Inakala ni Mae T. Liling na matagal nang patay ang lalaking kakambal niya pero sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkrus ang landas nila sa iisang university nung siya ay mag-transfer. Binigyan siya nito ng isang robot na sobrang cool na may super strength para protektahan siya, hindi lamang sa mga bullies kundi pati na rin sa adoptive parent nito na gustong kunin ang kaniyang puso. Pero sa kabila ng banta ng buhay niya, makuha pa kaya niyang ma-enjoy ang highschool life bilang sa katauhan ng kaniyang henyong kakambal?
Sino ang magtatagumpay na makuha ang nag-iisa nyang puso? Ang adoptive parent ba ng kakambal niya o ang sobrang pogi nyang robot?
Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog and English.
Marami sa atin ang nakakaranas ng iba't ibang klase ng abuso. Ang iba ay nasisiraan ng bait, ang iba ay nagpapakamatay at ang iba naman... ay nag-e-evolve sa isang klase ng nilalang na dapat mong katakutan. Narito na siya... ang iyong KARMA.
Disclaimer: This story is written in Taglish, a combination of Tagalog and English.
Isa siyang mahusay na artist pero dahil sa kaniyang kakaibang itsura ay palagi siyang nakakaranas ng pambu-bully hanggang sa dumating na nga ang araw na hindi nya na nakayanan ang lahat kaya naman pinagpasiyahan na lang niya na kitilin ang kaniyang buhay.Nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay nadiskubre niyang ipinanganak siyang muli ngunit hindi pa rin sumang-ayon ang kapalaran sa kaniya. Kung pangit na nga siya sa nakaraan niyang buhay ay mas pangit siya ngayon.