presensya” ng isang tao.At ngayong dumarami ang misteryosong pagkawala, napagtanto ni Mira na hindi niya lang hinahanap ang kapatid niya…Hinahabol din siya ng awit na iyon.
like