Sana Ikaw ay Maging AkinUpdated at Feb 20, 2022, 23:18
âPumunta ka ulit sa apartment ni Carlo at may papakuha akong files dahil mukhang âdi nanaman papasok yung lalaking âyon. Tinatawagan ko na pero âdi sumasagot. May kailangan sâyang ipasa na urgent at Ikaw lang ang nakakaalam ng apartment nâya. In return âdi na kita lalagyan ng late sa record mo.â
âHwag na po ako Maâam, please! Ang sungit po ânonâ
âOn the way ka na rin âdi ba? Hwag nang maraming tanong. Pumunta ka na agad kung ayaw
mong mapagalitan ng Head natin.â
âHay, ayoko pa naman sanang pumunta doon at baka magalit nanaman yung masungit na âyon.Tsaka, ok na kami na walang communication sa isaât-isa,â sabi ko sa sarili na naiinis sa sitwasyon.
Pero napilitan na rin akong pumunta sa apartment ni Carlo para mabawi ang late ko at para magkaroon ng malaking chance na ma-regular ako sa work kung wala akong late record. Pagdating ay kumatok ako sa pinto ng apartment at binuksan nâya naman agad ito.
Nakatapis nanaman sâya at bagong paligo pa lang. Nakita ko nanaman ang abs nya at firm na ma-muscle nâyang braso.
âAyoko ng makita ang mga bagay na ito,â bulong ko sa sarili.
âBakit nandito ka nanaman? Stalker ka ba? Sabi ko na hwag ka nang pupunta dito âdi ba?â pagsusungit nâya nanaman.
Kung pumasok ka ng maaga, hindi sana ako pupunta dito. May pinapakuha lang si Maâam na files kaya bigay mo na sa akin. Bilis!â pagsusungit ko din.
âSige na, pumasok ka muna,â anyaya nâya.
âHindi na. ibigay mo na yung file para makaalis na agad ako,â pagtanggi ko na pumasok sa loob ng apartment.
âKung ayaw mo hwag. Bahala kang mainitan dyan sa labas.â sabay pasok nâya sa loob ng bahay pero iniwan nâya ang pintong nakabukas kaya pumasok na rin ako dahil maaraw sa kinatatayuan ko.
âWala ka namam palang sakit. Dapat tumawag ka sa office na mala-late ka lang,â panenermon ko sa kanya habang papunta ako sa study table niya.
âSino ba may sabing may sakit ako? Na-late lang ako ng gising, pumunta ka na agad. Nasasanay ka ng pumupunta mag-isa dito. âDi ka ba nahihiya?â pang-iinis nanaman nâya habang hinaharang ako at di makalapit sa table niya
Excuse me! Ang kapal mo. Oo, nakakahiya talaga at nahihiya ako sa sarili ko kung bakit pinapatulan pa kita. Eh, di ka naman worth na kausapin tsaka, para sabihin ko sa âyo na pag-utusan lang ako. Akala mo ba na gusto kong pumunta dito?â âdi ko maiwasang talakan sâya dahil sa mga sinabi nâya.
âBaka nga. Baka gusto mo lang akong makita,â pang aasar nâya pa.
âBakit ko naman gugustuhing makita ka? Sino ka ba at nakakainis ka kaya. Padaanin mo kaya ako para makuha ko ng yung files,â sagot ko naman.
âTalaga ba,â sabay lapit ng mukha nâya sa mukha ko.
Itinulak ko naman sâya papalayo sa akin.
Sabay sabi ko na,â Ano ba yan? Basa. Ewww. Magbihis ka na nga at mahiya ka naman sa akin.â
âAng arte gusto rin naman. Ano ba âyang dala mo? Para sa akin ba âyan?â usisa nâya sa dala kong snacks.
âHinde âno, pabili lang âto.. Ang tagal mo, ibigay mo na kasi,â pang aatat ko sa kanya.
âAkala ko para sa akin yan kasi baka hinde pa ako kumakain katulad nung last na punta mo at baka bumalik ka pa dito mamaya,â patuloy na pang-iinis nâya.
âWala akong pake sa âyo kung magutom ka. Magpasundo ka na lang sa ibang babae kung gusto mong kumain. Alam mo nagtatagal tayo at mapapagalitan na ako tsaka ayaw mo naman ng mga bigay ko âdi ba?â paalala ko, sabay taas ng isang kilay ko.
âAhh yung cake ba? âDi kasi ako mahilig sa sweets, sorry ha. Tsaka nagselos ka ba nang may kasama akong ibang babae?â sarcastic na pag-sosorry nâya.
âSelos? Bakit? Kung ayaw mo naman pala ng sweets, eh âdi hwag ka ng mag-expect. Ano, matagal ka pa? Magbihis ka nga.â sasabog na talaga ako sa pagkabwisit sa kanya. Ang galing nâya talaga sa pang-iinis sa akin.
âHeto na nga magbibihis na. Ang daldal mo kasi at ang selosa mo. Intayin mo na ako,â paninisi nâya pa sa akin.
âAko? Ibigay mo na kasi at kailangan na daw yung files at para makaalis na ko,â pangungulit ko sa kanya.
Hindi nâya inintindi ang sinabi ko at nagpatuloy lang sâya sa pagbibihis at ayaw nâyang ibigay ang files na hinihingi ko. Hinanap ko sa drawer niya ngunit wala ang files.
Pagkatapos nâya magbihis,
âAno na, Carlo?â pagmamadali ko sa kanya.
âTara na nga. Sumabay ka na sa akin para âdi ka mapagalitan,â sabi nâya.
âAlangan naman na magpaiwan ako dito âdi ba.â
Akala ko ay sasakay kami ng taxi ngunit bigla sâyang sumakay sa isang motor at pinaaangkas nâya ako dito. Nag-alangan pa ako nung una pero ayoko na ring magtagal pa sa byahe at sumakay sa mahal na taxi. Sumakay na rin ako at iniilagay nâya ang mga kamay ko sa bewang nâya.
âKumapit kang maigi at baka mahulog ka.â
Binibilisan nâya ang patakbo sa motor para kumapit pa ako ng mahigpit sa bewang nâya. Takot din naman akong mahulog kaya no choice ako sa pagkapit sa kanya. Napapatili na lang ako minsan kapag sumisingit sâya sa mga sasakyan sabay hampas sa balikat nâya.
âHwag ka nang magmadali at late na rin naman tayo,â sigaw ko para marinig niya.
âAno?â sabi niya.
âHwag mong bilisan, damuho ka!â naiinis na sabi ko