Story By fea
author-avatar

fea

ABOUTquote
Bad in Match, terrible in Science but a believer of happy endings and great love - I express love in the form of writing
bc
Is this really love?
Updated at Jun 2, 2021, 07:33
Year 2010. Nakita ni Celeste kung paano tumitig sa kanya si Lucas nang sinabi ng bestfriend nyang si Jackson na hinihingi ng schoolmate nila ang number nya. "Les, ano, ibibigay ko ba?" pagpa follow-up sa kanya ni Jackson. "Sino nga kasi yan?" ang tanong ni Celeste. Nakakatunaw ang tingin ni Lucas kaya nagbawi ng tingin si Celeste habang tinatanong uli sa Jackson. "You know so well Jackson na ayokong kung kani kanino ibinibigay ang number ko. Malay ko bang stalker yan or rapist?" ngunit bigla namang kinikabutan sya sa huli nyang sinabi. "Hindi... kilala ko to Les, crush ka nito at desente to." Tiningnan nya uli si Lucas at gusto nyang obserbahan ang reaksyon nito ngunit bigla itong sumimangot at nilipat ang tingin sa pagkain. Silang magkakaibigan ay nasa school canteen at pare pareho silang nasa high school. Sophomores sina Celeste, Rica, Jackson at Katherine habang si Lucas ay senior na kapatid ni Jackson. Dahil nasa private school sila at galing sa isang maliit na lugar sa Mindanao sa Pilipinas, sila sila lang din ang magkakaklase kahit noong elementary pa sila. Magkakakilala ang kanilang mga magulang at para na rin silang magkakapamilya kung tutuusin. Bata pa sila ay lagi na silang nandyan para sa milestones ng isa't isa. Kapag may mga school projects, sila sila din ang nagtutulungan at kapag gusto nilang mag overnight party, pinapayagan sila ng mga magulang nila kapag sila sila ang magkakasama.
like