Story By Yana
author-avatar

Yana

ABOUTquote
Let me share with you all my thoughts by reading my written novels. I hope my novels would inspire you and meet all your expection. I\'m looking forward to all the writers and readers that someday we can meet up and have a liitle chit chat about how our novels and stories was made of. And always have a GOODDAY! SMILE.
bc
MY IN BE..." ( TWIN) "
Updated at May 15, 2022, 06:00
Naglaro ang tadhana noong ikapitong taon gulang ng kambal. Sa loob ng pitong taon ay naging masaya at maayos ang pag laki ng kambal. Biniyayaan ng Langit ang dalawang bata ng may kaakit akit na panlabas na itsura.At sa tuwinang magkasama silang dalawa ay para silang SALAMIN ng isa't isa at hindi ninuman masabi ang pagkakaiba ng dalawa maliban kay Elena ang kanilang ina.Maraming pagkakaparehas si Mike At Miguel ngunit sa kanilang paglaki maraming katangian ang magkaiba ang nakita ni Elena sa kanyang mga anak. Si Mike ay lumaking natural na maliksi at malakas,palakaibigan at madaling makihalubilo sa iba at ginagigiliwan ng lahat. Si Miguel naman ay mahina at mahiyain  halos konti lang ang kakilala at nakakakita sa kanya dahil madalas ay nasa loob siya ng icu sa loob ng ospital mula pagkabata.At sa tuwinang magiging maayos ang  kalusugan ni Miguel ay lagi lang siya namamalagi  sa loob ng bahay. Noong ikapitong taon gulang ng kambal, naging medyo maayos ang kalusugan ni Miguel at nagagawa na niyang makipag laro sa kanyang kapatid na si Mike. Masaya at malapit sa isa't isa ang dalawa noong mga panahon na iyon. Ngunit sa ikapitong taon ng kambal ay naglaro ang tadhana. Isang dapit hapon ang langit ay may magandang paglubog ng araw, naglalaro ang kambal malapit sa pinapagawang maliit na gusali ng kanilang ama upang maging imbakan ng bigas. Ang kambal ay masayang naghahabulan at naglalaro. "Mike, pagod na ako, ibang laro naman tayo." sabi ni Miguel Kay Mike. "Sige, tagutaguan nalang Miguel, ako ang taya"  sabi ni Mike. Malapit sa pinaglalaruan ng kambal ay mayron nakataling mga kahoy na nakabitiin sa itaas. Hindi maganda at matibay ang pagkakatali ng mga ito. Nag umpisa ng magbilang si Mike mula isa hanggang sampu habang nakapiring
like