Second ChanceUpdated at Mar 27, 2022, 19:07
Ang kwentong ito ay patungkol sa isang babae na ilang beses na nasaktan pag dating sa pag-ibig.
Monique Alvarez Sandoval isang simpleng babae, mapagmahal hindi lang sa kaniyang pamilya kundi na rin sa mga taong naging malapit sa kanya at higit sa lahat ay mapagparaya. Pangalawa siya sa tatlong magkakapatid at nag iisang babae.
Matuturing na isang martyr pag dating sa kaibigan dahil para sa kanya marami siyang makikilala na lalaki pero ang tunay na kaibigan ay bihira lang dumating sa buhay kaya hanggat maaari ay pahalagahan ito.
Pero paano kung yung kaibigan na pinapahalagahan mo ay siya rin ang sisira ng inyong pagkakaibigan?
Kaya mo bang iparaya ang taong minamahal mo para sa iyong matalik na kaibigan?
o ipaglalaban mo ang taong iyong minamahal kapalit ay pagkasira ng iyong pagkakaibigan?