Story By kaiii
author-avatar

kaiii

bc
"The Billionaire's Secret Baby"
Updated at Apr 26, 2026, 23:13
CHAPTER 1 "You left me when I needed you the most." Umiiyak na tumingin si Sophia sa lalaking minahal niya nang sobra. Limang taon na ang nakalipas simula noong iniwan siya nito nang walang paalam. Akala niya tapos na ang lahat, akala niya makakalimutan na niya ito. Pero mali siya. Nandito siya ngayon sa harap niya, mas gwapo, mas makisig, at mas mayaman kaysa dati. Si Liam Montefalco, ang pinakamayamang CEO sa bansa. "Sophia..." Malalim at mababa ang boses nito. Para bang may kakaibang emosyon na nakatago sa mga mata nito. "Don't call my name!" Sigaw niya. "Saan ka napunta noong sinabi kong buntis ako? Iniwan mo ako! Iniwan mo kami!" Nanlaki ang mga mata ni Liam. "Buntis? Kami?" Tumalikod si Sophia at hinawakan ang kwintas na bigay nito. "Oo. At ngayon, limang taon na ang anak natin. Hindi mo na kailangang magpakita pa. Kaya na namin siya buhayin nang wala ka." Pero hinawakan ni Liam ang braso niya at hinila palapit. Ang init ng hawak nito, ang amoy nito... pareho pa rin. "Walang aalis," seryosong sabi nito. "Siya ang anak ko. At ikaw... ikaw pa rin ang babae ko. Hinding-hindi na kita hahayaang umalis ulit."
like