THREE KINGS TRIANGLEUpdated at Feb 28, 2021, 10:08
- Kings ang tawag sa mga lalaking sobra ang angking ka-g'wapuhan sa kanilang school. Bagong lipat si Justin sa kanilang paaralan ng malaman n'ya ang sistema ng paaralan at ang tungkol sa king. Dahil sa kan'yang itsura ay isa s'ya sa tatlong napiling pagpilian para sa king title. Ang dalawa pang kasama ay sila JM at JP. Magkaibang-magkaiba ang personality ng dalawa pero pansin ni Justin na parang may kumpetisyon na nangyayari sa bawat pagsalubong ng paningin ng dalawa. Pinagsawang bahala n'ya nito noong una hanggang sa mapalapit s'ya sa dalawa. Napansin n'yang napakamasayahing tao ni JM. Sa tuwing magkasama silang dalawa, pansin n'yang tila ba parang may nakamasid at doon n'ya naman napansin si JP.
Isang araw, nasabi ni JM ang kan'yang nararamdaman kay Justin. Wala namang nasabing hindi maganda si Justin dahil pate s'ya at iba na rin ang pakiramdam kay JM sa puntong iyon naman sumingit si JP. Sa tuwing wala si JM at palaging dumidikit si JP sa kan'ya. Tila inaakit s'ya sa bawat kilos nito na hindi naman n'ya maikakailang epektibo ito sa kan'ya hanggang sa hindi n'ya na alam kung ano ang mararamdaman. Tela ba nahulog s'ya sa dalawa ng hindi n'ya namamalayan.
Pero nagulat na lang s'ya sa mga sumusunod na nalaman... S'ya ay parte lamang ng kompetisyon at sila JM at JP pala ay magkapatid sa ama! Ano nang gagawin ni Justin gayong kahit na anong nalaman n'ya ay hindi pa din mawala-wala ang umusbong na pagtingin nito sa dalawa. Sino ang mas matimbang? Paano n'ya haharapin ang lahat gayong marami pa s'yang sekretong malalaman mula sa dalawa?