Still Into YouUpdated at Apr 5, 2021, 06:47
Si Andrea yung babae na kapag nadaanan mo ang babalikan mo ng tingin. Mapula ang labi, matangos ang ilong, ang mga mata ay parang nangungusap. Matangkad at maputi. Kaya napaka-swerte ni Norman na maging girlfriend niya si Andrea. Hindi man kasing yaman ni Andrea si Norman, pero masasabi naman na maayos ang buhay. Isa ding Dean Lister si Andrea sa kanilang school sa kursong Accountancy. Kaya marami ang naiinggit kay Norman. Pero, dumating ang isang pagkakataon na nag-hiwalay ang dalawa. Isang pagka-kamali na magiging dahilan ng paglayo ni Andrea, at sa kanyang paglayo ang siyang magiging dahilan para makilala niya si Lance. Ngunit, paano kung kailan handa na niyang bigyan ng pagka-kataon si Lance at siya naman pag-babalik ni Norman sa buhay niya? Handa na ba siya patawarin si Norman o magsi-simula na muli ng buhay kasama si Lance?