Story By keity_cutie
author-avatar

keity_cutie

ABOUTquote
Hi! I'm keity_cutie, your aspiring writer. SIGNED WRITER AT: - STARY - GOODNOVEL - READOO - FAMEINK KEITY_CUTIE STORIES - FALLING FOR A BAD BOY [COMPLETED] - IN THE YEAR 2019 [COMPLETED] - TREACHERY FATE [ONGOING] - THE SERIES OF AFFAIR [ONGOING] - YVONNE, THE VENGEFUL WIFE [ONGOING] - NOBELA [EXCLUSIVE AND NON-EXCLUSIVE NOVELS WRITTEN BY KEITY_CUTIE] STORY RECOMMENDATION
bc
The Series of Affair
Updated at Jul 31, 2022, 00:49
BABALA: RATED SPG ANG NOBELANG ITO. Isang katulong ng mayamang pamilya si Josephine Alcantara ngunit nang ilang beses siyang pagtangkaang molestyahin ni Christopher Guevas na amo niyang lalaki ay pinalayas na siya ni Kylie Guevas na amo niya namang babae sa pag-aakalang kabit siya ng asawa nito. Nauwi sa pagiging bayarang babae si Josephine dahil sa hirap ng buhay at sa problemang kinakaharap. Ngunit isang gabi, muling nagtagpo ang landas nila ni Christopher at isa sa mga naging customer nito. Tinanggihan man niya si Christopher subalit wala na siyang nagawa nang bayaran na siya nito sa brothel keeper niya ng malaking halaga. Paano pa niya makakamit ang pinapangarap niyang hustisya kung muli siyang ginalaw ng lalaking minsang nambastos at sumira sa buhay niya? Paano pa siya lalaban kung minsan niyang hinayaang sakupin ng isang manyak ang katawan niya? Sa ano'ng pagwawakas magwawakas ang buhay niya na binabalot ng kasalanan at karumihan?
like
bc
Treachery Fate
Updated at Jun 27, 2022, 04:15
Kilala si Emily Delos Reyes bilang isang dalagang mahina at sakitin ngunit hindi niya inasahan na hanggang sa dulo'y sadyang paglalaruan ng mapaglarong tadhana ang kaniyang masalimuot na buhay. Mali mang ibigin ang sariling kapatid ngunit hindi niya nagawang pigilan ang sarili. Pinilit niyang ituon sa ibang bagay ang kaniyang atensyon ngunit paulit-ulit siyang ginugulo ng kaniyang isip at damdamin na si Gavin Fowler lamang ang tangi niyang iniibig na sarili niyang kapatid. Masama nga bang magmahal o masama lang na siya ang aking minahal?
like
bc
In The Year 2019
Updated at Apr 29, 2022, 23:39
Paano kung malaman mo na ang lalaking dapat ay pakakasalan mo ay ang ama ng batang dinadala ng kaibigan mo? Muli ka pa bang maniniwala sa true love o habang buhay mo nang isusumpa ang mga katagang, "Mahal kita, Dianna."? In The Year 2019, a romance novel written by @keity_cutie
like
bc
Falling For A Bad Boy
Updated at Jan 30, 2022, 07:50
Para sa isang babaeng pinaglaruan ng tadhana, pakiramdam niya’y wala ng pag-asa. Siya si Bianca Dela Fuentes na punong-puno nang kalungkutan sa kaniyang puso at para bang walang katapusan ang pagdurusa nito. Ngunit isang lalaki ang darating upang muling gumising at magpangiti sa kaniyang mga labi. Siya si Kevin Jacob Scott, ang matipong lalaking pinagkakaguluhan sa unibersidad na pinapasukan. Ang lalaking magbibigay buhay at kulay sa kaniyang masalimuot na buhay. Ngunit ang lalaking minamahal niya ay nakatakda na pa lang ikasal sa iba. Ang akala niya ay panahon naman upang maranasan niyang sumaya ngunit hindi pala iyon ang nakatakdang mangyari. Iiyak na lamang ba siya sa isang sulok habang ang minamahal niya ay pinapasaya na ng iba o ipaglalaban niya ito? Ngunit paano kung malaman niyang ang lalaking minamahal niya ay ang bunga nang pagtataksil ng kaniyang ama sa kanilang pamilya? Habang buhay na kalungkutan at pighating walang katapusan na lamang ba ang kaniyang tanging madarama? Paano pa siya lalaban kung hanggang sa dulo'y mawawala ang lahat sa kaniya at patuloy na magiging bangungot ang buhay niya? Kasabay pa nito ang unti-unting pagkadurog at pagkawala ng lahat ng lakas niya. Kung ikaw man siya, lalaban ka pa ba? Kakayanin mo ba? Kakayanin mo bang lumaban sa napaka-kumplikadong sitwasyon alang-alang sa iyong minamahal o gigisingin mo lamang ba ang iyong sariling hindi talaga kayo ang para sa isa’t isa?
like