Story By Rise
author-avatar

Rise

bc
Kapalarang Naka-Capture
Updated at Aug 11, 2025, 21:02
Mariana, isang dalagang lumaking puno ng pangarap, ay napilitan pumasok sa kakaibang trabaho bilang content creator sa Only UFans para matustusan ang pagpapagamot ng kanyang ina at ang pang-araw-araw na pangangailangan. Sa likod ng kanyang mga ngiti sa harap ng kamera, nakatago ang bigat ng utang, takot sa kinabukasan, at pangungutya ng ilan sa paligid niya. Isang araw, dumating sa buhay niya si Leonardo Rocha AKA mysterious42 —isang billonaryong negosyante na misteryosong nag-alok ng tulong sa kanya. Tahimik ngunit matatag, sinimulan nitong ayusin ang magulong mundo ni Mariana, bayad sa ospital, upa sa bahay, at ilang lihim na pangangailangan na ayaw niyang ipaalam sa kahit kanino. Unti-unti, nahulog ang loob ni Mariana kay Leonardo, hindi lang dahil sa tulong nito, kundi sa paraan ng pag-intindi at pagprotekta niya sa kanya. Ngunit hindi niya alam, si Leonardo pala ang pinakamalaking tagahanga niya sa Only UFans—ang laging nasa top ng listahan ng kanyang subscribers, ang taong matagal nang nakamasid at lihim na sumusuporta sa kanya mula sa dilim. Hanggang kailan maitataago ni Leonardo ang lihim na ito? At kapag nalaman ni Mariana ang totoo, magiging dahilan ba ito para masira ang nabubuong pagmamahalan, o ito ang magbubukas ng bagong yugto ng kanilang buhay?
like